Part Thirty-Six

6.3K 159 14
                                    

PINISIL ni Aira ang kamay ni Jeff bago siya lumabas ng kotse nito. Kung siya lang ang masusunod, gusto niyang samahan siya nito. But according to him, she had to learn how to fight her own battles, and learn to face her inner demons alone.

And that was what she was about to do.

Muli niyang sinulyapan ang suot na relong pambisig. Alas-nueve na ng gabi. Sinigurado niyang naroroon pa si Miklos sa Shaw office nila. Nakausap pa nga ito ni Jeff na tumawag sa Shaw recruitment hotline at nagpanggap na isa sa mga language trainee.

Pumunta siya roon ng walang kabali-balita kung matutuloy pa rin ang kasal ni Miklos kay Hannah, o kung nagkaayos na ba ang dalawa. Nandito siya ngayon para malaman ang sagot doon, at para malaman kung ano ang magagawa niya para maayos ang anumang nasira niya. Sa totoo lang, na-imagine na niya ang sariling lumuluhod kay Hannah, nakikiusap dito na patawarin si Miklos. Kaya niyang gawin iyon para dito. Tutal, siya naman talaga ang puno't dulo ng gulo nilang tatlo.

Kinuha niya ang cellphone. Nasa Drafts na niya ang text message niya para kay Miklos.

Nandito ako sa lobby ng ofis nyo. Can u come out? I need to talk to u.

Send. Sending message. Sent.

Huminga muna siya ng malalim bago siya humakbang papasok ng opisina ng mga ito.

Dahil kilala naman siya ng guard, hinayaan na siya nitong pumasok nang hindi na niya ipinapakita pa ang kanyang company ID.

Ngunit hindi pa rin siya dumerecho sa mismong recruitment office kahit na sinabi pa ng guard sa kanya na naroroon pa sina Miklos at Carla. Naupo muna siya sa may lobby-cum-waiting area ng mga aplikanteng gustong magpa-interview para makapasok ng kumpanya nila bilang mga call center agent. Kung sa regular na office hours ay punung-puno iyon ng mga aplikante, ngayon ay tanging siya lamang mag-isa ang naroroon. Mukhang maagang natapos ang recruitment process ng Shaw site para sa gabing iyon.

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang makita si Carla na papalabas ng recruitment office. Dala na nito ang mga gamit nito at mukhang pauwi na.

"Hey, Aira!" bati nito sa kanya. Halatang hindi nito inaasahan na makita siya roon. "Why are you staying there sa labas? Nasa loob pa si Miklos, if it's him that you're kinda waiting for?"

"Ahm, okay na. Na-text ko na siya. Dito na lang ako."

Nagkibit-balikat ito. "Up to you. He's about to go home na rin naman in a while. I'll go ahead na."

Matipid na ngiti na lamang ang ibinigay niya rito.

Nag-log-out muna ito sa fingerscan bago muling kumaway sa kanya na may malisyosang ngiti sa labi. Gumanti na rin siya dito ng kaway. Alam niya kung ano ang tinatakbo ng utak nito, ngunit wala na siyang balak na itama pa iyon.

Maya-maya ay narinig niyang tumunog ang cellphone niya. Nakita niya ang pangalan ni Miklos na tumatawag sa kanya. She slid her thumb on the screen of her cellphone to answer the call.

"Miklos, please, gusto ko lang mag-sorry ng personal—"

"Oh my god. Hindi mo ba talaga titigilan si Mikmik?!"

Kumunot ang noo niya. "Hannah?"

Saka napadako ang tingin niya sa bumukas na pintuan ng recruitment office. Iniluwa noon si Miklos, na napatda nang makita siya.

"And you really got the nerve to go there pa sa office nila Mik? You're so desperate! I can't believe you! Mauubusan ka ba ng lalaki sa mundo—"

"Hannah, listen to me—" Bahagya nang tumaas ang boses niya. Nakita niya sa gilid ng mga mata na napalingon na sa direksyon niya ang guard, maging ang malalaking hakbang ni Miklos papunta sa direksyon niya.

"No! You listen to me, you slutty—"

"I just want to say that 'Im sorry!' I don't want you guys to cancel the wedding—"

"Who says about us cancelling our wedding? That's what you and Stephie want to happen, at hinding-hindi ko 'yon ibibigay sa inyo, Aira. I will never give up Mik! Kahit one thousand bitches like you guys pa ang magtangka na umagaw sa kanya from me, you guys will never, ever, have him—"

"Thank you, Hannah." The words came from the bottom of her heart. Nakahinga siya ng maluwag. It seemed that Hannah felt it too, dahil natigilan ito sa pagsasalita.

That was only when she noticed that Miklos was already in front of her, his hand reaching out for her cellphone. Ibinigay niya iyon dito.

"Sweetheart, it's me," she heard Miklos say to Hannah over her phone. Parang naririnig pa niya ang malakas na pagsasalita ni Hannah kahit na hindi naman naka-speakerphone ang cellphone niya. "Yes. No. I need you to trust me. Yes, sweetie."

Kagat-labi niyang pinanood si Miklos na amuin ang fiancée nito.

Ilang saglit pa ay ngumiti na si Miklos. Hindi na rin niya naririnig ang malakas na boses ni Hannah. "Thank you. I will. I love you. Bye." Tiningnan nito ang screen ng cellphone niya, bago nito inilipat ang tingin sa kanya. "How do I end the call?"

Iyon na naman ang pamilyar na kirot sa puso niya. "Ako na," aniya bago inabot ang cellphone mula kay Miklos.

"You want to talk?"

Tumango siya.

"C'mon, let's go back to the office."

Sumunod siya rito.

Against the Wall (COMPLETED)Where stories live. Discover now