Chapter 17

4K 118 5
                                    

"Hoy Sarin  pano na ngayon yan?"

Nag-aalalang tanong ni Marija sa binata. Nanatiling tikom ang bibig ng binata habang nakatuon lamang ang tingin sa daan. Ilang saglit lang ay tumunog ang cellphone nito.

"Could you hand me my phone?"
Kalmadong ani nito. Agad niyang ibinigay ang cellphone nitong nasa ibabaw ng dashboard. Agad naman siyang natahimik.

"Speak up."
Matigas na ani ng binata. Agad na napa upo ng maayos ang dalaga. Nagsalita ang kausap nito sa cellphone subalit hindi naman niya marinig.

"What?"
Napalakas ang sambit ng binata kaya't napapiksi siya. Kumunot ang noo nito ng tingnan ang reaksiyon niya.

"Don't let that fucking morons left my company. You better fucking understand Farik or else.."

Napatigil ito sa pagsasalita at napatingin sa gawi ng dalaga. Nakatunganga lang itong nakatingin  sa kaniya. He heaved a deep sigh and focused on his driving. Ilang  minuto lang ay huminto nan ang kotse. Mabilis na lumabas ang binata at hinila siya palabas ng kotse. Nanlaki ang mga mata niya't napatang na naman. Nakita na naman niya ang matayog na building ng binata.

 Nakita na naman niya ang matayog na building ng binata

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Di niya maiwasang mapahanga. May nagmamadaling lumapit sa kanila at yumuko sa harap ni Marco.

"S-sir nasa taas pa po sila gaya ng sabi niyo."

Tinignan lamang ito ng binata at hinawakan ang kamay ng dalaga papasok ng kompaniya. Agad na nagsitinginan ang mga empleyado pagkakita sa amo nilang may kahawak kamay. Sa pagkamangha ng dalaga ay hindi niya na inalis ang kamay na hawak ng binata. Sumakay sila sa napaka pamilyar na elevator. Agad siyang napatakip ng mukha. Nangingiti na tiningnan ng binata ang dalaga.

"Remembered something?"

"Huwag mo nang ipamukha sakin."
Inis na aniya't inirapan ang binata. Nag ting na ang elevator hudyat na nakaabot na sila sa nais na floor. Binuksan ni Farik ang pintuan at pinaunang pumasok ang dalawa.

"Mr. Sarin"

Magiliw na ani ng lalaking naka suit. Akmang lalapit ito sa kanila ng sumenyas ang binata na umupo na lamang.

"What do you want Mr. Ventiz?"
Seryosong ani nito. Naka upo lamang ang dalaga at nakatingin sa iba pang kasama ng matanda.

"Ayaw mo talaga ng paligoy-ligoy ano?"
Nakangising ani ng lalaking katabi ng matanda. Nanatiling walang reaksiyon si Marco at naka upo lamang.

"Anyway, we want the 16% share of this company. Infact, hindi naman nalalayo ang galing namin sa pamamahala ng ganitong business. Malaki na rin naman ang share mong 50% why not grant our request?"

Walang ka abog-abog na ani ng matandang si Mr. Ventiz at inilahad sa lamesa ang transparent folder.

"What do I get in return?"
Kalmanteng ani ng binata. Nanatiling nakaupo lamang ang dalaga at walang naiintindihan sa pag-uusap ng dalawa.

UngentlemanWhere stories live. Discover now