Chapter 27

3.9K 124 9
                                    

"It's time to open your gifts tita."
Nakangiti at feeling close na ani ni Natasha na nakalingkis ang mga kamay kay Marco agad na sinang-ayunan naman ng mga kaibigan ng Ginang.

"Okay, i'm so excited already."
Nakangising aniya. Nanatiling naka upo ang dalaga sa malaking couch katabi ang binata na kanina pa bagot na bagot. Si Xenon naman ay nasa di kalayuan nakikipaglandian sa mga anak ng bisita ng mommy niya. Kasalukuyang nasa sala sila..
Unang in-unwrap ng ginang ang maliit na gold box at napangiti.

"This is from Letticia's daughter, Amari."
Nakangiting anito at binuksan ipinakita nito ang laman at nagpasalamat. Isang mamahaling scarf na sa tingin niya'y galing pa sa pinakasikat na clothing brand sa Paris. Ang kasunod naman ay mga jewelries na mas nagpapalula sa dalaga. Sa sobrang kamahalan.

"And this one is from Natasha."
Binuksan ng ginang ang red velvet box at napangiti.

"A diamond earring? Thank you."
Pasasalamat ng ginang.
Proud na sumulyap ang dalaga sa gawi ni Marija umirap. Parang sinasabi nitong pinaka mahal ang sa kaniya. Namangha naman agad ang ibang panauhin.

"And last but not the least from my daughter in law, Marija gosh i'm so excited."
Masayang ani ng ginang. Parang nanliit ang dalaga ng maisip na ang gift niya lang yata ang pinaka mumurahin. Naka abang na rin ang iba sa pagbukas ng maliit na paper bag na may tatak pang avon. Inilabas ng ginang ang regalo niya at maluha-luhang napatingin dito. Napasinghap naman ang mga bisita.

"A handkerchief? Seriously? So cheap."

Maarteng ani ni Natasha. Napayuko ang dalaga sa hiya at para siyang kriminal na nasasakdal sa mga tinging mapanghusga.
Tiningnan niya ang reaction ng binata subalit walang emosyon pa ring mababanaag dito.

"Panu naman kasi botong-boto sa pobre."
Rinig niyang ani ng matandang ginang na sinang ayunan ng iba.

"Hahaha, that's so funny. I've never imagined the famous Victoria Sarin recieved a trash on her birthday."

Humahalakhak na ani ng ginang na may pixie hair cut. Nakalimutan lang niya ang pangalan..

"What a shameless girl. Ni hindi man lang inalam ang party na dadaluhan. Palibhasa mahirap."

Rinig pa niyang sambit ng iba.

"Enough!"
Galit na ani ng mommy ni Marco. Nanatiling naka upo lang ang dalaga at hiyang-hiya sa nangyayari.

"Marija, look up dear. Come to me."
Malamyos na ani ng ginang at hinawakan ang kamay niya para tumayo.

"Do you all know why I cried?"
Tanong niya rito. Agad na nagsi ilingan ang mga plastik.

"Because I saw how this woman recognized my worth."

Nakangiting ipinakita niya ang panyo namay nakalagay na "We are blessed; a God sent mother,sister,wife and friend. You are a blessing."
Basa ng Ginang at ipinakita ang pinaghirapang tahiin. Mukha ng Ginang kasama ang pamilya nito. Manghang napatingin si Marco sa gawi niya at ngumiti.

"I'm not saying that I did not appreciate your gifts, what i'm trying to convey is it's not the price that matters. It's the thought and heart that shows sincerity and care."

Maluha-luhang ani ng Ginang.

"Marija thank you very much for giving this precious gift. You made me realize how lucky I am to have a family who loves me."

Napangiti ang dalaga at niyakap ang ginang. Sinulyapan ng dalaga ang binata na nakatingin ng mariin sa kaniya. Maging ang ibang ina na invited ay napaiyak sa sinabi ng Ginang. Ilang oras pa ng magpaalam ang dalaga sa Ginang dahil malalim na rin ang gabi.

"Okay Marija but magpahatid ka kay Marco ha. Nasa labas na yun naghihintay. Thank you very much dear."
Nakangiting ani ng Ginang at niyakap siya ng mahigpit agad niya itong ginantihan.

"Asan na kaya ang kumag na yun?"
Inilibot ng dalaga ang tingin sa labas ngunit hindi niya mahagilap ang binata.
Ilang sandali lang ay may huminto sa harap niyang motor. Tinaasa niya ito ng kilay hanggang dito ba namn may riding in tandem?

"Mister sinasabi ko sayo kahit baliktarin mo pa ako wala kang mahihita sakin kahit isang centimo."

Aniya. Binuksan ng binata ang helmet niya para manlaki ang mata ng dalaga ng makita ang lalahati ng mukha nito.

"Do I look like a criminal? May I remind you criminals can't afford Ducatti's. They might sold this first rather than waste their time with someone like you."

Walang kibot na ani ng binata na ikina inis ng dalaga. Iniabot ng binata sa kaniya ang isang helmet.

"Anong gagawin ko diyan?"
Tangang tanong niya.

"Ipukpok mo sa ulo mo. Try it, it'll make you think wiser maybe."

Sarcastic na ani ng binata na ikina asim ng mukha ng dalaga. Inis na hinablot ng dalaga ang helmet at sumampa sa likod niya. Ni hindi pa siya  naka upo ng maayos ng biglang humarurot ang motor nito.

"Ayyy! Tang ina mo! Bwesit ka!"

Inis na pinaghahampas ng dalaga ang likod ng binata.

"Just hold tight."
Mariing ani ng binata.

"Ang sabihin mo gusto mo lang yakapin kita. Kainis to ang daming arte eh, daming pakulo. Sabihin nalang kasi gagawin ko naman."

Asar na ani ng dalaga at niyakap ng mahigpit ang binata.

"Asa."
Tipid na ani ng binata at ngumisi. Mas lalo pa nitong pinatulin ang takbo dahilan para mas lalong magkunyapit ang dalaga sa kaniya. He loves it.

Tbc
Zerenette

UngentlemanWhere stories live. Discover now