Chapter 25

3.9K 113 3
                                    

Kinakabahang bumaba na sa taxi ang dalaga suot ang biniling itim na dress. Hinayaan niya ang buhok niyang hindi nakatali. Maraming sasakyan ang nakahilera sa labas ng Mansion. Sa tantiya niya'y mahigit trenta ito.  Nagdalawang-isip pa tuloy siya kung papasok ba o hindi.

"Ma'am Marija pasok na po kayo. Kanina pa po kayo hinihintay ni Madam sa loob."

Anang security guard. Ito iyong nakausap niya noong huli. Buti nalang talaga at nakapunta na siya rito.

"Ah, salamat ho. Ito po ang invitation card ko."

Nakangiting aniya.

"Sige po maam."

Agad na pumasok ang dalaga at napanganga na naman.

"Bakit ba napakaganda ng mansiong ito."
Nakangiting naglakad siya papunta sa function hall ng Mansion. Iginiya naman siya ng nakita niyang usherette kaya hindi na siya nahirapan. Napakagat labi siya ng makitang puro mayayaman ang nasa loob. May nagsasayawan at may nag-uusap lang. May napapatingin na rin sa kaniya kaya napahigpit ang hawak niya sa dalang maliit na gift bag.

"Marija!"

Tawag sa kaniya. Kilalang-kilala na niya ang boses nito.

"Xenon!"
Nakangiting kaway niya rito. Kanina pa hinahanap ng mga mata niya ang kuya nito subalit ni anino ay wala.

"Mommy's waiting for you, come. Akala namin hindi ka na pupunta."

"Pupunta naman natagalan lang naglaba pa ako eh. Alam mo na."

Pag-e-esplika niya.

"Ibang klase ka talaga."
Iiling iling na anito.

"Bakit? Hindi na ba pwedeng maglaba ngayon?"

"No comment."
Nakangiting aniya ng binata. Pumasok sila sa isang pinto at halos malaglag ang panga niya. May napakalaking dining table sa loob at lahat ay puro mga babae at halatang may say sa buhay. Halata sa pananamit at aura ng mga ito. Sa gitna ay naka upo ang babaeng dahilan kaya't napilitan siyang pumarito. Nahihiyang yumuko siya  sa mga ito at lumapit kay Victoria..

"Happy Birthday tita."
Nakangiting aniya at niyakap ang ginang. Gumanti naman agad ito ng yakap sa kaniya.

"Thank you for coming hija, I thought you already forgot about this occasion."

Abot sa tengang ngiti nito.

"Pasensiya na po tita ang totoo po niyan naglaba pa ako kasi may sinat si inang. Ay siya nga pala ito nga po pala ang regalo ko para sa inyo."

Nakangiting aniya at inabot sa Ginang ang maliit na brown paper bag na nabili lang niya noong nagdaang pasko.

"Nag-abala ka pa salamat Marija."
Na touch na ani ng Ginang.

"Victoria care to introduce that woman?"
Ani ng babaeng may pixie cut hair.

"Oh I almost forgot. Lordelle and everyone here this is Marija, Marco's girlfriend."
Proud na sambit ng Ginang at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya't ngumiti ng pagka tamis-tamis.

"WHAT?"
Maraming nagbulongan. Mga nasa 15+ sila dito sa loob kaya parang mga bubuyog kakasalita..

"What do you do for a living hija?"

"Your parents, how about them?"

"Do you run some business here?"

"What company do you have?"

Nahilaw na napatingin si Marija sa mga Ginang na naka upo at matamang nakatitig sa kaniya. Sa tantiya niya'y pati ang mga dalagang katabi ng mga ito ay kung nakakamatay lang ang tingin dead on arrival na siya.

"Ahm, ano."

"Hey, why are you asking questions like that.  She might feel uneasy. And I don't care anything about her inheritance or businesses. I just simply like and love her. So please don't bother."

Matamis na ngiti ang pumailanlang.

"I just thought my Natasha here is able to handcuff your son Victoria."
Maarteng ani ng babaeng nakatitig sa dalaga.

"Yea, me too. You can tell your son to marry my daughter here right?"
Dagdag pa nung isa..

"I won't tolerate things that are against my will. In fact wala namang problema kay Marija bagay na bagay sila ng anak ko. Marco's big enough to choose whom he spend his life with..who am I to intervene?"

Nakangiting ani ng Ginang. Natahimik naman ang mga ito. Subalit ang sasama ng tingin sa kaniya.

"Tita I think it's time to open your presents."
Ani ng babaeng napaka ganda. Nginitian ito ng dalaga subalit sinimangotan lamang siya.

"Upo ka na hija."
Nakangiting ani ng Ginang sa kaniya. Tumabi naman agad siyang umupo rito dahilan para mag eye roll ang katabi niyang maganda.

"Poor bitch."
Mahinang ani nito. Sapat lang na marinig niya. Tiningnan niya ang dalaga at pekeng nginitian. Gusto man niyang sabunotan ito hindi pwede.

"Hi mom."
Ani ng isang baritonong boses na kakapsok lang.

"Marco,buti naman at umuwi ka ng maaga."
Nakangiting ani ng Ginang. Nagmamadaling tumayo ang katabi ni Marija at ipinulupot ang kamay nito sa braso ng binata. Sa isip niya'y ilang segundo lang ay paaalisin ito ng binata kasi hindi naman ito sanay na hinahawakan ng kung sino-sino takot ito sa  tao. Subalit wala man lang reklamo ang Hitler.

"Ahem."
Victoria faked a cough and pulled her with care. At itinabi siya sa anak nito.

"Natasha hija could you  get ahm a little distance with my son. His girlfriend is here. Baka pag-awayan nila ang kaka kapit mo sa anak ko. It's not you know very good to see."

Alanganing ani ng Ginang. Nagsitawanan naman ang mga kasama nila sa mesa. Napahiyang umupo na lamang ang dalaga at sinamaan ng tingin ang katabi nitong dalaga rin.

Tbc
Zerenette

UngentlemanWhere stories live. Discover now