Part Thirty-seven

6.3K 195 27
                                    

MADILIM na ang recruitment office nang pumasok sina Aira at Miklos doon.

 Ini-on ni Miklos ang mga ilaw. 

Muling kumirot ang dibdib ni Aira. Ito na marahil ang huling beses na tatapak siya sa loob ng office na iyon.

Naupo siya sa workstation na naka-assign sa kanya kapag doon siya sa site na iyon nagre-report. Si Miklos naman ay pumunta ng pantry. Mapait siyang ngumiti. Ganito ang nangyari noon sa panaginip niya. Panaginip na pinagmulan ng lahat ng gulo sa buhay niya.

Nang lumabas si Miklos ay may dala na itong dalawang paper cup. Iniabot nito sa kanya ang isa. Inubos niya ang tubig na laman noon. Ganoon din ang ginawa nito.

Nilamukos niya ang paper cup na hawak. "Natatandaan mo pa ba 'yung panaginip na sinabi ni Grace sa video na ginawa niya? Dito nangyari 'yon, eh. Nung naabutan mo 'kong natutulog dito sa workstation na 'to."

"I think I remember that. I didn't see the kiss coming then."

Napatawa siya. "Ako rin. Bangag pa yata ako sa tulog ng mga oras na 'yun."

Ilang saglit din silang nanatiling tahimik.

Napatiim-bagang siya. Wala sa loob na napiga pa niyang lalo ang hawak na paper cup. "Sorry sa gulong dinala ko, ha, Miklos. Maniwala ka, masaya ako na matutuloy ang kasal n'yo ni Hannah."

Tiningnan siya nito ng matagal na animo sinisigurado kung tapat ba sa loob niya ang kanyang sinabi. Maya-maya ay napangiti na rin ito ng bahagya. "Thanks. If there's anything I've learned from all that had happened, it's that I shouldn't be protecting Hannah. I shouldn't have kept secrets that I thought would hurt her. I've forgotten that she's a tough girl. And I've never seen her so strong until now."

Hayun na naman ang kudlit ng sakit sa dibdib niya. "Mahal na mahal mo talaga siya, 'no?"

"Yeah." He looked at her intently. "And I'd like to believe that she has the same love for me. That unconditional kind of love that's not just there for those happy times, but it's a love that would last even if you're at the lowest point of your life." She saw him let out a sigh. "I really wish that you may find that same kind of love, Aira. I believe that you deserve someone as tough and feisty as yourself."

"Thank you, Miklos. Alam ko, at sigurado ako, mabuti kang tao. Masaya akong nakilala kita." Tumayo siya mula sa kinauupuan. Itinapon niya ang hawak na paper cup sa waste bin na katabi ng dingding. "Tara na. Baka magwala na naman si Hannah kung hindi ka agad nakauwi. Masakit pa naman manabunot 'yung future wife mo."

"Why do you sound as if you're already saying goodbye? You'd still be reporting here next week, right?"

Umiling siya. "I'm resigning."

"Really? I'm sorry to hear that."

Nagkibit-balikat siya at nauna na ritong naglakad papalabas ng recruitment office. "Masyado nang maraming nangyari."

"Then why don't you just ask for a lateral transfer?" Lumabas na rin ito ng office bago nito inabot ang switch ng mga ilaw para i-off na ang mga iyon.

"Hindi na. Mas gusto ko ng bagong environment. Bagong buhay, bagong mga kakilala, bagong ako. Ganun."

"I understand."

Saglit itong nagpaalam sa kanya para mag-log-out sa finger scan. Nakita niya ang mabilis na pagpasada ng tingin ng guard sa kanilang dalawa ni Miklos. Tahimik na lamang siyang napailing.

Tinanguan siya ni Miklos nang matapos na itong mag-finger scan. Ipinagbukas pa rin naman sila ng pinto ng guard. Nang nasa labas na silang pareho ng building, tinanong siya nito kung paano siya uuwi.

"May kasama ako. Naka-park siya do'n," tinuro niya ang kaliwang bahagi ng building.

"Let me guess. He's the guy that I met at the hospital before. Jeff, right?"

Tumango siya.

"I see. I'll go ahead. My car's parked at the right side."

"So, separate ways na talaga tayo? Papunta ka sa kanan, tapos pa-kaliwa naman ako?"

"There are no 'goodbyes', Aira, just 'see you around.'"

Umiling siya. Ito na ang huling gabi, huling sandali, huling pagkakataon na makakasama niya ito... "Uhm, ano, Miklos... Pwedeng humingi ng goodbye hug?"

"Of course." Humakbang ito papalapit sa kanya at kinabig siya nito payakap dito.

Pumikit siya. Alam niyang iyon na ang huling beses na mapupunta siya sa loob ng mga bisig ni Miklos. Iyon na ang huling beses na maamoy niya ang pabango nito. Huling beses na mararamdaman niya ang yakap nito. Naramdaman niya ang pagdampi ng mga labi nito sa tuktok ng ulo niya.

Nauna na siyang humiwalay dito. "Babay, Miklos."

"Goodbye, Aira."

Tumalikod siya at nagmamadaling humakbang papalayo dito. Hindi na siya nagtangka pang lumingon. Malalaki at may pagmamadali ang bawat hakbang niya.

Agad niyang natawan si Jeff na nakahalukipkip at nakasandal sa kotse nito. Nang makita siya nitong palapit ay tiningnan siya nito ng mataman. "How did it go?"

"I've let it go," natatawang sabi niya. "Okay na, Jeff. Tara na, uwi na tayo."

Pinindot nito ang key fob. Binuksan niya ang passenger's seat. Kasunod niyang sumakay na rin sa driver's seat si Jeff.

Ilang saglit na tahimik lang nakahawak sa manibela si Jeff bago siya nito nilingon. "Not sure what you guys have talked about, but I'm just glad to see that you're smiling again."

"I guess I have to thank you for that. Salamat sa pagbraso sa 'king pumunta dito."

Ini-start nito ang makina ng kotse. "It's nothing. Ikaw pa, ang lakas mo sa 'kin."

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

[A/N: Konting kembot na lang itong kwento, ta's finish na siya. Sad aketch. Itong AtW kasi ang may pinaka-active na readers sa lahat ng stories ko dito sa Wattpad. Thank you guys, ha. Shout-out sa #TeamJeff. Kahit sa #AiraHaters. Hahaha. 'Love you all! -AJ]

Against the Wall (COMPLETED)Where stories live. Discover now