Part Thirty-one

6.6K 156 23
                                    

MAYROONG eksaktong salitang Ingles na makapaglalarawan ng nararamdaman ni Aira ng mga sandaling iyon: awkward. Awkward, dahil sa mga sandaling iyon na nandoon siya sa Shaw site nila, ilang dipa ang layo kay Miklos, ay ilang dipa lang din ang layo niya sa fiancée nitong si Hannah.

Sa sobrang awkward, gusto na lang niyang mag-halfday ng ura-urada. Ano ba naman kasing ginagawa ng babaeng ito dito? Sa tinagal-tagal ng pagre-report niya dito sa site, kung bakit ngayon pa nito naisipang magpakita. Napadaan lang "daw" ito sa opisina nila dahil kinausap "daw" nito ang supplier ng mga souvenir para sa kasal nito at ni Miklos, at nagkataong malapit lang doon ang shop ng supplier na iyon.

"Apple tart?" alok sa kanya ni Hannah na nagpaalis ng tingin niya sa tinititigang computer screen.

Napatingin siya sa pagkaing inaalok nito. Nakakatakam ang amoy noon, at naririnig niya ang komento ng ibang mga kaopisina ni Miklos na masarap at mainit-init pa raw ang dalang tarts na iyon ni Hannah. Ngunit sa halip na matakam ay naalala pa niyang bigla ang kwento ni Snow White. Paano kaya kung may lason pala ang apple tart na ibinibigay nito sa kanya?

Imbes nga lang na isang matandang babae na mukhang mangkukulam, ang disguise ngayon ng Evil Queen ay isang babaeng matangkad, maputi, halatang rebonded ang brown na buhok, at chinita.

"No thanks, busog pa ko." Pinilit niyang ngumiti.

"C'mon, wala naman 'tong lason or anything. Don't worry," nakangiti pa ring pagpupumilit nito sa kanya.

Napalunok siya. Nababasa ba nito ang nasa isip niya? May alam na ba ito sa nangyari sa kanila ni Miklos?

"No, really, I'm full pa kasi. I had a full meal sa bahay." Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang nakatingin na si Miklos sa kanila. Napansin din niya ang kakatwang pagtahimik ng buong opisina.

Confrontation scene na ba nilang tatlo 'to? Shit, shit, shit.

Ibinaba ni Hannah ang box ng apple tart sa may workstation niya, katabi ng mouse at keyboard niya.

"Ikaw yung taga-Alabang, right? Yung taga-Language Training Department?"

Less talk, less mistake. "Yes."

"Ah, nabanggit ka na nga sa 'kin ni Mikmik. Ikaw yung sinamahan n'ya—"

Biglang pumailanlang ang kantang "Let it Go" ng Frozen. She immediately got her cellphone inside her bag. Kahit na taga-BPI pa ang tumatawag na iyon sa kanya at aalukin lang siya ng credit card, papatusin na niya iyon, makatakas lang siya sa usapan na ito.

"Sorry, excuse me, I just need to answer this call," aniya kay Hannah bago tumayo sa workstation niya at naglakad papalabas ng office na iyon. Sinakto niya ang pagsagot sa tawag bago siya tuluyang makalabas ng kwartong iyon. "Hi, Jeff, sweetheart, napatawag ka?"

"Ano'ng 'Jeff'? Si Ate Alma mo 'to. Mali ba 'yang pangalan ko sa cellphone mo?"

"Hindi, ano, thank you tumawag ka. I missed you."

"Aba, Aira, lasing ka ba? Alas-diyes pa lang ng umaga. Tumawag ako kasi magpapabili ako sa 'yo ng mangosteen pag-uwi, kahit tatlong piraso lang."

"Kahit isang kilo pa 'yan, ibibili kita. I love you."

"O siya, siya. Basta yung mangosteen ko mamaya, ha." Pagkasabi noon ay pinutol na nito ang tawag.

Nadala niya sa tapat ng dibdib ang cellphone niya. Na-mental telepathy yata ng ate niya ang paghingi niya ng saklolo.

Napatingin siya sa pinanggalingang kwarto. Pumihit siya patalikod doon at sa halip ay tinungo niya ang daan papunta sa comfort room ng building na iyon. She hoped that when she comes back to the office, the Evil Queen had left already.

Shit talaga, muli niyang sabi habang papasok sa dulong cubicle, iyong katabi ng dingding. Hindi naman talaga siya nasi-CR. Gusto lang niyang huwag makakita ng kahit na sino, kahit ilang minuto lang.

Ilang sandali rin ang lumipas at nanatili lamang siyang nakatulala. Posible nga kayang alam na ni Hannah ang nangyari sa kanila ni Miklos? Pero kung ganoon, bakit hindi na lamang siya sinugod nito at sinabunutan, kagaya ng karaniwang ginagawa sa mga 'other woman'?

Shit, ano ba naman 'tong pinaggagagawa mo sa buhay mo, Aira.

Napahawak siya ng noo. Huminga muna siya ng malalim bago niya pinihit ang lock ng cubicle para lumabas.

"The fuck did just happen, 'no?"

"Parang 'Halik' lang, ampotah."

Napatigil siya sa tuluyang pagbukas ng pinto ng kinaroroonang cubicle. Kilala niya kasi ang may-ari ng mga boses na iyon. Sina Carla at Denise, mga officemate ni Miklos sa recruitment department.

Shit.

"Saved by the phone call si girl, no?"

"Yeah, right. I wouldn't be surprised if it was her who made her own cellphone ring."

"Nakita mo ba yung itsura ni H nung lumabas bigla si A? Mukhang classic na pinagtaksilang asawa, ampotah."

"And M still managed to be fucking poker-faced all the fucking time. Wait lang, I'll weewee meself."

Nakita niya na pumasok ito sa katabi niyang cubicle. Napasandal siya sa dingding. Mahirap na, baka makilala pa nito ang suot na sandals niya.

Maya-maya pa ay narinig niya ang pagpa-flush nito ng CR at ang pagbukas nito ng pinto ng cubicle.

"Sayang, 'no? Dream ko pa naman makakita ng sabunutan scene in real life. Potah, forever trending kaya ang kabit seryes and movies. 'Watched them all, pero mas cool pa rin if it's all happening in front of me—"

Papahina ng papahina ang tinig Carla. She assumed they were already getting out of the washroom. Kung sa pelikula o teleserye ito nangyari, pinalabas na siya mula sa cubicle ng scriptwriter o director para kunyari ay mapapahiya ang dalawa sa kanya.

But no, this was her real life. At ang totoong siya, ay duwag na malaman ng mga tsismosang iyon na naroroon din sa mismong lugar na iyon ang pinagti-tsismisan nila.

She sighed inwardly. She still had to wait for a few more minutes to make sure they were really out of the comfort room. Binuksan niya ng bahagya ang pintuan ng cubicle. Sinilip niya kung naroroon pa ang dalawa. Nang masigurong wala na ang mga iyon ay saka siya lumabas.

She went up to the lavatory, pressed the faucet button and splashed cold water on her face. Ilang ulit niyang hinilamusan ang mukha. Na parang sa bawat hilamos, napapawi ang bangungot na nangyari sa kanya kanina.

"Hey, Aira, right?"

Nagmulat siya ng mga mata. Napatingin siya sa salamin. Nakita niya si Hannah na nasa tabi niya, nakangiti sa kanya.

Mula sa pagiging kabit serye, biglang naging horror movie ang buhay niya.

Pero hindi na siya tatakbo kagaya kanina.

Huminga siya ng malalim at kinuha ang panyo niya sa may bulsa ng suot na slacks. "Hi, Hannah. Sorry, I had to answer my phone kanina. Ano nga ba 'yung pinag-uusapan natin?"

Umiling ito at ngumiti sa kanya. "Never mind. I just wanted to give you our wedding invite." Mula sa shoulder bag nito ay inilabas nito ang isang kulay puting wedding invitation na may kulay fuchsia na ribbon at feather sa harap.

Pinunasan muna niya ang kaliwang kamay bago inabot iyon. "Thanks."

"I hope you can come. It's exactly twenty-one days from now."

"Ahm, try ko, sige." Ngumiti ka, Aira. Ngiti! 'Wag na 'wag mong ipapahalata na guilty ka!

"That's great. Alright, I'll go ahead na. Bye, Aira!"

"Bye, Hannah." Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng CR.

Napatingin siya sa hawak na invitation. Jimenez-Avinante Nuptials. Ibinalik niya ang tingin sa salamin. She looked at probably her ugliest reflection in her entire life.

Evil Queen – 1; Snow White – 0. 

Against the Wall (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin