Chapter 20

4.1K 121 8
                                    

"Oh ba't parang pinagsakluban ka ng lupa ghorl? Yung bunganga mo pakitakpan naman ang baho-baho."

Reklamo ng baklang si Balosh at pinaypayan ang sarili. Agad na huminga ang dalaga sa palad niya at inamoy ito.

"Amoy Salmon noh? Ang sarap-sarap ng pagkain kanina na inihanda nina Miss Laarni."

Walang buhay na ani ng dalaga.

"At talagang nasarapan ka na sa lagay na yan. Marija magtigil ka nga diyan. Ano ba kasing nangyari ha?"

"Wala to Bakla. Okay lang ako."
Aniya.

"Hmm, alam kong may problema ka talaga. Bahala ka di ko ibibigay ang tf mo. Tumataginting labinlimang libo pa naman ito."

Pangongonsensiya ng bakla.

"Nakakainis ka bakla!"
Reklamo niya't parang maiiyak na umub-ob sa bakanteng lamesa. Sabado ngayon kaya may raket siya. Walang pasok.

"Sabihin na kasi arte nito akala mo naman kagandahan. Ano ba kasi, may jowa ka na?"

Usisa nito. Hindi niya alam kung mag-oo ba siya o hindi.

"Hindi kasi eh. Pinaasa ako nung Hitler na yun eh. May pa sabi-sabi pang i'll see you tomorrow eh sabado na ngayon. Tuesday niya pa yon sinabi sakin. Bwesit talaga paasa yung walang tuli na yun."

Reklamo niya't pinag-uuntog ang ulo sa lamesa. Napasinghap ang bakla at lumapit sa  kaniya na nanlalaki ang mga mata.

"T-teka lemme absorbed it. Hala! Jusko naman Marija. Bakit ka bumukaka sa demonyong yun. Alam mo naman na umpisa pa lang impyerno na yung buhay mo sa lalaking yun. Marija maliit ba kaya nasabi mong di pa tuli? Kahit naman di pa tuli may lalaki namang malalaki na ang alagad diba?"

Nagniningning na  ani ng bakla. Di niya tuloy matukoy kung concerned ito sa kaniya o interested sa ano ni Marco.

"Gaga ka talagang bakla ka. Eh kung apakan ko ulit yang ingrown mo. Tsaka berhin pa ako noh wag kang ano. Ang swerte naman siguro ng gago na yun para matikman ang napaka ganda napaka yummy at napaka gorgeous kong katawan. Tsaka sa ka laking taong yun imposibleng maliit ang tibo-tibo nun. Baka nga patola na yun eh. Kung makasabi kang wlang tuli eh ikaw may tuli ka ba? Gagang to."

Naumid naman agad ang dila ni Balosh. At namaypay.

"Chens tapik. Tara punta tayong mall bumili tayo ng bago mong mga damit. Kung ano man yang pinagdadaanan mo ngayong bruha ka dahil yan sa kalandian mo yan. Pinatos mo ba naman ang anak ni Hudas."

"Uy, anak siya ni Tita Victoria hindi ni Hudas. Tsaka maganda ang mommy niya kamukha nun si Anne Hathaway."

Pagtatanggol niya.

"Ikaw na talaga ang pinaka tangang nakilala ko. Di mo kasi alam ang mga galawan ng mga Hot and billionaire bachelors kaya ka nagkakaganiyan. Sobrang tanga."

Pangangaral sa kaniya ni Balosh habang nag-aantay ng Taxi. Nakasakay na sila sa loob puro pangaral pa rin ito.

"Alam mo ikaw Balosh kung makapangaral ka sakin akala mo naman di ka rin naloko noon. Ewan ko sayo." Nauna na siyang lumabas ng taxi at tumayo sa labas ng mall. Nang mapansin niya ang napaka pamilyar na taong nasa labas ng kotse at nakahawak sa pintoan nito. Si Farik iyon. Ilang segundo lang ay lumabas na ang taong inaasam-asam niyang makita. Malamig ang emosyon nito at walang ka ngiti-ngiti. Agad na pumagilid ang dalaga ng may lumabas ng entrance ng mall na puro naka suit. Naglakad na papunta sa gawi niya ang mga ito kasama si Marco. Magha-hi sana siya sa binata ng lumingon ito sa kaniya subalit para itong bulag na hindi man lang siya pinansin. Para itong walang nakita. Marami ang taong nakapansin sa pagtaas niya ng kamay niya kung kaya't pinagpatuloy niya ang pagtaas nito kahit na nasa harap na niya si Balosh. Para man lang mabawasan ang kahihiyan. Parang nilapirot ang puso niya sa sakit.

"Ibaba mo na yang kamay mo. Wala na ang demonyo muntanga ka. Wag mong pag-aksayahan ang kolokoy na yun Marija. You deserb more dan that human. Ang ganda mo kaya kahit di halata. Pasok na tayo kain tayo sa Master Siomai alam kong peyborit mo yun."

Pagpapasigla sa kaniya ng bakla. Bumuntong hinga siya at napailing.

"Balosh di ko talaga matandaang may ginawa akong masama sa gago na yun. Akala ko nga close na kami eh."

Naguguluhang aniya.

"Di lahat ng akala natin totoo, Minsan kasi itinatanim na natin sa utak natin kung ano ang akala nating mangyayari sa susunod. Kaya tayo nasasaktan eh, advance tayong mag-isip kaya ayun advance din ang pasakit."

Litanya ng bakla na ikinatigil niya.

"Baka naman na bored lang siya kaya niya ako pinansin noon. Tsaka cleanfreak siya pinaka ayaw niyang tao ang isang katulad kong hampas lupa."

Parang nabuhusan ng malamig na tubig ang dalaga.

"Naiintindihan ko na. Mahirap lang ako siguro nauntog na siya na di dapat siya nakikipag-usap sa isang tulad kong hampas-lupa. Wala pang ka class-class. "

Mapait na aniya. Ngumiwi ang bakla at hinampas ang ulo niya.

"Aray!" Reklamo niya't hinimas ang tinamaang ulo.

"Kahit mahirap lang tayo Marija wag mong maliitin ang sarili mo. Atleast ikaw marunong kang magpahalaga ng tao. Kung ayaw niya sayo di wag akala niya naman."

Tbc
Zerenette

UngentlemanWhere stories live. Discover now