Part Nineteen

6.4K 150 18
                                    

TAHIMIK lamang si Aira habang nasa loob siya ng kotse ni Miklos. Hindi rin naman siya tinangka pang kausapin nito. Nakatutok ang tingin nito sa daan, habang siya naman, nakatingin sa kawalan.

Iniiwasan niyang makita ang sarili sa salamin. Nakikita niya kasi ang mga namumugtong mga mata na mahapdi na sa kaiiyak niya. Ngayon nga lang na iniisip niya ang nangyari, nag-iinit nang muli ang mga mata niya...

"Grace naman, eh..." wala sa sariling usal niya. Muli na namang tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya. Gusto niyang sumigaw ng mga oras na iyon. Gusto niyang sisihin si Grace kung bakit hindi nito nagawang iligtas ang sarili. Gusto niyang sisihin ang driver ng bus na sinasakyan nito. Gusto niyang kwestyunin ang kagustuhan ng Diyos, kung bakit kay Grace pa nangyari ang aksidenteng iyon.

"Aira," narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Miklos.

Nilingon niya ito habang pinapahid ang mga luha niya. Maingay siyang napasinghot.

"Okay lang kung gusto mong sumigaw dito sa loob ng kotse. If you want to talk about what happened, feel free to do so."

Umiling-iling siya. "Ewan ko, Miklos... Sobra-sobra lang kasi 'yung nararamdaman kong lungkot. Lungkot na may kahalong galit. O takot. Na... Na ang ikli-ikli lang pala ng buhay? Alam mo 'yun? Pwede pala talagang mawala sa mundong 'to anumang oras. Walang sigurado. Kahit ano pang plano ang gawin mo sa buhay, pwede kang basta mawala na lang. 'Yung mga mahal mo sa buhay. Pwede palang kausap mo lang sila kanina tapos... Tapos mamaya wala na sila..." Napakagat-labi siya bago pinahid ng likod ng kamay ang mga luhang muli na namang naglandas sa mga pisngi niya. "Shiiit, Grace..."

Hindi nagkomento sa litanya niya si Miklos. Nanatili lamang itong nakatingin sa kalsada, bago pagkatapos ng ilang saglit ay susulyap sa kanya.

Muli siyang suminghot. Doon na ito humawak ng isang kamay sa manibela habang ang isa nitong kamay ay dumukot sa may bulsa ng pantalon nito. Maya-maya ay iniabot nito sa kanya ang isang panyo.

"Ha? 'Wag na, may panyo ako. Asan na ba 'yun..." Hinalungkat niya ang bag.

"C'mon, get it already. It's not easy to drive with one hand even with this kind of traffic. Accidents can happen—"

Dahil sa huling sinabi nito at doon na niya kinuha ang inaabot nitong panyo. "Talent mong mangonsensiya. Sisingahan ko talaga 'to, ha?"

"Feel free."

Ginawa nga niya ang sinabi. Tutal, wala na siyang nararamdamang hiya sa lalaki ng mga oras na iyon. Also, at her state, she was lightyears away from being charming. Kaya hindi na niya pinagtangkaang isipin pa kung ano ang iisipin ni Miklos sa kanya.

Nasa toll gate na sila ng Skyway nang may bigla siyang maalala. "Si Roel..."

"Who's that again?"

"Si Roel... Yung boyfriend ni Grace. Natawagan na kaya siya? Ang nasabi lang kasi nung co-teacher ni Grace na kausap ko kanina, papunta pa lang daw yung family ni Grace mula Bulacan... Hindi ko na natanong kung nasabihan nila si Roel. Tawagan ko ba? Ako ang magsasabi sa kanya?"

"If you're asking me, yes, I think he'd like to know what happened to his girlfriend. I would."

Bumuntung-hininga siya. Kinuha niya ang cellphone mula sa bag. Mayroon siyang number ni Roel dahil minsan ay nagti-text sa kanya si Grace gamit ang celllphone ng boyfriend nito. Huminga muna siya ng malalim bago niya nagawang hanapin ang numerong tatawagan sa phonebook niya.

Naka-ilang ring din ang telepono nito bago nito iyon sinagot.

"Roel here."

Sa boses ng lalaki sa kabilang linya, alam na niya agad na alam na nito ang nangyari. May bahagyang garalgal ang tinig nito.

"Roel... Si Aira 'to, yung housemate ni... ni Grace. A-Alam mo na ba 'yung... 'Yung nangyari?"

Narinig niya ang pagtikhim nito na parang may nakabara sa lalamunan nito na hindi maalis. "Yes. Someone called me up." Ilang sandali na tumahimik ito at ang tanging naririnig niya ay mga iyak nang kung sino na malapit rito. "Nandito na 'ko sa ospital."

Napakagat-labi siya. "Ah, okay... P-Papunta na rin kami—ako d'yan."

"Sige." Pagkasabi nito noon ay pinutol na nito ang tawag.

"He's already at the hospital?" untag ni Miklos sa kanya.

Tumango siya. "Mababaliw siguro ako kung ako 'yung nasa kinalalagyan niya ngayon," aniya habang mahigpit na hawak-hawak ang cellphone niya.

"Same here. I don't think I can keep my sanity if I'd lose Hannah—"

Tumikhim siya ng malakas.

Napasulyap sa kanya si Miklos, nagtatanong ang mga mata.

"Bumusina ka naman, kahit 'unti lang."

"I'm sorry? What—ah," anito nang bigla marahil mapagtanto ang tinutukoy niya. "Look, Aira—"

"Ano ba, niloloko lang kita. Wala lang 'yun," nagpakawala siya ng malalim na buntunghininga bago pabagsak na isinandal ang sarili sa passenger seat. "Pero salamat talaga sa pagsama sa 'kin, Miklos. Kung hindi ka nag-volunteer na ihatid ako, baka mukha akong sira-ulo ngayon na nag-iiiyak sa loob ng kung kaninong sasakyan."

"You're welcome."

Nahinuha niya mula sa matipid nitong sagot na mukhang ayaw na nitong humaba pa ang usapan nila. Muli siyang bumuntunghininga bago ipinikit ang mga mata.

Hindi na niya namalayan na tuluyan na pala siyang nakatulog.

--

"AIRA, wake up. We're here."

Nagmulat siya ng mga mata. Nabungaran niya si Miklos na marahang tinatapik ang kaliwang balikat niya. She leaned forward and covered her face with her hands. Nabanat ang seatbelt na nakaharang sa pang-itaas na katawan niya. "Asa'n na tayo?"

"We're already here at Santa Rosa General Hospital."

Inihilamos niya ang mga kamay sa mukha bago tinanggal ang seatbelt niya. "Nakatulog pala ako. Sorry." Saglit niyang inayos ang sarili bago siya dumukwang para kuhanin ang bag niya sa backseat ng kotse. Bumaba siya ng sasakyan. Ilang saglit pa ay sumunod na rin sa kanya si Miklos.

They walked towards the main entrance of the hospital. She had the feeling of dread getting stronger at every step she made towards the Information Desk. "Miss," aniya sa naabutang babaeng nurse doon. "Pwedeng magtanong tungkol kay... Kay Grace Espino? Dito daw siya dinala..."

"Grace Espino?" Nagpaalam ito sa kanya saglit bago ito nag-check sa kaharap na computer. Tumipa ito sa keyboard noon. Pagkatapos ng ilang segundo ay ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Kaano-ano ho n'ya kayo?"

Napakagat-labi muna siya bago sumagot dito. "Kaibigan."

Tumango-tango ito. "I'm sorry, pero nasa morgue na ho 'yung katawan ng pasyente. You can take the stairs here on your left papunta ho ng basement," anito sa kanya.

Nagpasalamat siya rito bago tinungo ang direksyong ibinigay nito. Nanatili lamang na nakasunod sa kanya si Miklos. Nang makababa sila ng basement, magtatanong pa sana siya sa naabutan doong janitor ngunit nang matanaw niya ang isang grupo ng mga estudyanteng naka-school uniform pa at nag-iiyakan sa isang tabi, alam niya kung saan naroroon si Grace.

Napahigit siya ng hininga bago naglakad papunta sa direksyon ng mga estudyante. Mayroon ding ilang mga nakilala niya na mga co-teacher ni Grace ang naroroon. Hinanap niya ang pamilyar na bulto ni Roel sa mga iyon.

Ngunit hindi si Roel ang nakatagpo niya ng tingin mula sa mga tao roon.

Si Jeffrey.

Against the Wall (COMPLETED)Where stories live. Discover now