Part Eighteen

6.2K 141 4
                                    

NAG-PANIC siya. "Si Grace? As in Grace Espino? Ano'ng nangyari? Nagbibiro ka ba? Please tell me you're joking. Please..."

Nagsimulang maglapitan sa kanya ang mga recruiter na nasa loob ng opisinang iyon. Nagtanong ang mga ito sa kanya, ngunit hindi niya iniintindi ang mga iyon. Hindi siya humihinga habang hinihintay ang sagot ng kausap niya sa kabilang linya. Gusto niyang masigurado na nagbibiro lang ito. Baka nagti-trip lang si Grace at kinutsaba ito. Grace could not possibly be dead. Buhay ito. Ito pa nga ang nagluto ng almusal nila kaninang umaga. Paano nangyaring wala na ito ngayon?

"P-Pauwi naman na d-dapat kasi kami. Nag-stop over lang kami s-saglit sa isang g-gas station. Tapos... Tapos k-kasama niya 'yung students niya papunta sa convenience s-store na malapit... Tapos b-bigla na lang may bus na g-galing sa express way na nawalan ng b-break... Lumiko b-bigla... Papunta sa k-kanila..."

Nanghihina siyang napaupo. Napatakip siya ng bibig. Tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha niya. Malabo na ang mga nangyayari sa paligid niya. At ang sakit-sakit ng nararamdaman niyang pagkirot ng dibdib niya.

"T-Tinulak ni Teacher Grace yung mga k-katabi niyang students para hindi sila m-mabangga nung bus. K-Kaso.... Siya 'yung... Siya 'yung n-nabangga.... Sinugod n-naman namin siya sa o-ospital... Pero wala na talaga s-siya... D-dead on arrival daw s-sabi ng mga d-doktor..."

Doon na siya tuluyang napahagulgol. Basta na lamang niya ibinaba ang cellphone niya bago siya sumubsob sa workstation niya at doon umiyak. Naramdaman niya na mayroong humahagod sa likod niya, at mga boses na nagtatanong sa kanya ng mga detalye. Ngunit wala siyang sinagot sa mga iyon. Parang may nakabara sa lalamunan niya. Nahihirapan siyang huminga.

Hindi niya lubos-maisip na kanina pala ang huling beses na makakasama niya si Grace. Hindi man lang siya nakapagpasalamat dito sa lahat ng ginawa nito para sa kanya. Hindi man lang niya nasabi dito kung gaano niya ito pinahahalagahan bilang kaibigan. Hindi man lang siya nakapagpaalam...

"Aira, what happened?" kasabay ng mga salitang iyon ang paghaplos sa buhok niyang nakasabog lamang sa mukha niya.

Alam niyang boses iyon ni Miklos. Nag-angat siya ng mukha. "S-Si Grace, Miklos. W-Wala na si Grace. Niligtas niya 'yung students niya, p-pero siya naman yung n-nabangga ng bus..."

"Si Grace? 'Yung boardmate mo?" anito sa kanya.

Ilang beses siyang tumango habang nagpapahid ng mga luha sa kanyang mga pisngi. "D-Dapat pala p-pinigilan ko siya kaninang u-umaga. S-Sinabi na nga niyang nagsasawa na siya sa Enchanted K-Kingdom. D-Dapat sinabi ko 'wag na siyang s-sumama. Baka... Baka buhay pa s-sana siya ngayon..." humihikbing sabi niya.

Umiling si Miklos. "You could not have prevented it from happening. No one could have prevented it from happening."

Sumingit ang isa sa mga ka-opisina nito. "Friend mo pala Aira 'yung nasa news flash sa TV... I saw it sa pantry ng Ops area kanina..."

"Nakita ko 'yon na breaking news sa Inquirer dot net. 'Yung teacher na niligtas 'yung mga estudyante niya kaya siya 'yung nabangga?"

Napariin ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi. Mas lalong bumibigat ang loob niya dahil sa sinabi ng mga ito.

"Aira," anang isang tinig. Nahawi ang mga nakapalibot sa kanyang mga recruiters. Nakita niya ang recruitment manager na si Debbie.

"D-Debbie..." Tumayo siya at pilit na inaayos ang sarili. "S-Sorry sa istorbo sa o-office n'yo."

Itinaas nito ang kamay na animo gustong sabihin na walang kaso iyon dito. "I heard of what happened. My condolences. Take the day off. Ako na ang bahalang kumausap sa boss mo."

"T-Thank you, Debbie."

Tumango ito. "I know the feeling, believe me. My best friend died of leukemia. I saw her suffer. I was also with her when she breathed her last." Huminga ito ng malalim. "You mentioned about Enchanted Kingdom? I'd suppose they brought her to a hospital within that area?"

"S-Siguro po... H-Hindi na kasi ako n-nakapagtanong dun sa tumawag sa 'kin kanina..."

"Uhm, sa may Santa Rosa General Hospital daw, sabi sa news," anang isa sa mga tinig sa may likuran niya.

"I see," ani Debbie. "I don't think you can drive from here all the way to Laguna at that state."

Umiling siya. "N-Nagko-commute lang naman po ako."

Huminga ito ng malalim. "I'm more than willing to drive you to Santa Rosa, but I can't. I've a site meeting later."

"Naku, h-huwag na po, Debbie. O-Okay lang naman po akong mag-commute. Magga-Grab na lang po ako," aniya habang pinapahid ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.

"But that might take too long. Baka mahirapan ka makapag-book. The sooner you get there, the better it is for you. Her family would be needing your support, and vice versa. Hmmm... How do we go about this—"

"I can drive her to Santa Rosa."

Napalingon silang lahat sa nagsalita. Si Miklos.

Nagpaliwanag ito. "I've met the lady once. And I believe she died a tragic, yet heroic death. The least I could do is to get her friend there as soon as possible."

Tumango-tango si Debbie. "Sure, that's fine by me. Thank you, Miklos. Take the day off. And drive safely." Pagkatapos ay tumingin ito sa iba pang mga tao nito sa opisina. "Guys, back to work, please."

Sumunod naman ang mga ito.

"T-Thank you ulit, Debbie," aniya rito. Bahagya nang lumuwag ang paghinga niya. Tumango ito sa kanya bago tumalikod at naglakad pabalik sa kwarto nito na bahagi ng opisinang iyon.

"Let's go?"

Lumingon siya sa pinanggalingan ng tinig. "T-Thank you, M-Miklos." Pinilit niyang ngumiti rito kahit kaunti.

"Anything for a friend." 

Against the Wall (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin