Part Thirty-two

6.5K 155 26
                                    

NGAYON namang nakakuha si Aira ng kakampi, saka naman niya gustong umayaw sa napag-usapan nilang pagkikita ni Miklos.

Pagkatapos kasi ng nangyari sa kanila ni Hannah sa opisina, she thought it would be like courting disaster if the 'goodbye dinner' for Miklos would push through.

But Steph thought otherwise.

"C'mon, just say goodbye to him with flair. You gave him your virginity. Be with him for the last time." Nagbuga ito ng usok ng sigarilyo nito paitaas.

Nagkibit-balikat siya, bago bumuntunghininga. Tinanaw niya mula sa ikalawang palapag ng Starbucks ang mga taong paroo't parito sa may Fastbytes Plaza. Kanina pa tapos ang shift nila ni Steph, samantalang ang mga call center agents sa ibaba nila ay nagsisimula pa lamang ng kani-kanilang mga araw.

May lagpas dalawang oras na rin silang nakatambay doon. Nakakapangalahati na ni Steph ang isang flip-top pack ng Marlboro Menthol, at siya ay nakaka-dalawang tasa na ng Chai Tea Latte.

Alam niyang may sinira siyang pangako kay Miklos nang sabihin niya ngayon kay Steph ang tungkol sa nangyari sa kanila ng lalaki nang gabing inihatid siya nito sa bahay, kasama na rin ang magaganap na "goodbye dinner" nilang dalawa sa Martes. Isinama na nga rin niyang ikwento kay Steph pati na rin ang naging "eksena" sa pagitan nila ni Hannah sa Shaw site nila.

Pakiramdam niya kasi ay sasabog na ang utak niya sa kakaisip, at wala naman siyang kausap tungkol sa lahat ng iyon kung hindi ang sarili niya. So, she decided to finally tell it to Steph, since she was one of the few people whom she would trust her life with.

Steph could not believe everything at first, at bahagya pa itong nagtampo dahil hindi daw niya sinabi ang mga iyon dito agad. She had to apologize to Steph for keeping it a secret. She also asked Steph not to tell anyone, even her boyfriend whom she knew was a friend of Miklos.

Napabuga siya ng hangin. "Parang ayoko na, Steph. Nakokonsensya na talaga ako."

"He's not married yet, so you're not 'Breaking-the-law-of-Church' or something. Go and fuck him for the last time." Pagkasabi noon ay muli itong naghitit-buga ng sigarilyong hawak nito.

She internally cringed at Steph's choice of words. She sighed again.

"'Know what, I've a friend in Vivere Hotel. Sagot ko na 'yung dinner at room n'yo for Tuesday. Just don't tell Miklos it was on me."

Napanganga siya. "P-Pero, 'wag na Steph—"

"And I won't accept a 'no' for an answer."

Napatitig siya dito. "Ang gulo mo. Dati, sabi mo 'wag na 'kong umasa... Tapos ngayon..."

"That's because you didn't tell me that you already had sex with him!"

"Ha? Ano'ng konek?"

Kumunot ang noo nito. "Uh, it's just that... You know, the two of you fucking makes all the difference."

Napailing na lamang siya. Kung hindi lang niya alam na Caffè Americano ang ininom nitong si Steph kanina, iisipin niyang lasing ito. Para kasing wala ito sa sarili. Hindi nga niya alam kung inintindi ba nito ang mga kwento niya tungkol kay Miklos kanina...

Ilang sandali rin siyang nanatiling tahimik. Si Steph naman ay ganoon din. Animo kuntento na ito sa tuluy-tuloy na paghitit-buga ng sigarilyo nito.

Minutes passed, and she consciously looked at her wristwatch. "Ahm, Steph, thanks sa pakikinig and all, ha. Pero kailangan ko na mauna. Mahirap kasing iwanan si Ate ngayon mag-isa sa apartment."

Tumango-tango ito, mukha pa ring abala sa kung anumang iniisip nito. "Okay. I'll be staying here pa, I'd be meeting up with someone. See you tomorrow."

"Good night," aniya dito, bago niya kinuha ang gamit at tumayo. Kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi habang naglalakad papalayo ng mesa nila. Pababa na siya ng hagdan nang lingunin si Steph. Nakita niya itong nakatulala, habang nakaipit sa dalawang daliri ang isang bagong stick ng sigarilyo na hindi pa nito nasisindihan.

Napabuntunghininga siya bago tuluyang bumaba ng hagdan. Steph looked more distracted and anxious than usual. At nagawa pa niya itong pa-problemahin sa problema niya.

Sorry, Steph.

---

HUMINGA muna si Aira ng malalim bago siya lumabas ng pinto ng kwarto nila. Naabutan niya ang ate Alma niya na namamapak ng butong pakwan habang pinanonood sina John Lloyd at Bea.

"Putang-ina naman, Bash. Ganyan ka ba katigas?"

"O, bakit bihis na bihis ka? May date kayo ni Jeff?"

Inalis niya ang tingin kay John Lloyd na mukhang naghahamon ng suntukan. "Um, hindi si Jeff. Ano namin ngayon eh, site general assembly."

"Ah, okay. 'E 'di late na ang uwi mo niyan?"

Tumango siya.

"Ingat."

Tumalikod siya dito at naglakad papalabas ng apartment. Ngunit bago siya tuluyang lumabas ay liningon niya ang ate niya. Kailangan lang niya talagang malaman ang sagot nito sa isang tanong na matagal-tagal na rin niyang pinag-iisipan.

"Ate, naisip ko lang, pa'no kung pumunta dito si Father John, tapos sabihin niya na willing siyang umalis ng pagka-pari para sa 'yo, okay lang ba 'yun sa 'yo?"

Bigla ang naging pagpihit ng ate niya sa direksyon niya, bakas sa mukha nito na hindi nito inaasahan ang tanong niya. Ngunit kahit halatang nasorpresa ito sa tanong niya, naging mabilis rin ang pagsagot nito sa kanya.

"Hinde. Dahil alam ko kung gaano ka-importante sa kanya ang pagiging pari niya. Iyon na ang buhay niya, at hinding-hindi ko 'yon kukunin mula sa kanya." Pagkasabi noon ay ibinalik na nito ang tingin sa TV screen. "Hindi ko na rin tatanungin kung bakit mo biglang natanong sa 'kin 'yan. Sige na, late na."

She sighed inwardly. Tuluyan na siyang lumabas ng apartment at nagpahatid sa una niyang nakitang tricycle papunta sa terminal ng taxi na malapit sa kanila. May pagka-sosyal ang Vivere Hotel na pinag-reserve-an ni Steph para sa kanila ni Miklos. Walang dumadaan na jeep o tricycle sa harap noon. It was either by car, or cab. O, maglalakad siya mula sa main road, na ayaw naman niyang mangyari. Ayos lang naman sa kanyang magbayad na lang ng taxi.

Gandang-ganda pa naman siya sa sarili niya ngayon.

Sinadya niya iyon, dahil tutal mistulang teleserye o pelikula na rin naman ang buhay niya, gusto niya ng break-up scene na pang-movie material na rin. Kaya siya pumayag sa alok ni Steph. At dahil na rin sa pagpupumilit nito, she even agreed to the hotel room that Steph had paid for, kahit wala naman siyang balak na gamitin pa iyon. Wala na siyang plano pang akitin si Miklos. Ngayon gabi, wala siyang gagawin kung hindi ang magpaalam dito.

At iyon ay dahil lamang sa gusto niya ng ending,at wala ng iba pa. All of this mess started with her erotic dream of Miklos,and she wanted to end it with a dinner with him— something that was real, yetpainful.

She needed this closure.

Against the Wall (COMPLETED)Where stories live. Discover now