Chapter 28

4K 122 14
                                    

"I know I have a muscled back. We've arrived 6 minutes ago yet you're still hugging my back."

Mabilis na umatungal ang dalaga at pinagbabayo na naman ang likod ng binata.

"My mom said baka mahulog ang baga ko pag pinupukpok. Incase I'll feel ill it's your fault. Mom will probably hate you."

Turan ng binata. Inis na tinalikuran ng dalaga ang si Marcos at deri-deritsong naglakad. Nakatayo na siya sa pintuan ng magulat sa aninong nasa likod niya. Ni hindi man lang niya narinig ang mga yabag nito.

"A-anong ginagawa mo diyan?"

"Following around?"
Patanong na sagot ng binata at nagkibit balikat. Magrereklamo na sana ang dalaga nang bumukas ang pinto at nakangiting ina niya ang bumungad.

"Sinasabi ko na nga ba't may jowa ka na nak. Hala pasok!"

Excited na ani ng ina niya. Agad na nangunot ang noo niya ng hilahin ng ina niya si Marco at pina upo sa maliit nilang sala. Medyo malalim na ang gabi kay pinagtimpla ng ina niya ng kape ang binata. Agad naman itong sinimsim ng binata.

"What kind of coffee is this?"
Tanong ng binata. Agad na nanlaki ang mata ng dalaga ng maalalang allergic sa marurumi ang binata. Tiningnan niya ito subalit iba sa inaakala niya ang reaksiyon nito.

"Gretest hijo. Bakit? Hindi ba masarap?"
Nakangiting tanong ng ina niya. Kung tingnan ito at asikasuhin ng ina niya ay parang napakahalagang tao. Parang dito nakasalalay ang buhay nila ah.

"It's fantastic. I've never tasted coffee as good as this."

Nakangiting ani ng binata at sumimsim pa ulit.

"So ano hijo pano naging kayo ng maganda kong anak? Pinikot ka ba niya? Siguro nga napaka gwapo mo eh. Imposibleng hindi ka pinikot ng anak ko."

Iiling iling na ani ng ina niya. Para siyang nanliit sa hiya sa sinabi nito.

"Nay, hindi noh. Hindi ko naman yata gawain ang mamikot. Tsaka hindi ko jowa yan. Magkamatayan na, maraming afam nay yung mabait hindi katulad niyang mukha lang yang afam pero demonyo yan."

Inis na aniya. Agad na tinampal ng ina niya ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.
Nakangiti lamang ang binata habang nakatitig sa kaniya. Puno ng kapilyuhan ang mga mata nito.

"Naku hijo pag pasensiyahan mo na yang anak ko ha. Kulang sa breeding eh alam mo na."

Ngingiti-ngiting ani ng ina niya.

"It's fine nay, though your daughter is kinda creepy she's too sadist everytime we talked. Unlike you, you're so approachable."

Nakangiting ani ng binata na ikinangisay ng ina niya. Talagang kinilig pa ito.

"Aba't wag ka ngang papabola diyan nay ha sinasabi ko sayo. Hoy! Ikaw naman kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi mo. Hindi ka naman ganiyan. Hala tumayo ka na nga diyan umuwi ka na."

Pagtataboy ng dalaga at nilapitan ang binata. Kinuha  niya ang mug na hawak nito at ipinatong sa lamesa. Hinawakan niya ang kamay nito para tumayo pero ang bigat. Ang maskels napaka tigas pa. Sherep!

"Hoy Marija! Kailan ka pa natutong mambastos ng bisita? Isipin mong jowa mo yan tapos kung tratohin mo parang aso. Tsaka gabi na baka ano pa ang mangyari diyan sa daan edi kargo mo. Pag ito nabingwit ng mga kapit bahay ewan ko nalang sayo Marija."

Nakahawak sa beywang na ani ng inay niya. Naiinis na talaga siya sa katigasan nito.

"Nanay ano ba?"
Inis na aniya.

"Aba Marija, kailan ka pa natutong sumagot-sagot sa akin?"

Kunwaring nagtatampo na ani ng ina niya.

UngentlemanDove le storie prendono vita. Scoprilo ora