Part Twenty-five

7K 190 18
                                    

"AY, SORRY, nakatulog ako. 'Asan na tayo?" ani Aira kay Jeff matapos pasimpleng pinahid ang gilid ng mga labi para siguruhing hindi naman tumulo ang laway niya habang natutulog.

"Sa tapat ng apartment n'yo."

Napadiretso siya ng upo. Napalingon siya sa labas ng bintana ng kotse. Naroroon na nga sila sa tapat ng apartment nila. "Ha? Inihatid mo pa talaga ako dito? Sana ginising mo na lang ako sa may Alabang para do'n na lang ako bumaba." Napahawak siya sa noo, bago hinarap muli si Jeff sa manibela. "Bakit mo nga pala alam na dito—ah, yes, right."

How could she forget the reason why he knew the way to her apartment?

The thought got her eyes drawn to his right hand that was holding on to the steering wheel...

"It's okay if you don't want to invite me in."

Napabalik ang tingin niya sa mukha ni Jeff. "Ah, hindi naman sa gan'on." Napabuga siya ng hangin. Paano ba niya ipapaliwanag iyon dito? "Ano, kasi... 'Yung ate ko kasi, naandyan sa apartment—"

"And?"

"Buntis kasi siya. Eh nung hindi pa nga buntis 'yun, parang pinaghalong Kris Aquino at Brother Eli Soriano na 'yun kung mag-isip. Ngayon pa kaya. Eh, kaso... Nakakahiya naman sa 'yo kung hindi kita papapasukin..."

"You worry too much." Jeff took his seatbelt off and went outside the car. Lumigid ito sa kabila at binuksan ang pinto sa tabi niya.

Bumuntunghininga na lamang siya bago bumaba na rin ng kotse. Ito na rin ang nagsara ng pinto. Narinig niya ang pagpindot nito ng key fob para i-lock ang mga pinto ng kotse.

Kasunod si Jeff ay binuksan niya ang front door. Bantulot siyang pumasok ng apartment. Nadatnan niya ang Ate Alma niya nakaupo sa sofa, hinihimas ang bilugang tiyan, habang nanonood ng replay ng Okidokidok sa Jeepney TV.

"Hi, Ate. May kasama ako," bungad niya.

Lumingon ito sa direksyon ng pinto bilang tugon.

"Si Jeff, uhm, common friend namin ni... ni Grace. Jeff, Ate Alma ko."

Humakbang si Jeff palapit sa ate niya at inilahad ang kanang kamay nito. "Nice to meet you. Can I call you 'Alma'? You look younger than me anyway."

"Really. How old are you ba?"

"Twenty-nine."

"Ano ka ba, I'm thirty-four. Hindi ba halata?" tumawa ito, nakipagkamay kay Jeff, bago bumaling sa kanya. "Lakas ding mambola nitong kaibigan mo, ha. Upo kayo. May uwi ka bang pagkain, Aira? Nagugutom ako."

Sinulyapan niya si Jeff. Gusto niyang mapailing. Bihira ang mga lalaking nakaka-chika agad sa ate niya ng ganun-ganon na lang. He must really have a way with women.

Bumaling siyang muli sa kapatid. "Wala akong pasalubong, ate. Derecho lang kasi 'yung naging byahe namin mula Bulacan."

Naupo siya sa kanan ng ate niya sa mahaba nilang sofa, habang si Jeff naman ay naupo sa pang-isahang sofa.

"Parang gusto kong paglihihan 'tong kaibigan mo," anang ate niya na nagpatingin sa kanila ni Jeff pareho rito. "Siya rin ba 'yung..." Ibinitin nito ang sinasabi at sa halip ay gumawa ng maliliit na bilog sa isang bahagi ng sofa gamit ang hintuturo.

Nag-init ang mga pisngi niya nang makuha ang tinutukoy nito. "Hindi, ano... Ano ba'ng gusto mong kainin? Magpa-deliver na lang tayo."

Narinig niya ang pagtikhim ni Jeff bago ito sumingit sa usapan nilang magkapatid. "Fast food is not really a healthy choice for her and her baby. What do you have in your fridge? I can prepare you guys some soup and salad."

Sabay silang napatingin ng ate Alma niya kay Jeff. Alam niyang bakas sa mga mukha nilang magkapatid na hindi sila naniniwala sa narinig mula rito.

Nagkibit-balikat naman ito. "When my younger sister was pregnant, she stayed at my condo. Her husband worked as a cruise ship captain, so she really didn't have someone to be with. Plus, she knew I was a great cook."

"Hindi halata," komento niya.

Jeff grinned. "Mahirap talagang tanggapin na ang isang guwapong tulad ko ay may iba pang kayang gawin bukod sa pagiging guwapo. Would you agree, Alma?"

Tumawa ang ate niya. "Oo naman. Basta siguraduhin mong masarap 'yung ihahanda mong pagkain, sasang-ayon ako sa anumang sabihin mo."

Napailing na lamang siya. Tinanaw niya si Jeff na tumayo at tinungo ang kusina nila. Binuksan nito ang refrigerator nila, pagkatapos ay tiningnan ang nilalaman ng kitchen cabinet nila na puno ng instant noodles at mga de latang pagkain. Hindi na niya ito kinailangang sabihan ng "Feel at home," dahil mukha namang hindi na nito kailangan pa iyon.

"May apron kayo?" baling nito sa kanya.

Huli na para magbawi siya ng tingin. Nahuli tuloy siya nitong nakatingin dito.

"Wala eh."

Tiningnan nito ang suot nitong puting polo-shirt. "Kunin ko lang sa kotse 'yung extra shirt ko."

Palihim niya itong sinundan ng tingin. Nang makalabas ito ay saka niya narinig ang ate niya na nagsalita.

"Hindi ba talaga siya 'yung kinukwento mong nag-devirginize sa 'yo?"

Napangiwi siya. "Hindi nga."

"Bakit hindi siya?"

"Siya ba dapat?"

"Mukha siyang mabait."

"Hindi siya mabait. Meron bang mabait na lalaki na..." Napatigil siya nang makitang pumasok na muli ng bahay si Jeff. "Meron bang mabait na lalaki na magsusuot ng t-shirt na may naka-print na 'MANYAKIS' sa harap?"

Nilingon ng ate niya si Jeff. Natawa lamang ito sa nakitang itim na t-shirt na suot nito.

"Ito na lang kasi ang extra-shirt ko sa kotse."

"Bakit mo naman naisipang bilhin 'yang t-shirt na 'yan?" Hindi niya napigilang itanong dito.

"This was for a social experiment," sagot nito habang naglalakad pabalik ng kusina nila. Binuksan nito ang refrigerator nila at kumuha ng carrots, sibuyas, at patatas mula sa crisper.

Napatitig siya rito. Nakaka-hipnostismo panoorin ang paghahanda nito ng pagkain. Nakatalikod ito sa kanila. He looked so confident in the kitchen he might pass as a chef with his own cooking show. He could give a new meaning to the show "The Naked Chef," since as she trailed her eyes to his lean body—

"Napansin kasi namin nina Roel na kapag katulad naming mga guwapo ang may suot nito, may mga nagpaparinig sa 'ming girls na willing daw magpa-manyak sa 'min. Pero no'ng ipasuot namin 'yung ganitong shirt sa company janitor namin, para siyang may Ebola Virus na nilalayuan ng lahat, maski kapwa namin lalaki."

Kumunot ang noo niya. "So, you guys therefore concluded na mababaw kaming mga babae at mas importante sa 'min ang itsura ng isang tao?"

"Not really. What we actually concluded was that, minsan, manyak din kayong mga girls, hindi nga lang halata."

Napuno ang apartment ng tawa nila ng ate niya.

Against the Wall (COMPLETED)Where stories live. Discover now