Part Two

13K 240 9
                                    


"IT'S ALREADY quarter to twelve," sagot ni Miklos kay Aira. "I went to the operations area for a short meeting with Sprint's OM, then when I went back here, naabutan kong nakatulog ka na sa station mo." Inulit nito ang alok na itawag siya ng taxi.

Umiling siya. "Ah, hindi na lang, Miklos. Okay na 'ko."

Tumango lamang ito bilang sagot sa kanya bago ito pumasok sa pantry ng recruitment office na nasa gawing kanan nila.

Kinusot-kusot niyang muli ang mga mata. Naabutan pa niya sa computer screen ang language training report na ginagawa at nakatulugan na pala niya. She saved the file in their company's shared drive before she turned the computer off. She gathered her things. Inilibot niya ang tingin sa opisina. Mukhang silang dalawa na lamang ang naiwan doon, maliban marahil sa guard sa labas.

Napahawak siya sa noo habang binalikan sa isip niya ang panaginip na parang totoong-totoo pa rin sa kanya. Oo, matagal na niyang crush si Miklos, dahil bukod sa gwapo ito ay may sense itong kausap. Isa ito sa mga lagi niyang kakwentuhan kapag na-aassign siyang mag-report sa site nilang iyon. Pero hindi niya akalaing subconciously ay mayroon pala siyang natatagong pagnanasa dito; lust which apparently had seeped into her dreams. Wala naman kasi silang pinapag-usapan nitong si Miklos kung hindi mga palabas sa National Geographic, mainstream at independent rock bands, kung hindi man NBA teams. No romantic stuff, whatsoever.

She looked at her wristwatch. It was almost midnight. Handa na siyang umalis ngunit nanatili pa rin siyang nakatitig sa blangko na niyang computer screen. Wala sa sariling napasulyap siya sa may pintuan ng pantry. Gagawin ba niyang totoo ang panaginip niya? Nagbawi siya ng tingin nang bumukas ang pinto ng pantry at lumabas mula roon si Miklos na umiinom sa hawak nitong paper cup.

Huminga siya ng malalim bago tumayo mula sa kinauupuang office chair. Sukbit ang dalang bag sa kanang balikat ay naglakad siya palapit kay Miklos.

Itinigil nito ang pag-inom sa paper cup. "Hey, Aira. You sure you're okay?"

Saglit siyang napatingin sa labi nito na nabasa ng ininom nitong tubig. Pinilit niya ang sariling ibalik ang tingin sa nakasalamin nitong mga mata na mataman na ngayong nakatingin sa kanya.

"Ahm, ba-bye, Miklos," she said softly. Still having a hangover with her erotic dream with the guy, she did something that she hasn't done before: tumingkayad siya't dinampian ng halik ang pisngi ni Miklos. Ngunit dahil marahil sa bahagya pa siyang groge sa antok, dumaplis siya't halos kalahati rin ng mga labi nila ang nagkadikit. Nagulat man si Miklos ay hindi na ito nagsalita pa tungkol doon.

At bago pa makita ng lalaki ang pamumula ng mga pisngi niya ay tumalikod na siya rito at mabilis na naglakad patungo ng pinto. 

--

"PUTANGINA, Aira, dalaga ka na!" Ang natatawang sabi ni Grace sa kanya. Bakas pa sa mukha nito ang sorpresa at hindi paniniwala sa narinig na kwento mula sa kanya.

Nasa loob sila ng kwarto ng inuupahan nilang apartment. Dahil sa liit noon ay double deck ang kanilang kama. Siya sa taas, at ito naman sa baba. Kasalukuyan silang nasa ibabaw ng kama nito. Sa may ulunan ito nakapwesto, habang siya naman ay nasa may paanan ng kama, yakap-yakap ang nakatiklop niyang mga tuhod.

Ngayon ay parang gusto na niyang pagsisihan na sinabi pa niya tungkol dito ang panaginip niya tungkol kay Miklos. Alam naman niya ang magiging reaksiyon nito, pero hindi lang niya napigilan ang sarili dahil parang sasabog siya kung wala siyang pagkukwentuhan tungkol doon.

"Patingin nga ng facebook ng Miklos na 'yan. Gusto kong malaman kung ano ang itsura ng lalaking nakagising sa libog mong daig pa ang tulog na mantika dati. Sobrang hot ba niya?"

Against the Wall (COMPLETED)Where stories live. Discover now