Part Eight

6.6K 150 4
                                    

EIGHT thousand four hundred pesos ang halaga ng dalawang ticket na hawak ni Aira. Para iyon sa kauna-unahang pre-season exhibition game ng NBA na gaganapin sa Mall of Asia Arena. Ang Houston Rockets at Indiana Pacers ang teams na magkakaharap. And even if she was actually a Lakers fan, hindi na mahalaga sa kanya kahit na sino pa ang NBA team na maglalaro dito sa Pilipinas. Ang mas importante sa kanya ay ang taong makakasama niya sa panonood ng laro.

At iyon ay dahil si Miklos ang makakasama niyang manood ng basketball game na iyon.

Ibinalik niya ang mga ticket sa bag niya. She was having her dinner alone at the Mang Inasal in Alabang Southstation. Inilibot niya ang tingin sa mga customer na nakaupo malapit sa kanya. Mukhang wala pa namang nakakapansin ng kawirduhan niya.

Dinampot niya ang cellphone na nasa ibabaw ng lamesang kanyang kinakainan. Alam niyang kanina pa siya mukhang tanga na kumakain ng hapunan habang nakatingin sa cellphone, pero hindi niya talaga magawang alisin ang ngiti sa mukha niya.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa screen ng cellphone niya.

Its a date then. See u on the 10th.

Text iyon ni Miklos kanina na pumapayag na samahan siya manood ng live NBA game. She had the upper hand—manonood naman daw dapat talaga ito ng game, ngunit doon sa pinakadulong section na five hundred pesos lang ang halaga ng ticket. Syempre, idinahilan nito ang pagtitipid sa nalalapit nitong kasal—

Ibiniling-biling niya ang ulo. She did not want to get into that thought. The important thing was that everything was going according to plan.

Kailangan na lang niya ngayon ay tulong mula sa kanyang mga official sex gurus para sa lessons nila on Seduction 101, at nang maisakatuparan na ang Oplan: The Fall of Miklos sa lalong madaling panahon.

--

SHORT shorts o mini skirt. Sneakers o high-heeled strappy sandals. Nude-colored o black na bra.

Kanina pa nagta-tug-of-war sina Stephanie at Grace sa kung ano nga ba ang sexy o tacky. At sa totoo lang, kanina pa nahihilo si Aira sa kanila. Maski nga kung fruity o flowery scent ng pabango ang gagamitin niya ay pinag-debatehan pa ng dalawa.

But even if it they got her quite confused, she knew that the two were only thinking about her—sa kung paano nga ba magtatagumpay ang plano niya ngayong gabi.

Dahil ngayong gabi na ang date nila ni Miklos sa Mall of Asia Arena. And tonight, she would seduce him into sleeping with her.

"Lookin' hot girl!" bulalas ni Stephanie na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Tiningnan niya ang sarili mula sa built-in mirror ng cabinet niya. She had no-makeup makeup, courtesy of Stephanie. Si Grace naman ay nilagyan ng mga alon-alon ang buhok niya gamit ang curling iron ni Steph. Ang suot niyang puting v-neck t-shirt, short-shorts, at black sneakers ay matagal ring pinag-debatehan ng dalawa. Pati ang underwear na isusuot niya, ang nude-colored na push-up bra at itim na bikini ay halos pag-awayan pa ng mga ito.

Halos hindi niya makilala ang repleksyon niya sa salamin. She was showing a good amount of cleavage, the right amount of legs, and a great deal of her curves. She gave off a sweet, lovely rose scent. She was more than ready.

"Pusod mo, nilinisan mo ba?" tanong sa kanya ni Grace.

Itinaas niya ang laylayan ng t-shirt at tsinek nga ang pusod. "Yes, Ma'am," sagot niya rito bago muling inayos ang damit. "Mukha na ba talaga akong 'seductive?'"

Stephanie rolled her eyes at her. "Your cup size is B, your waistline is twenty five, you have nice-looking ass, and you've got shapely legs. All plus points for sexiness quotient. Even your love handles are quite cute—"

"Love handles?" singit niya.

Tinapunan ni Stephanie ng tingin si Grace. "I thought you're a teacher AND a porn addict? Why doesn't she know about love handles?"

"Sa porno, wala nang ganyang unlocking of vocabulary. Aksyon agad," sagot naman nito.

Stephanie rolled her eyes at Grace, and then looked at her again. "Love handles are the deposit of fats we have here," hinawakan nito ang magkabilang taba nito sa tagiliran, sa bandang itaas ng mga balakang, "In which during some sex positions, the guy would take hold of as he goes in and out of you."

"Ah, okay," pagsang-ayon na lamang niya kahit hindi naman niya iyon naiintindihan. Ano naman kasing pakialam niya sa mga love handles-love handles na iyan ngayong halos hindi na niya malunok ang laway sa sobrang kaba? Nag-text na si Miklos na malapit na raw ito sa apartment nila. Nagsabi kasi ito na susunduin na lamang daw siya nito gamit ang sariling kotse.

Napasinghap siya nang makarinig ng pagkatok, pagkatapos nang pagtawag ng pangalan niya.

"Si Miklos!" anas niya sa dalawa.

"I'll stay here," bulong ni Stephanie. Ayaw nitong malaman ni Miklos ang partisipasyon nito sa plano niya. Boyfriend kasi nito ang isa sa mga kaibigan ni Miklos, at dahil dito kaya may alas siya hawak para sa gabing iyon.

"Ako na muna lalabas," sabi naman sa kanila ni Grace bago ito nagmamadaling lumabas ng kwarto. "Hi! You're Miklos? Nice to meet you! I'm Grace, boardmate ni Aira. Come in, come in."

Nagkatinginan silang dalawa ni Stephanie at napailing sa narinig na pagwe-welcome ni Grace kay Miklos.

"Hi, Grace. Si... Aira?"

Pinanlakihan siya ng mata. Bumilis nang bumilis ang pagtibok ng puso niya. Hindi na siya naka-react ng itulak siya ni Stephanie sa direksyon ng pintuan. Sumenyas naman siya dito na bigyan siya ng ilang saglit pa para kalmahin ang sarili.

"Si Aira? Palabas na 'yun, wait lang ha. Aira? Andito na 'yung boylet mo—" narinig niyang sabi ni Grace.

Doon na siya napalabas ng kwarto. Muntik pa silang magkabanggaan ni Grace. Tumawa lamang ito at humakbang patagilid. Nasaktuhan tuloy niya ang ginawang pag-check-out ni Miklos sa kanya, mula ulo hanggang paa. And she saw in his expression that he was surprised with what he saw.

"Hey, Aira. You look... different."

"Magandang different o pangit na different?" she said, fishing for a compliment.

"Different in a good way." Safe na sagot nito.
Sumingit naman sa usapan nila si Grace. "Different in a hot, sexy way, 'no?"

Sabay silang napatingin dito ni Miklos. Gusto niyang tumawa ng malakas. Halatang-halata kasi ang ginagawang pagbebenta nito sa kanya.

"Uy, don't mind me," natatawang sabi ni Grace sa kanila. "Sige na, proceed na kayo sa papanoorin n'yong game. Kung keri n'yo mag-uwi ng isang NBA player, please lang, yung puti at blue eyes, ha? Salamat!" anito sabay kaway pa sa kanila.

Natawa na lamang din sila ni Miklos dito bago sila nagpaalam. At dahil gentleman, pinagbuksan pa siya nito ng pinto at pinauna sa paglalakad.

Nang dumaan siya sa tabi ni Miklos ay sinadya niyang pasimpleng idaiti ang kaliwang dibdib sa kanang braso nito. Mabilis lamang iyon para magmukhang hindi niya sinasadya. Napansin niya ang bahagyang pagtuwid nito ng likod, tanda na naramdaman nito ang ginawa niya.

One point for Aira! sigaw ng isip niya.

Against the Wall (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt