Part Twenty-One

6.6K 164 13
                                    

"IT'S FOUR in the morning and you're cleaning up?"

Ang tinig ni Miklos ang nagpatigil kay Aira sa ginagawa. Hindi niya namalayan ang pagpasok nito ng kwarto. "Nagulat naman ako sa 'yo," aniya rito bago ipinagpatuloy ang ginagawang pagliligpit ng mga gamit ni Grace.

"Can't that be done later? You haven't had enough rest yet."

Nagkibit-balikat lamang siya. Wala rin naman kasing silbi ang pagpapalit niya ng pantulog niyang pajama dahil ayaw din naman siyang dalawin ng antok. Dalawang oras lang siyang pabiling-biling sa taas ng double-deck. Kaya imbes na pilitin pa niya ang sariling makatulog, mas pinili na lamang niyang gumawa ng kapaki-pakinabang na bagay para mahati ang atensyon niya sa mga iniisip niya.

Sa sobrang abala nga lang niya sa ginagawa, hindi na niya namalayan na gising na pala si Miklos. Sa itsura nito ay mukhang nagawa na nitong maghilamos. Puting undershirt na lamang ang pang-itaas nito, habang suot pa nito ang pantalon nitong pang-opisina.

Ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa. "Kailangan ko na gawin 'to. Baka anumang oras pumunta na rito 'yung kapamilya ni Grace. Mabuti na'ng sigurado."

"Ano ba 'yang mga nilalagay mo d'yan sa trash bag?" anito na sumilip ng bahagya sa ginagawa niya. "CDs and DVDs?"

"Porn CDs and DVDs."

"Those are Grace's?"

"Yes."

"That's... interesting. And somehow... Unexpected..." Dumampot pa ito ng isa sa mga CD na "Henny Penny and the Large Cock" ang pamagat. Saglit nitong tiningnan ang harap at likod bago ibinalik iyon sa loob ng trash bag. "You've been cleaning up the whole night?"

Umiling siya. "Bumangon na lang ako ng pasado alas tres, hindi kasi ako makatulog. Naalala ko 'tong mga 'to. I also had delete all folders in her laptop having these kind of stuff."

Ilang sandali ang dumaan at nanatili itong tahimik. Maya-maya ay muli itong nagsalita. "I know what you're doing. You're trying to preserve her image to her family as a good, heroic teacher. Right?"

Ilang sandali siyang tumahimik. "Masama ba 'yun?"

"For me? No, not really." Tiningnan nitong muli ang ginagawa niya. "Need any help?"

"No, I'm okay."

Ngunit lumuhod pa rin ito sa tabi niya at nagsimulang ayusin ang trash bag. Inirolyo nito ang nakabukas na dulo niyon para marahil mas madaling ipasok doon ang mga gamit ni Grace na itatapon niya.

"Were you able to see this DVD case having your name on it?"

"Ha?" Napatingin siya sa hawak nitong DVD case. Halos hindi niya kasi matingnan ang mga iyon kanina dahil sa pawang mga hubad na nakabukakang mga babae at iba't ibang laki at kulay na ari ng mga lalaki ang nasa cover noon.

"This says, 'Happy Birthday, Aira!'" anito bago iniabot iyon sa kanya.

Kinuha niya iyon mula kay Miklos. Kulay itim ang background ng papel at kulay pula naman ang font. Kumunot-noo siya. "P-Para sa birthday ko?" Her birthday would be three weeks from now. Regalo ba iyon dapat sa kanya ni Grace?

Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa sahig. "B-Baka may iniwan siyang message." Lumabas siya ng kwarto at napunta sa salas kung saan naroroon ang TV set nila at DVD player. Nanginginig ang mga kamay niya nang i-on ang TV set at DVD player. Hindi niya alam kung ano ang mapapanood niya roon. Meron kayang huling habilin sa kanya si Grace? Meron ba itong naging premonisyon na magpapalam na ito sa mundo, kaya kinunan nito ang sarili ng video?

Nang pindutin niya ang play button ng remote control ay pigil-pigil niya ang hininga. Ngunit nang ang bumulaga sa kanya sa screen ay isang babae na nakahiga sa massage bed at tanging tuwalya lamang ang nakatakip sa may likuran nito ay napamaang siya. Nang may lumapit dito na lalaki at sinimulang buhusan ng langis ang binti ng babae at minasahe ito ay napalingon siya kay Miklos; alam niyang kasunod lamang niya itong lumabas mula sa silid. Tiningnan lamang siya nito at nagkibit-balikat.

Ibinalik niya ang tingin sa screen. Ang boobs na ng babae ang minamasahe ng lalaki, at nagsisimula nang umungol ang babaeng minamasahe. Napalunok siya at pinindot ang fast forward button ng remote control. Kung sa ibang pagkakataon niya napanood iyon ay napatawa na siguro siya ng malakas. Naging parang cartoons kasi ang ginagawang pagmamasahe at eventually ay pagse-sex ng babae at lalaki sa ibabaw ng massage bed.

Bigla niyang pinindot ang pause ng makitang pagkatapos ng video ay may message screen na lumabas. Ilang saglit siyang nag-rewind at nag-fast forward bago niya nasaktuhan ang message screen. Sabi roon:

Kahit hindi mo sabihin, alam ko na yung massage sex ang isa sa mga sexual fantasy mo. How did I know? 'Yan lang yung porn video na natatagalan mong panoorin everytime you caught me watching my dark, sinful pleasure. At iyan ang unang fantasy sex wish ko for you, my dear Aira: an oily, beautifying, and highly-erotic massage sex.

Nilingon niyang muli si Miklos. "I.. uhm..."

"You don't have to explain."

Napatango na lamang siya at muling pinindot ang play button. Ang kasunod naman ay isang eksena sa nakabukas na refrigerator. Sinusubuan ng lalaki ang babaeng nakapikit ng strawberries, piraso ng gelatin, maging ng kulay berdeng sili. At dahil naanghangan, pinainom nito iyon ng gatas. Tuloy-tuloy ang ginawang pag-inom ng babae ng gatas, na natapon pa sa suot nitong bathrobe. Hinubad na ng lalaki ang roba ng babae. Naghubad na rin ito ng pang-itaas nitong suot. Sunod nitong unti-unting ibinuhos sa mga balikat at binti ng babae ang isang maliit na bote ng honey. Nang maubos iyon ay sinimulan na nitong halikan at dilaan ang mga bahagi ng katawan ng babae na may pulot.

Hindi niya magawang i-fast forward ang eksena dahil kung ang naunang video ay halatang porno, ngayon naman ay animo galing iyon sa isang pelikula. She found the scene sweet and romantic that it was touching, moving something inside her.

Nagulat pa siya nang habang naghahalikan ang dalawang karakter ay naputol na iyon at isang mensahe na naman ang lumabas. Pinindot niya ang pause button.

Naikuwento mo sa 'kin dati how much you liked the erotica with the chocolate syrup sex scene. It was hard finding a video with that scene, so I got this one using honey. So, my second fantasy sex wish for you is that may you experience a chocolate syrupy foreplay, leading to a sweet, sweaty, and sticky sex. Yihee!

Kagat-kagat na niya ang pang-ibabang labi bago niya pinindot muli ang play button. Palakas ng palakas ang pagkabog ng dibdib niya.

Nang makita niya ang sunod na video ay napatili siya. Nabitawan niya ang remote at bumagsak iyon sa sahig.

Mukha niya at ni Miklos ang naroroon! And they were having sex against the wall!

Against the Wall (COMPLETED)Where stories live. Discover now