Chapter 14

4.1K 115 16
                                    

(Hi @eve_lyn_alejo😊)

"Hoy Rodelita anong meron? Ba't ba kasi tayo nagmamadali?"

Kasalukuyan nilang binabagtas ang hallway papuntang gymnasium.

"Nandito lang naman ang may-ari ng University. Bilisan mo diyan para makaupo tayo sa harap."

Excited na aniya. Nagtataka man ay nagpatianod na lamang ang dalaga  sa kaibigan. Nasa 3rd row sila nakaupo. Ganda talaga ng gym na to eh napakalaki.

"Ms. Maldevar paging Ms. Maldevar please proceed to Ms. Dela Cerna's Office."

Rinig nilang ani ng SC President. Agad siyang tumayo at pumunta sa opisina ni Ms. Dela Cerna. Mahina niyang kinatok ang opisina nito't ilang sandali lang ay bumungad sakaniya ang malaking mata ni Ms.

"Bakit po Ms?"

"Ms. Maldevar paki dala ng mga snacks para sa mga bisita sa AV room. Since maganda ka naman atleast man lang mapakinabangan ng konti yang mukha mo."

Ang sarap ding pilipitin nito eh, di porket maganda basta-basta mo nalang utosan. Hmmp, kainis din eh.

Inis na bulong niya.
Kinuha niya na lamang ang tray ng pagkain at maliliit ang hakbang na naglakad papuntang AV room.

"Hey beautiful!"
Inirapan niya ang lalaking pilit sumasabay sa kaniya ngayon.

"Bwesit ako sa araw nato wag mo nang dagdagan pa pwede?"

Asik niya't di na hinintay na sumagot ang binata.

"Chill, highblood mo!"
Natatawang anito.

"Papunta ka bang AV room?"
Tanong nito at tatawa-tawa pa parang timang din eh.

"Paki mo?"

She hissed and continued walking. Parang timang lang eh pilit sumasabay.

"Alam mo iron.."

Napatigil naman ang binata sa paglalakad at bumunghalit na naman ng tawa.

"Eh gago ka pala eh. Naka drugs ka ata."
Ani ko nakangiti pa rin siya.

"It's Xenon sweetheart."
Nakangiti nitong ani. Pfft iron pa ang sinabi niya.

"Kahit na parehas na nasa periodic table of elements yun kaya pare-parehas lang yun."

Aniya. Sablay na nga pinangatwanan pa.

"Whatever. Bilisan mo na diyan at hinihintay ka na ng kapatid ko sa loob."
Malaking ngisi na aniya't naglakad na palayo.

"Drama nito?"

Tinulak niya gamit ang paa ang double door at nakangiting pumunta sa malaking round table sa loob.

"Good morning po mga Sir."
Nakangiti niyang bati.

"Marija, thank you!"
Nakangiting ani sa kaniya  ni Sir Mark ang gwapo nilang professor sa History kasama niya si Dean. Balita niya rin single ito eh. Ang cute talaga. Agad niyang kinuha ang tray na bitbit niya't at inilagay sa table habang di mapalis ang ngiti nito.

"Marija paki dala ng isang basong juice kay Mr. Sarin sa office ko."

Utos sa kaniya ni Dean.

"Ho?"
Nabibingi na yata siya.

"Ang sabi ko pakidalhan ng Juice si Mr. Sarin sa opisina ko. Dun ko muna siya pinag-stay kasi malinis dun. Dito kasi maalikabok ng kunti."

Ani ng Dean. Agad siyang kinabahan sa narinig. Napalunok siya ng mabagal para yatang bumara ang laway niya ah.

"Is there any problem?"
Tanong sa kaniya ni Sir Mark. Ngumiti lang siya't nagpaalam na.

"W-wala po s-sige po."
Lugmok siyang lumabas at napapalunok. Hanggang sa nasa harap na siya ng office ng Dean. Nagdadalawang isip pa siya kung kakatok ba o bubuksan na lang ng deritso. Napag-isip isip niyang bubuksan na lang. Napatingin siya sa loob at gulat na napa tikhim.

"H-heto nga po pala ang j-juice niyo Sir."

Napakagat labi pa siya. Kung bakit ba ksi nakatitig na naman ang gonggong sa kaniya. Ang gwapo kahit napaka seryoso ng mukha.

 Ang gwapo kahit napaka seryoso ng mukha

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.


"I don't need any drinks. I have my own here."

Walang pakialam na aniya't ipinakita ang B'lue nitong inumin. Ayaw nga pala nito sa mga marurumi. Siguro iniisip niya napaka rumi ng dala ng dalaga.

Mysophobic nga pala itong hinayupak na to.

"Ahem, s-sige. Ilalagay ko lang dito Sir."
Aniya. Nakatitig lang ang binata sa kaniya. parang na  conscious naman ang dalaga sa mukha niya. Pagkatapos niyang ilagay sa lamesa ay tumalikod na.

"Aalis na po ako Sir."
Paalam niya. Bubuksan na sana ang pinto ng may humawak sa braso niya. Agad siyang napalingon at gulat na napatingin sa binata. Ang lapit-lapit na nito sa kaniya. naaamoy niya ang pabango nitong nanunuot sa ilong. Ang sarap-sarap langhapin. Napapikit siya ng mas lalong lumapit pa ito't tinapat ang mukha nito sa mukha niya hanggang sa gahibla nalang ang layo.Unti-unti niyang binuksan ang mga mata ng maramdamang pinitik ang noo niya.  Lumaki ang mga  mata niya't magsasalita na sana ng...

"You look stupid."
Nakangising anito. Agad na namula ang mukha niya ng mapagtanto ang nangyari.

"Litse!"
Mahinang aniya't sinamaan ng tingin ang bwesit na Marco na nakangisi ng malaki.

"Mabilaukan ka sanang bwiset na hinayupak ka."

Pinukpok niya ang ulo nito't  mablis na tumakbo palabas. Wala na yatang ibang alam yun kundi ang bwesitin siya. Agh! Nakakainis.

Tbc
Zerenette
(Keep safe always everyone. Alagaan nating mabuti ang ating mga anak. Pray always😇)

UngentlemanOù les histoires vivent. Découvrez maintenant