Stare XVII

1.6K 68 8
                                    

May he give you the desire of your heart and make all your plans succeed

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May he give you the desire of your heart and make all your plans succeed.
~Psalm 20:4

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Labing Pitong Kabanata

NANG dumating ang araw ng Sabado, bumisita kami sa puntod ng aming mga magulang. Pakarating namin dito, mayroon kaming dinatnan na isang basket ng puting bulaklak at nakasinding kandila.

"Kanino naman galing ang mga ito?" aking tanong.

Luminga-linga ako sa paligid upang tingnan kung nandito pa ang taong naglagay nito ngunit wala akong napala. Sino naman kaya ang bumisita sa mga magulang namin?

Napatingin ako kay Bal at nakangiti lamang siya. Ngiting parang alam niya kung sino ang bumisita sa aming mga magulang.

"Ibang klase talaga siya," Stair whispered. My forehead wrinkled on what he said.

"Who?

"Ahh—Wala. Wala."

Parang mayroong hindi sinasabi ang kambal kong ito sa akin. I can sense because of our twin telephaty.

"Oh, bakit ka ganiyan makatingin?" tanong niya.

"Do you know the person who visited our parents?"

Ilang beses kong tinanong si Bal tungkol sa bulaklak at kandila subalit tanggi lang siya ng tanggi. Hindi raw niya kilala kung sino ito. Sumuko na rin ako nang ayaw talaga sabihin ni Bal ang totoo. Malalaman ko rin kung sino 'to.

Pagkaraan naming bumisita sa aming mga magulang, pumunta kami sa tinitirahan namin dati. Halos apat na buwan na rin kasi simula noong huli naming punta rito.

Walang nakatira sa bahay. Madalas ay sumasaglit lang dito si Tito Nike upang linisan ito. Wala naman kasi kaming kakayahan na magkaroon ng caretaker upang mag-alaga at magbantay nitong bahay.

"Xeidrine, Stair! Buti napadalaw kayo rito!" bati sa amin ni Tito Nike.

Binuksan niya ang gate ng bahay namin. Agad kaming lumapit sa kaniya at yumakap. Tinext kasi namin si Tito Nike na dadalaw kami ngayon kaya siya nandito.

"Na-miss po kasi namin ang lugar na ito."

"Eh 'yung anak ko ba nami-miss mo?" mapanlokong tanong niya sa akin.

Anak? Does he pertaining to Nash? Or Ate Natrix? O baka naman namali lang ako ng dinig?

"Po?"

"Ang sabi ko, nami-miss mo ba ako?"

Napakamot ako ng ulo dahil mali pala talaga ang aking dinig. Hay nako Xeidrine. Kailangan mo na ngang maglinis ng tainga, nabibingi ka na.

"Syempre naman Tito!"

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon