Part Twenty-four

7K 153 13
                                    

NANANAKIT ang buong katawan ni Aira ngunit wala naman siyang mapagtanungan kung normal lamang ba iyong pakiramdam na para siya nabugbog.

Hindi naman niya iyon maikwento kay Stephanie. Nangako siya kay Miklos na wala siyang sasabihan na taga-TeleConvergence tungkol sa namagitan sa kanilang dalawa. And she would like to keep that promise. Alam niyang pino-protektahan ni Miklos ang sarili, pati na rin ang relasyon nito kay Hannah. And she was alright with it. Wala siyang balak na ipahamak si Miklos.

Napatingin siya sa mantsa ng dugo na naiwan sa sofa. Dahil bulaklaking tela lamang ang nakabalot sa foam niyon, dalawa ang maaari niyang gawin: ang kumuha ng toothbrush at brush-in ang bahagi na may mantsa ng tubig na may sabong panlaba, o labhan na niya ang punda ng foam.

Sumalampak siya sa sahig at inihilig ang ulo niya sa sofa. Parang naaamoy pa niya roon si Miklos. May dalawang oras na rin mula nang umalis ito, ngunit parang nakadikit pa rin sa isipan at katawan niya ang amoy, halik, at yakap nito.

Napatuwid siya ng upo nang makarinig ng sunud-sunod na katok. Agad siyang tumayo at nagmamadaling nagtungo sa pinto.

Bumalik ka, Miklos?

Ngunit hindi ang lalaki ang nabungaran niya sa pinto ng inuupahang apartment.

Kundi ang Ate Alma niya.

Agad na dumako ang mga mata niya sa naka-umbok nang tiyan nito. Kung tama siya ng pagkakatanda ay higit tatlong buwan na ang sanggol na dinadala nito. Pagkatapos ay bumaba ang tingin niya sa travelling bag na nasa paanan nito.

Hindi na ito naghintay pa na papasukin niya. Kusa na itong pumasok sa loob ng apartment. Bantulot naman niyang dinampot ang bag na dala nito at ibinaba iyon sa center table nila sa salas.

"Napanood ko sa news 'yung tungkol sa kaibigan mo. Condolence." Napatingin ito sa mantsa sa sofa, bago ibinalik ang nanunuring tingin sa kanya. "It's either natagusan ka at dini-dysmenorrhea kaya ganyan ka maglakad, o may nangyari dito kagabi sa sofa n'yo. Alin sa dalawa?"

"Pumunta ka lang ba dito para pagalitan ako?"

"Pumunta ako dito dahil sa TV ko pa nalaman na namatayan ka ng kaibigan. Gusto sana kitang samahan dito sa apartment dahil alam ko, mahirap magluksa mag-isa. Pero ano pa 'tong dinatnan ko? Imbes na nagluluksa ka, nagagawa mo pang pagbigyan ang tawag ng laman—"

Umakyat lahat ng dugo niya sa ulo. "Wala kang karapatan na magmagaling dahil kasalanan mo naman lahat 'yan!"

"At pa'no ko 'yan naging kasalanan, dugo ko ba 'yan?" anito na tinuro pa ang mantsa na nasa sofa.

"Kasalanan mo! Dahil kung hindi ka naman pumatol at nagkaanak sa pari, hindi ko rin naman gugustuhin na pumatol sa isang lalaking ikakasal na!"

Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "'Wag mo 'kong gawing dahilan sa mga kasalanan mo!" Napahawak ito sa tiyan nito. "Ikaw ang nag-desisyon ng kung ano ang mangayayari sa buhay mo. 'Wag mo sa 'kin isisi ang mga 'yon."

Mabilis na ang paghinga niya ngunit pilit niyang pinapakalma ang sarili. Kahit naman galit pa rin siya sa ate niya, ayaw niyang may mangyaring masama dito, lalong-lalo na sa sanggol na dinadala nito.

Napabuga siya ng hangin. "Itigil na natin 'to. Besides, wala na si Grace para awatin pa tayo." Pagkasabi noon ay pumihit siya at naglakad papasok sa loob ng kwarto.

Tinapunan lamang niya ng tingin ang trashbag na hindi pa niya natatapos ayusin at naroroon lamang sa isang sulok. Bumuntunghininga siya bago naupo sa kama ni Grace. Sinulyapan niya ang unan nitong may nakasulat na "Best Teacher in the World."

"Nakaka-miss ka talaga, Grace," wala sa loob na sabi niya. Inabot niya ang unan at niyakap iyon.

Napatingin siya sa may pinto ng kwarto nang makitang bumukas iyon. Iniluwa noon ang Ate Alma niya. Nakita niya ang paghinga nito ng malalim bago bumuka ang bibig nito para magsalita.

Against the Wall (COMPLETED)Where stories live. Discover now