Part Thirty-three

6K 163 6
                                    

Nang sa wakas ay makarating na si Aira sa Vivere Hotel, sa 31st floor siya ni-refer ng lalaki sa front desk. Naroroon daw ang "The Nest," ang restaurant kung saan naka-reserve ang dinner for two nila ni Miklos.

Sa kung saang floor naman ang hotel room na pina-reserve ni Steph para sa kanila ni Miklos, mamaya na niya iyon aalamin. Tutal siya na lang naman mag-isa ang matutulog sa kwartong iyon.

Or, I could call Jeff to stay with me, sabi ng isang bahagi ng isip niya habang sakay ng elevator na maghahatid sa kanya sa pinakataas na bahagi ng hotel.

Nag-init ang mga pisngi niya sa naisip. Napasulyap siya sa salamin na dingding ng elevator. She saw a confident woman who carried the navy blue dress, cream-colored cardigan, and heels well. Wala sa loob na napatingin siya sa repleksyon ng katabing lalaki na naka-business suit. She caught him giving her a once-over. Tumaas pang lalo ang confidence level niya, dahil hindi rin naman mukhang basta-basta ang lalaki. The guy had a shaved head, a good built, and a towering height. Para itong basketball player na napilitang magsuot ng amerikana. The guy seemed familiar though... Saan na niya kaya ito nakita?

Ngunit pinili ni Aira na hindi na intindihin pa ito, kahit na tumikhim pa ang lalaki at pasimpleng nagtanong kung saan siya papunta; kahit marahil nakita naman nito na wala siyang pinindot na elevator button dahil nauna na nitong pinindot ang para sa 31st floor.

She shrugged inwardly and answered him. "Sa 'The Nest,' sa may thirty-first floor."

"You're meeting up with someone?"

"Yup, boyfriend ko." Sorry, Miklos. Alam kong taken ka na. Tanggap ko na 'yun, promise.

"I see." Tumahimik na ito sa buong oras ng pag-stay nila sa elevator.

Nang sa wakas ay narating nila ang dulong palapag, pinauna siya nitong lumabas. Nagpasalamat siya rito. Una niyang napansin ang pulang console table sa harap ng elevator, bago siya luminga-linga para hanapin kung saang direksyon naroroon ang restaurant. Nakita niya sa bandang kanan niya ang signage ng restaurant na 'The Nest.'

Naglakad siya patungo doon, bago muli siyang lumiko pakanan papunta sa loob ng mismong restaurant.

'The Nest' had floor-to-ceiling glass walls, which gave a breath taking view of Alabang at night. It also had a very romantic atmosphere with its dim lighting. She even overheard a piano and a violin playing soft music.

Ang head waitress na naka-all black na uniform ang magiliw na sumalubong sa kanya. "Table for two, Ma'am?"

Kumunot ang noo niya. Napansin niya ang pagtingin ng babae sa kanya at sa likod niya. Wala sa loob na napalingon siya sa tinitingnan nito. Nasa likod nga pala niya ang lalaking nakasabay niya kanina sa elevator. Mukhang napagkamalan ito ng babae na siyang kasama niya.

"Ah, no, I'm not with him. I have a reservation. Could you check for Aira dela Rosa, please?"

Humingi ng pasensya ang babae bago ito pumihit sa laptop na nasa kaliwa nito. Habang abala ito sa pagtingin doon ay inilibot niya ang tingin sa mga tao sa restaurant. Natanawan na niya si Miklos sa may sulok na table, sa tabi ng mga salaming dingding. His face was turned away from her as he was looking at the city lights. But she knew his profile all too well that she could easily pick him out of the crowd.

"Thank you, miss, nakita ko na 'yung kasama ko," aniya sa head waitress, bago siya humakbang papalapit sa table nila ni Miklos.

"Hi, Miklos," aniya nang tuluyan na siyang nakalapit rito.

Nag-angat ito ng tingin mula sa mga pang-gabing ilaw sa labas, papunta sa kanya. "Aira." Tumayo ito at hinila ang upuang katapat nito.

She spent a few seconds to admire him: on how he looked great in his blue Lacoste shirt, gray pants, and loafers. Naupo siya sa silyang hinila nito para sa kanya. The pale yellow light casted by the candle on their table gave Miklos a quiet, brooding appearance.

"You look good."

She felt her cheeks burn. "Ikaw rin naman. Ahm, umorder ka na?"

Umiling ito. "Not yet. Would you like us to?"

Napatango na lamang siya. Nagtaas ito ng kamay at tinawag ang isang waiter na malapit sa kanila. Wala sa loob na napatingin siya sa katabi nilang mesa. Nakita niya ang lalaking kasabay niya sa elevator na mag-isang nakaupo sa pandalawahang mesa. Abala ito sa pagtingin sa menu—

"What would you like to have?" Ang boses ni Miklos ang nagpabalik ng tingin niya rito.

"Kahit ano. Ikaw na lang umorder, please."

He nodded and browsed through the menu. He ordered for beef salpicao, longganisa pasta, pinalutong na tilapia, and red velvet cake. Nang tanungin siya nito kung ano ang gusto niyang inumin, she ordered for a vanilla shake. House wine naman ang inorder nito para sa sarili.

Inulit ng waiter ang order nila, pagkatapos ay sinabi nitong twenty to thirty minutes ang waiting time para sa mga iyon. Kinuha nito ang menu mula sa kanila at nagpasalamat bago tuluyang umalis.

She looked at Miklos across the table. Nakakaramdam siya ng kirot sa dibdib niya. Parang gusto niyang umiyak ng mga sandaling iyon. He was only within her arm's length, but she knew that a whole universe separated them. Parang panaginip na lang ang gabing nagsama sila, magkayakap, at naging isa.

"I'm sorry," sabay pa nilang sabi sa isa't isa.

Bahagya pa silang natawa sa nangyari.

Nag-iwas si Aira ng tingin. Napadako ang mga mata niya sa lalaking kasabay sa elevator kanina. Nakalabas ang cellphone nito at mukhang nagsi-selfie. Bumuntunghininga siya. 

"Go ahead," ani Miklos sa kanya na nagpabalik ng atensyon niya rito.

She sighed and bit her lower lip. "I'm sorry. I'm sorry kasi sinadya ko naman talaga mapalapit sa 'yo. Sinadya kong akitin ka. Kahit alam kong... Kahit alam kong..." Nagsimulang mag-init ang mga mata niya. "Kahit alam kong nand'yan si Hannah. Kahit alam kong may masasaktan. I'm sorry for being selfish, Miklos."

She saw Miklos' hand reach out across the table. Ginagap nito ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa at mariin iyong pinisil.

Tiningnan niya ito ng derecho sa mga mata. "Mahal kasi kita."

"Alam ko."

Mas lalo siyang napaiyak. Binawi niya ang kamay na hawak-hawak nito para pahirin ang mga luhang naglandas sa pisngi niya.

Narinig niya ang pagbuntunghininga nito. "I'm sorry, Aira."

Umiling lamang siya ngunit hindi nagsalita. Ang sakit-sakit ng dibdib niya. Bakit ganito kahirap magpaalam? Alam na naman niya sa umpisa pa lang na wala siyang pag-asa rito, 'di ba? O sa kabila ng lahat, umasa talaga siyang ipagpapalit ni Miklos si Hannah sa kanya?

"I've always been atrracted to you, you know."

Napaangat siya ng tingin sa narinig.

"I liked you a lot. Even before you started dressing up, and eventually... Well, seducing me." Nagkibit-balikat ito. "I considered you as this cool girl whom I could talk to about non-girly stuff. Kakaunti lang ang babaeng kakilala ko na nakakatagal makipag-usap sa 'kin tungkol sa National Geographic at NBA. But..."

Ganoon naman iyon lagi. Laging may "pero." Lagi namang may "pero."

"But you love Hannah." Siya na ang tumapos sa gusto nitong sabihin.

"Yes."

"And what happened to us was a mistake?"

Nag-iwas ito ng tingin. "I'm sorry I wasn't able to control myself." Bumuntunghininga ito. "I have to admit, in the seven years that Hannah and I have been together, you were not the first one who tried to seduce me."

She smiled bitterly. "Ilan naman kaming nag-succeed?"

"Ikaw pa lang."

Tumawa siya. "Thanks, but I don't believe you Miklos dear—"

"'Miklos dear'? Ang cheap at un-creative naman ng bago mong pet name, Mikmik."

Against the Wall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon