Part Twenty

6.4K 142 8
                                    

TUMANGO si Jeffrey kay Aira bago ito sumulyap sa bandang likuran niya. She knew it was Miklos that Jeff was looking at. She walked towards Jeff, while chewing on her lower lip. When she saw him stretch his right arm as if reaching for her, she stepped inside his embrace.

He hugged her tight. "Be strong," she heard him murmur near her left ear.

Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ni Jeff. Sa mga sandaling iyon na nasa loob siya ng mga bisig nito, nakaramdam siya ng bahagyang paggaang ng kanyang pakiramdam. Para siyang batang nabigyan ng ice cream matapos maglaro sa nakakapasong init ng tanghaling tapat.

"Thanks, Jeff," aniya matapos bumitiw mula sa pagkakayakap dito. "'Asan si Roel?"

"Nag-yoyosi lang sa labas." Pagkasabi noon ay inilipat nito ang tingin kay Miklos. "Jeff, pare." Nauna na itong naglahad ng kamay.

Napahawak siya sa noo. "Sorry, hindi ko pala kayo napakilala. Miklos, this is Jeff. Kaibigan siya ng boyfriend ni Grace. Jeff, si Miklos, officemate ko."

Nagkamay ang dalawa. Nang nagbitiw ang mga iyon ay saktong paglapit sa kanila ni Roel.

Siya na ang unang yumakap dito. Nalanghap niya ang nakakapit na amoy ng sigarilyo dito. Hinagod-hagod niya ang likod nito bago siya bumitiw mula sa pagkakayakap dito.

"Wala na ang hottest teacher in the world," halata sa boses nito ang pagpipigil ng emosyon. Tumingala ito at napamura. Nakita niya ang ginawang pagtapik ni Jeff sa balikat ni Roel.

Muling nag-init ang sulok ng mga mata niya sa nakita. Roel loved Grace, that she was sure of. And it was heartbreaking to see a guy who looked like his world was falling apart. Lalo na sa katulad ni Roel na dating punung-puno ng kumpyansa sa katawan, ngunit ngayon ay halatang pilit na lamang nitong pinatatatag ang loob.

Ilang sandali rin ang dumaan at nanatili silang tahimik.

"Parating na raw 'yung parents ni Grace galing ng Bulacan," ani Jeff sa kanila maya-maya. "Sasagutin daw ng school ang wake at internment, according to their principal."

Tumango-tango siya. Napadako ang tingin niya sa mga estudyanteng nasa gilid nila. Tinanong niya si Jeff kung iyon ba ang mga estudyanteng iniligtas ni Grace.

"Yes, it's them," si Roel ang sumagot sa kanya. "And they only have great things to say about Hon..." Roel said, his voice cracking with emotion. Napahilamos ito ng mukha at muling napamura.

Natahimik silang muli nina Jeff at Miklos. Alam nilang walang salita ang magagawang makapagpalubag ng loob ni Roel ng mga oras na iyon.

May kalahating oras din ang lumipas bago dumating ang pamilya ni Grace. Napaiyak siyang muli nang makita kung gaano kasakit sa mga magulang nito ang nangyari sa panganay na anak ng mga ito.

Binalikan nila ang mga nangyari bago ang malagim na aksidente. Nagkwento ang mga bata, ang mga guro na naroroon, maging siya ay napakwento sa mga tao roon kung paano "nagparamdam" si Grace sa kaniya kaninang umaga.

Lumipas ang oras nang hindi niya namamalayan. Nang mapagpasyahan na ang tungkol sa kung saang funeral home dadalhin ang mga labî ng kaibigan ay saka lamang siya nagkaroon ng kamalayan sa oras. Nagsimula nang magpaalamanan ang mga taong naroroon para umuwi sa kani-kaniyang mga bahay at bumalik na lamang kapag maayos na ang mga labî ni Grace.

She looked at her wristwatch. Pasado alas-otso na ng gabi at hindi pa sila kumakain ng hapunan. Nang tanungin niya si Miklos kung nagugutom na ba ito, sinabi nitong okay pa ito.

"Miklos, pare, you're from where?" walang anu-ano'y tanong ni Jeff dito.

"Oranbo, pare, sa may Pasig."

"I see," sagot ni Jeff dito matapos tumango. "If you want, I can be the one to drive Aira to her apartment. Para hindi ka na mag-exit sa Alabang. Tutal sa Evangelista lang naman ako."

Nagkibit-balikat si Miklos bago sumulyap sa kanya. "I'm good with having to take her home. But it's her decision if she'd want me to do just that."

Gusto niyang mapamaang sa dalawa. Nagawa pa ng mga ito na papiliin siya kung kanino sasabay pauwi?

Pinigilan niya ang sariling mapa-buntunghininga. Ayaw na niyang pahirapan pa ang sarili sa pag-iisip. She thought of the fairer and more rational choice. She looked at Jeff. "Si Miklos na kasi 'yung naghatid sa 'kin dito. Sa kanya na lang din ako sabay pauwi."

Tinanggap naman ni Jeff ang desisyon niya. Tumango ito at nagpaalam na mauuna na sa kanila. Si Roel ay uuwi lang din muna ng bahay nito para kuhanin ang damit na ipapasuot sa mga labî ni Grace.

Habang naglalakad sila ni Miklos pabalik ng kotse nito ay tinanong siya nito kung saan niya gustong kumain ng hapunan.

"Sa totoo lang, wala akong gana. Pero kung gusto mo, pwede naman kitang samahan. Okay na 'ko kahit sa sopas lang ng Jollibee." Wala sa loob na muli siyang napatingin sa relo. "Pero sigurado kang okay lang sa 'yo, ha? Kasi kung kakain pa tayo, tapos ihahatid mo pa 'ko, tapos magda-drive ka pa pauwi sa inyo, sobrang late ka na makakauwi."

Nagkibit-balikat ito. "Fine by me." Narating na nila ang kotse nito at pinagbuksan siya nito ng pinto ng passenger seat. "Or, I could sleep at your apartment. Wala kang kasama do'n ngayon, right?"

Saglit siyang napatigil sa dapat sanang pagsakay niya sa kotse nito.

Tama ba ang dinig niyang sasamahan siya ni Miklos sa apartment ngayong gabi?

"You're sleeping with me? I mean," napahawak siya sa noo bago nagpatuloy, "Sa apartment ka matutulog?"

"If it's okay with you."

"Oo naman. With... With Grace gone..."

"You should find another apartment, or another housemate." Binuksan na nito ang pinto ng kotse nito sa tabi ng manibela. Sumenyas ito sa kanya na sumakay na. Sinunod naman niya ito.

Tahimik lamang siya habang kinakabit ang seatbelt niya. Ilang saglit pa ay nasa South Luzon Expressway na silang muli ni Miklos.

Pagdating nila ng Alabang ay nag-dine in sila sa 24/7 na Jollibee sa may Rotonda. Ngunit maski ang paborito niyang Jollibee spaghetti ay lasang abo sa bibig niya.

Pagdating nila ng apartment, may ilang segundo rin siyang napahinto sa may pintuan. Para kasing inaasahan pa niya na makikita roon sa sofa si Grace. Nagyayayang uminom. O mag-DVD marathon. O kahit makipagkwentuhan lang—

Bumuntunghininga siya bago tuluyang pumasok ng apartment. Nilingon niya si Miklos. Kung sa ibang pagkakataon ito nangyari, baka para siyang lumilipad sa langit dahil buong araw na niya itong kasama. Ngunit nakasadsad sa matigas at magaspang na lupa ang emosyon niya dahil sa nangyari sa kabigan niya.

"Okay lang ba kung dito ka na lang sa sofa matulog?" tanong niya kay Miklos.

Tumango ito. "You sure you're okay to be alone in that room?"

Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Hindi ako takot sa multo. Lalo na kung... Kung sa kaibigan ko."

"I understand. Good night, Aira."

"Good night, Miklos. Salamat sa lahat, ha." Pagkasabi noon ay pumasok na siya ng kwarto.

Napatingin siya sa dating higaan ni Grace. Sa hindi na niya mabilang na pagkakataon sa araw na iyon, nag-init na namang muli ang sulok ng mga mata niya.

"Grace..." usal niya, sabay takip ng bibig upang pigilan ang hikbi na lumabas mula sa kanya. 

Against the Wall (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя