Chapter 32

3.9K 131 15
                                    

Tiningnan ni Stella mula ulo hanggang paa si Marija.

"So ikaw pala ang babaeng tinutukoy ni tita."

Kababakasan sa boses ng dalaga ang inis at galit nito. Tiningnan lamang siya ng dalaga na naghahanda ng pagkain at nginitian ng matamis.

"Talaga? Napaka sweet talaga ni tita. Bakit nagulat ka ba?"

Nakangiti pa ring sagot niya. Mas lalong nangangalit sa galit ang dalaga sa klase ng sagot niya. Yun talaga ang gusto niya ang inisin ito at lubayan siya dahil talagang kumikirot ang singaw niya sa gilid ng dila. Nakakagalit pa naman ang singaw.

"How dare you! Such a poor, walang breeding na babae lang ang papalit sa pwesto ko? I can't accept that. Look at yourself in the mirror bitch. Masyado kang mataas kung mangarap mag-iingat ka masakit bumagsak nakakamatay."

Mapanliit na ani nito. Parang sinampal na naman siya ng katotohanang pobre siya. Ngunit hindi siya nagpa apekto. Nagpatuloy siya ginagawa niya at hinayaan itong maliitin siya.

"Mas maganda ako sayo, only if you don't know. Mahal ako ni Marco. We've been together for years. Ikaw? Ano bang alam mo sa buhay? Oh gosh! Mang limos? Ano pa ba? Hmm, mag benta ng laman. Yea, obviously you're a prostitute.  A gold digger bitch."

Nagpanting ang tenga ng dalaga sa narinig at napakuyom ng kamao. Matapos niyang mailagay ang pagkain sa tray ay tiningnan niya ng nakaksuyang tingin si Stella. Naningkit naman agad ang mata nito.

"Bakit ikaw? Sino ka ba? Sa pinagsasabi mo halatang hindi mo matanggap na wala ka nang puwang sa buhay niya. Na isa kang bitter na ex na umaasang babalikan pa. Oh! Ayan mug pag may free time ka ipukpok mo sa ulo mo at nang matauhan kang inggitera ka. At isa pa hindi ko kasalanan kung bakit naghiwalay kayo. Sinayang mo siya napaka swerte mo naman ata kung magkukumahog sayo ang boyprend ko."

Aniya at kinuha ang tray. Paakyat siya ng hagdan ng biglang hilahin nito ang buhok niya dahilan para mabitawan ang dala niyang tray. Mabilis na hinila niya pabalik ang buhok at kinuha ang kanin na nahulog sa hagdan. Mabilis na nagsitayuan ang mga katulong para sana tulongan siyang magligpit ng sigawan ito ni Stella.

"Don't help her you stupid maids. Let her be. Bagay na bagay sayo yan. Sige pulotin mo nagmumukha kang manlilimos. Dukha walang pinag-aralan."

Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga sa nakitang nasayang na pagkain. Parang nandilim ang mukha niya't mabilis na sinampal ang dalaga. Gulat na napatanga si Stella maging ang mga katulong at si Xenon na kararating lang at si Victoria na nakamasid lang sa kanila. Akmang lalapit si Marco na kakalabas lang kuwarto niya ng makarinig ng sigaw ni Stella ng sumenyas ang ina niya na huwag lumapit.

Galit na tinignan ng dalaga si Stella.

"Alam mo ikaw, matatanggap ko ang pang-iinsulto at pang-aalipusta mo sakin. Pero hindi tamang sayangin ang pagkain. Hindi mo ba alam na maraming bata ang nagugutom sa lansangan ha? Ano bang masama sa pagiging mahirap? Anong masama kung nanlilimos ang isang tao? Ang importante wala kaming tinatapakang tao para lang guminhawa ang bubay namin.  Maswerte ka't nabuhay kang maraming pera. Na lahat ng gustuhin mo nakukuha mo. Kung nagagalit ka sakin lumaban ka ng patas. Hindi yung sinasayang mo ang pagkain."

Galit na ani ng dalaga at pinulot ang kaning natapon.

"Manang anong brand nitong bigas?"
Agad na tanong niya.

"Sinandomeng po ma'am."
Sagot ng isang katulong.

"Kita mo na?"
Agad na napapiksi ang dalaga sa biglaang pagsigaw nito.

"Ang hirap kumita araw-araw napaka mahal pa ng bigas na to tapos ikaw sinasayang mo lang. Pwede na nga tong toyo lang e-pang ulam eh."

Reklamo niya. Agad na sumama ang mukha ng dalaga sa pinagsasabi niya.

"You're freaking crazy."

Tumingala ang dalaga sa itaas ng hagdan. Nandun si Marco nakatayo at seryosong nakatingin sa kanila.

"Is this the kind of woman you wanted to spend your life with? A weird and crazy bitch?"

Striktang tanong niya rito. Agad na napatingala si Marija. Unti-unting bumaba ang binata. Natulala si Marija sa klase ng titig nito sa kaniya. Napaka gwapo, matangkad ang ganda ng katawan. Grabe!
Agad na nagulat ang dalaga ng tumayo sa gilid niya ang binata at hinawakan ang balikat niya dahilan para mas lalo siyang mapalapit dito.  Napaka bango talaga. Bagong ligo.

"This woman you are talking about is the most amazing woman i've ever met. She's poor financially but she's rich by heart. She worked hard to earn for her family and support her studies. You don't know her kuz you're not her.  What happened between us was all in the past. I forgot about it already. Stop pestering our life anymore. I'm certain, i'm fucking pissed right now. Huwag mo nang hintaying ipakaladkad kita sa guwardiya. Leave!"

Malamig na ani ng binata. Parang baliw na napailing ang dalaga.

"You'll regret this Marco. You'll fucking regret this."

Inis na sigaw nito.

"It's not for you to say dear."
Nakangising ani ni Victoria. Mabilis na niyakap ni Xenon ang ina na kanina pa pala nagtitimpi ng galit.

Tbc
Zerenette

UngentlemanWhere stories live. Discover now