Stare XIX

1.4K 71 3
                                    

Having purified your souls by your obedience to the truth for a sincere brotherly love, love one another earnestly from a pure heart~1 Peter 1:22

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Having purified your souls by your obedience to the truth for a sincere brotherly love, love one another earnestly from a pure heart
~1 Peter 1:22

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Labing Siyam na Kabanata

LUMIPAS ang mga oras, araw, at linggo ay napatunayan kong seryoso talaga si Nash sa akin. Kahit na tinanggihan ko ang panliligaw niya ay hindi pa rin siya nagpapigil. Kaya hinayaan ko na lang.

Tsaka sinulsulan din kasi ako ng mga kaibigan ko. Bet daw nila si Nash para sa akin. Sila nalang kaya ang magpaligaw. Parang mga ano eh.

Pati si Bal payag sa panliligaw ni Nash. Nakakapagtaka nga eh, hindi ko alam kung ano ang pinakain niya sa kakambal ko at napapayag niya ito. Mango Graham Shake kaya?

Isa pa, si Nash lang ang naglakas loob na manligaw sa akin ng personal. Mayroon namang mga nanliligaw sa akin dati pero hanggang chat lang sila. Kaya hindi ko sila ine-entertain.

Madalas din niya akong tinuturuan kapag hindi ko maintindihan ang lesson sa Pre-Calculus, Gen Math, Gen Bio at iba pang mga subject. Noong pre-finals nagkaroon nga kami ng group study kasama si Aera at Quias. Nash was our tutor.

Ngayon naman, mayroon kaming take home activity sa Pre-Cal at nagprisinta siya na sagutan naming ito ng sabay. Nandito kami ngayon sa library ng school.

"Mali naman 'yan Mango Graham Shake." I glared at him but he just chuckled. Simula kasi noong payagan ko siyang manligaw, MGS na ang palagi niyang tawag sa akin!

Kinuha niya ang notebook ko at pilit na ine-explain sa akin 'yung equation ng mathematical induction. Ang daming numbers! Nakakahilo.

"So, you need to substitute..."

Pinagmasdan ko si Nash habang tinuturuan niya ako. Ngayon ko lang napansin na mapula pala ang kaniyang labi, sobrang haba pala ng kaniyang mga pilik mata, matangos din ang kaniyang ilong at higit sa lahat, napakaganda talaga ng kaniya mga abong mata.

Pinitik ni Nash ang noo ko na nagpabalik sa aking ulirat.

"Are you done fantasizing my face Mango Graham Shake?" He smirked and I glared at him. "Kung nakakamatay 'yang titig mo, baka kanina pa ako pinaglalamayan," sabi pa niya.

"Patay na patay ka naman na sa akin eh," I whispered.

"I can't deny it. Ikaw din naman," mapresko niyang sambit.

"Kapal mo!" singhal ko sa kaniya at pabiro siyang binatukan.

Matapos ang paglalandian este ang pag-iinisan namin ni Nash ay tinuloy na namin ang take-home activity sa Pre-Cal. Swerte ko rin talaga sa kaniya dahil tinutulungan niya ako sa aking pag-aaral.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon