PROLOGUE

13.2K 171 7
                                    

"You may now kiss the bride" salita ng pari tska naman ako humarap kay justin na ngayon ay walang emosyon ang mukha.

Pareho naming hindi to ginusto pero wala kaming magagawa dahil pamilya namin ang may gusto, malapit na magkaibigan ang mga pamilya namin kaya naman pinagkasundo nila kaming magpakasal. Hindi kami naging close ni Justin as in never kaming nag usap or what magkaibigan nga mga magulang namin pero kami magiging magkaibigan?? Ha! It will never be happened.

Kilala ko si Justin dahil kaklase ko sya sa lahat ng subject ko dahil iisa lang naman ang kursong tinatake naming dalawa, napaka yabang nyan kala mo kung sinong gwapo, oo na gwapo sya pero ang hangin hangin nya kala naman nya gusto sya ng lahat. well sad to sayo I'm not belong to those girls or gays na patay na patay sakanya!

Suplado yung mukha pero ang hangin, alam nyo yon? yung tipong ang walang emosyon yung mukha nya pero once na magsalita sya hay nako wag mo nalang pangarapin dahil lilipad ka talaga ng di oras.

Hinawakan na ni justin yung laylayan ng belo ko tska nya yun dahan dahan itinaas, naka tingin lang ako sakanya habang ginagawa nya yun kasi naman! Sya pa yata magiging first kiss ko!! Pero mukhang wala akong magagawa kaya naman ng unti unting lumapit yung mukha nya ay nananatiling naka dilat yung mga mata ko hanggang sa naramdaman kong lumapat ang mga labi nya sa labi ko at napakurap nalang ako at narinig ang maingay na palkpakan ng mga taong naging saksi saaming kasal.

Naramdaman kong lumayo na si justin pero heto ako at gulat na gulat sa nangyare. Yung first kiss ko wala na....

"Tss" rinig kong singal ni Justin kaya napabalik ako sa realidad at doon ko napagtanto na naglalapitan na ang mga tao saamin at mag tatake na kami ng picture.

Natapos ang seremonyas ng kasal at heto kami ngayon ni Justin naka upo at naghihintay ng flight namin papuntang Maldives dahil dito napili ng mga magulang namin na mag Honeymoon DAW kami. As if naman may mangyayare honeymoon, ni hindi nga kami magka sundo nito magtabi pa kaya sa iisang kama? Mygod!

Well, Maganda naman sa maldives I can take a picture naman tapos ipopost ko sa Instagram ko para lalong dumami yung followers ko.

Tinawag na ang lahat ng pasahero papuntang maldives kaya naman tumayo na kami ni Justin at ang mokong nauna ng mag lakad at iniwan ako! palibhasa iisang maleta at isang backpack lang yung dala eh hmp!

Sumunod na ako sakanya at pilit syang hinabol at thank god nahabol ko naman sya.

Pagkapasok namin sa loob ng eroplano ay agad akong naupo sa tabi ng bintana dahil ito talaga yung seat ko si justin naman ang nag ayos ng mga hand carry namin na gamit na ilalagay sa compartment, at ng malagay na ay umupo narin sya sa katabi kong upuan.

Buong byahe ay nanood lang ako ng mga movies habang si Justin ay natulog lang habang may headphones sa tenga, hindi ko nalang pinakelaman baka sabihin nangengelam ako, mahirap na pag nagalit yan grrr!

Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan at nagising ako dahil may nagsasalita na galing sa speaker at parang sinasabi na malapit na kaming makarating sa destinasyon namin kaya ng mapagtanto kong nasa eroplano pala kami ay napadilat agad ako at hindi ko maiangat yung ulo ko dahil may naka dagan sa uluhan ko at ng silipin ko, mahimbing na natutulog si justin at para bang comportable sya sa pwesto nya kaya naman dahan dahan kong inalis yung ulo nya at iniayos ng lagay.

Kinuha ko yung gamit ko pang ayos ng mukha at dumaretsyo ng C.R at nag ayos lang. May sampong minuto pa daw kami bago lumanding ang eroplanong sinasakyan namin kaya may time pa ako mag ayos, ayokong lumabas ng eroplano na mukha akong sabog nakakahiya duhh!

Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas narin ako sa C.R at naglakad papuntang upuan namin at nakita kong gising na si Justin at daretsyong naka tingin sakin at wala nanamang emosyon ang mukha.

My Secret Husband | (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon