Stare X

2.2K 114 14
                                    

"You turned my wailing into dancing; you remove my sackcloth and clothed me with joy, that my heart may sing your praises and not be silent

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"You turned my wailing into dancing; you remove my sackcloth and clothed me with joy, that my heart may sing your praises and not be silent. Lord my God I will praise you forever."
~Psalms 30:11-12

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Sampung Kabanata

LUMIPAS ang dalawang linggo at naging busy kami sa pagpa-practice sa darating na Acquaintance Party. As usual, sumabay pa rin ang ibang subjects. Senior high school was so stressful. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang college kung ngayon pa lamang ang nahihirapan na ako. But hindi ako pwedeng sumuko. Kakayanin ko ito.

"Mr. Markien Magnum and Ms. Alexeidrine Praise Monteasul," sabi ni Mr. Psyche, ang magiging master of ceremony ng Acquaintance Party.

Pumunta na kami sa stage ng partner ko at nag-bow. This is our third and last overall practice para sa party. Bukas na kasi ito gaganapin.

We are practicing now the processional kung saan papasok ang mga estudyante per strand and sections. The partnering was alphabetically arranged.

"Hi Xeixei!" bungad sa akin ni Quias pagkarating namin sa table ni Kien. Nginitian ko naman siya.

Hilig niyang tawagin ang mga tao sa palayaw na gusto niya. Tawag nga ni Quias kay Aera ay Ae Ae. Minsan na rin niyang tinawag si Nash na Nana. Napangiti tuloy ako tuwing naaalala ko 'yun. Quias with his weird callings nga naman.

Simula noong nagkausap kami ni Nash last Saturday naging instant kaibigan ko na rin si Quias. He was so talkative, napakaingay niya kumpara sa kaibigan niya.

Well, maingay din naman si Nash but may limitation. Etong si Quias hindi mapigilan ang bunganga. Daig pa ang tindero't tindera sa palengke!

"Si Xeixei snob si ako," wika niya habang nakapangalumbaba at nag-pout pa ang mokong.

"Huwag ka ngang mag-baby talk diyan."

"Okay. Si Nash nga lang pala ang baby mo." Inirapan ko siya.

Minsan nakakainis din itong si Quias dahil lagi kaming sini-ship na dalawa ni Nash. Porket pareho daw kaming mahilig maglaro ng chess, magka-religion, at higit sa lahat gusto raw niya ako para sa kaibigan niya. Hay.

"O 'di kaya baka hindi talaga si Nash ang gusto mong maging baby. Kung hindi ako." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ang assuming!

"Asa ka."

"Huwag ka nang magkaila Xeixei. Tanggap ko naman na mas gwapo ako sa kaibigan ko pero atin-atin lang 'to kasi baka magalit si Nash na ako pala ang mas angat sa kaniya," he whispered.

Akala mo naman malaking sikreto ang kapogian niya. May itsura naman siya kaya lang kailangan pa bang sabihin 'yun? Napepreskohan ako sa mga ganung tao.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon