Chapter 2

7.1K 157 17
                                    

"You're all 3 seconds late." Matigas na ani ng lalaking nakatalikod sa harap nila. Infairness malapad ang likod sa tantiya niya'y 6 footer to. Kasalukuyan itong nakatingin sa glass window kaya di niya makita ang mukha. Yummy ang likod panu pa  kaya ang mukha.

"P-pasensiya na po Mr. Sarin traffic po kas--"

Nanginginig na ani ni Brandy kawawang bakla.

"FUCK THAT ALIBI! Don't get near me you bunch of wenches."

Malakas na singhal nito at parang nandidiring nakatingin sa kanila. Agad na napairap ang dalaga sa inakto ng binata. Napapiksi na silang tatlo at napahawak sa kaniya si Balosh. Maingat na nahigit ng dalaga ang hininga ng humarap sa kanila si yummy at literal na nakurot niya ang pwet niya. Napakagwapo kasi at inapakan niya si Balosh. Mukhang timang lang balot na balot eh. Itim pa lahat ng suot mula sa boots nito hanggang sa gloves at mask niya.

"Arayyy!" Mahina at nagpipigil na masigaw na ani ni Balosh na halatang naga gwapohan din sa kaharap nilang yummy. Kawawa talaga sa dami ng tunnel sa mukha nito mas lalong pumangit dahil lumalaki na ang mata niya.

"Bruha ka inapakan mo ang byotipol paa ko. Talagang patay ka sakin mamaya babae ka." Nanlalaki ang matang ani niya sa dalag na ipit na ipit pa ang boses. Napa peace sign na lamang ang dalaga.

"Hoy mga stupida. Magsitigil nga kayo diyan. Tara na mabuti't parang nagandahan sayo si Mr. Sarin bruha ka. Bilis na dun tayo sa table niya't ayaw niyang pinaghihintay. Mga boba talaga alam kong gwapong-gwapo kayo sa kaniya. Business before pleasures okay? Kaloka kayo! Pigilan niyo yang kalandian niyo."

Isa pa tong si Brandy eh. Panira ke sarap supalpalin. Anang isip ng dalaga.

"Ano ba kayong dalawa ang ho-hot niyo. Grabe kayo para namang papatayin kayo haler? ke anong problema kalma lang." Mahinang aniya't pinaikot ang mata niya.

"Nasasabi mo lang yan kasi hindi ikaw ang nasigawan bruha ka!" Inis  na ani Brandy at naunang nang lumabas sa kanila. Natahimik na lamang ang dalaga ang laki na ng butas ng ilong eh galit na galit gusto manakit.

"Mamaya ka talaga sa bahay bruha ka't malilintikan ka sakin. Naiinis ako sayo gorl kung alam mo lang. Di ka na naawa sa ingrown ko bruha ka." Maiyak iyak na ani ni Balosh. Napahagikhik nalang siya. Alangan namang umiyak siya diba? Sayang ang ganda para luluha lang.

"Ikain mo nalang yan Balosh gutom lang yan. Ang daming papabols mamaya sa venue mag retouch ka nalang kesa magtatalak ka diyan. Ikaw din sayang ang byoti mo maraming papa ang mahuhumaling sayo dun."  Pangloloko niya sa bakla mukhang kinagat naman ng bakla kaya napahinga siya ng maluwag.

"Balosh hindi ako makahinga. Ba't ang sikip ng bra ko parang luluwa na ata itong avocado ko." Reklamo niya ang sikip kasi eh. Parang luluwa pa sa damit niya.

"Gaga push up bra ang tawag diyan. Hayaan mo na sa larangang ito katawan at mukha mo ang pinagkikitaan natin. Ang inportante dito hindi ka nagbebenta ng laman jusko day." Mahabang litanya niya't inirapan siya. Agad naman silang sumakay sa kotse ni Brandy.

"Eh Balosh paano ba mag benta ng laman? Malaki ba kikitain dun?" Tanong niya na rin beke nemen diba?

"Gaga, yan ang wag na wag mong gagawin Marija. Sayang yan ganda mo tapos kung sino-sino lang titikim sayo. Jusko day magtinda ka nalang ng balut araw-araw baka kako may maawa pa sayo't aasawahin ka ng mayaman."  Ani ni Brandy na nagce-cellphone na  naman.

"Hay naku ano ba  kayo? Magbebenta lang naman ako hindi magpapatikim. Tsaka mag drive ka nga diyan Brandy wag puro cellphone. Pag tayo mahuli ng PLDT patay tayo. Ikaw din sayang ang 100k per day."

Aniya't kinalikot ang kuko niya. Unti-unti niya namang tiningnan ang dalawang bakla at agad na napasiksik sa gilid ng kotse isa-isa ba naman siyang pinagpapalo ng dalawa.

"Gaga ka ang pagbebenta ng laman ay pagpapatikim ng katawan mo sa mga kalalakihan at may kapalit na kwarta. In short prosti gets mo?" Inis na ani sa kaniya ni Brandy. Malay niya ba na iisa pala yun?

"And FYI Marija MMDA hindi PLDT gagang to. Mas mabuti sigurong wag ka na magsalita at baka di ako makapagpigil masasabunotan na kita." Reklamo ni Balosh parang hindi nga nagbibiro ang bakla kaya nanahimik na siya sa gilid. Baka tumaas pa ang BP nila siya pa dahilan ng pagpanaw.

Tbc
Zerenette

UngentlemanWo Geschichten leben. Entdecke jetzt