Part Three

10.2K 192 3
                                    


"SINCE when did you join the 'Miklos Fans Club'?"

"Ha?" maang na tanong ni Aira kay Stephanie.

Ngumiti si Steph sa kanya. Sa klase ng ngiti nito, sinasabi nito na hindi ito naniniwala na hindi niya alam ang tinutukoy nito.

Naglalakad na sila noon palabas ng building, papunta sa parking lot. It was past 10 o'clock, at niyaya siya nitong sumabay na lang dito, sakay ng kotse nito. Taga-Parañaque ito, at tuwing nagkakasabay sila pauwi ay ibinababa siya nito sa may Alabang Rotonda, sa tapat ng Jollibee na 24-hours open, para doon na siya sasakay ng isa pang jeep pa-city hall ng Muntinlupa kung saan malapit ang village nila.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi niya matandaang sinabi niya rito ang tungkol kay Miklos. Wala naman kasi siyang planong sabihin iyon sa sinumang kasama niya sa trabaho. Kahit pa mismo kay Steph na pinakapaborito niya sa lahat ng language trainers dahil mabait at maayos itong katrabaho.

She had been working for three years in TeleConvergence as an admin assistant sa training department ng kompanya. Isa iyon sa maraming call center na may operations site sa Northgate Cyberzone sa Alabang. At dahil sa pagkakaroon nila ng mga off-shore account, integral na bahagi nila ang Language Training. Ang mga tulad ni Steph na language trainer ang nag-aayos sa diction, pronunciation, at grammar ng mga agent na isasalang sa pagsagot ng tawag ng mga Amerikano, Australyano, at mga taga-UK.

Maya-maya pa ay nakarating na sila sa tapat ng kotse ni Steph. Kulay pula iyon na Honda Jazz. Binuksan nito ang lock ng mga pinto ng kotse. Naupo ito sa driver's seat, habang siya naman ay sa passenger's seat naupo.

Ilang sandali siyang nanatiling tahimik habang inii-start ni Steph ang makina ng kotse at ekspertong nag-drive ito palabas mula sa pagkaka-park nito sa pagitan ng isang puting pick-up at isang itim na Mazda. She silently hoped na makakalimutan na nito ang tinatanong nito sa kanya kanina.

Ngunit nagkamali siya ng akala nang muli itong nagsalita matapos itong magbayad ng parking fee sa may toll gate. "C'mon, Aira. I saw how your eyes lit up when he called you earlier."

Napangiwi siya. Wala pa yatang tatlong minuto ang pag-uusap nila na iyon ni Miklos ngunit nahalata na agad siya ng isa sa mga ka-opisina niya. "Ganun ako ka-obvious?" She felt frustrated. Tinanong lang naman ni Miklos kung nag-drop na talaga sa language training ang isa sa mga aplikanteng ipinadala ng site nito, at wala na silang napag-usapan pang iba matapos niyang kumpirmahin dito na apat na araw nang hindi pumapasok ang tinutukoy nitong trainee. A mere two minutes, and she became so transparent that her "feelings" for him were already offered for all the world to see.

"Shit," usal niya, sabay takip ng bibig. Hindi siya sanay magmura, at kapag dumarating ang mga ganoong pagkakataon, feeling niya ay nasa malapit lamang ang Ate Alma niya para pagalitan siya at tapikin ang bibig niya.

"No worries. I don't think that the other LTs noticed it," anito na ang tinutukoy ay ang mga kapwa nito language trainers. "You see, I also heard you say his name differently. You said 'Hi, Miklos,' with such daintiness I knew something was different. So, back to my first question, since when did you start crushing on him?" bumaling ito sa kanya habang naka-red ang ilaw ng traffic light.

Bumuntunghininga siya. She thought there was no use keeping it to Steph. Bukod sa nahuli na naman siya nito, parang gusto na rin niyang magkwento sa isang tao na kilala kung sino si Miklos. Dahil sa totoo lang, mas lalo lang gumulo ang utak niya nang ikwento niya kay Grace ang tungkol doon.

She found herself telling Steph about her erotic dream. She prepared herself to be laughed at, or to be teased as a maniac, but Steph just kept driving quietly the whole time. May ilang pagkakataon na tumatango-tango ito, at nang dumako na ang kwento niya sa dumaplis na goodbye kiss niya kay Miklos ay saka lamang ito ngumiti at napailing-iling.

Against the Wall (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant