Chapter 34

4K 128 7
                                    

"Baka naman pwede nang isingit ang magiging apo ko ngayon hija."

Nakangising ani ni Victoria na nakangiting nakatingin sa kaniya. Kasalukuyan silang kumakain ng dinner sa  dining area. Malakas na napa ubo ang dalaga na agad din namang dinaluhan ni Marco at binigyan ng tubig.

"H-ho?"
Gulat na aniya ng mahimas-himasan.

"Oh! You're so cute Marija. Alam mo naman na nag-iisa nalang ako. Kailangan ko ng munting ingay na papawi sa kalungkutan ko. At isang bata lang ang makakapag-alis ng loneliness ko. Kalabisan na ba ang humingi ng early trophy?"

Kunwaring malungkot na ani ni Victoria. Marco just shrugged his shoulders looking at her mom.

"She's using her tactic again to lure Marija kuya."

Iiling-iling na ani ni Xenon..

"Let her be."
Anito. Agad na napatanga ang kapatid.

"Whoah! I didn't saw that comming. Kailan pa?"

Hindi makapaniwalang tanong ng kapatid.

"What? Just shut the fuck up Xenon."
Nakangising ani ng binata at nagpatuloy na sa paghiwa ng steak niya.

"I'm hurt."
Kunwaring nasaktan na napahawak sa dibdib niya si Xenon.

"Alam mo kasi hija wala na akong aasahan diyan sa isa kong matinong anak. Araw-araw papalit-palit ng babae walang pumipirme. Ewan ko, sinabihan ko na ngang buntisin niya yung si Dadaria ayaw naman. Naubos na siguro ang savings niyan kakabili ng sasakyan at condom. I'm so stressed Marija. Akala ko kasi tatandang binata itong si Marco eh pero ngayong andito ka na please isa lang. Okay sakin kahit anim. Kayang-kaya kong alagaan ang anim o kahit ilan pa."

Puno ng pag-asang ani ng ina ni Marco. Napanganga ang dalaga at hindi alam ang sasabihin dito.

"Mom, pinapahiya niyo naman ako kay Marija."
Maktol ni Xenon na ikinatawa ni Marija.

"Eh talaga namang papalit-palit ka ng babae. Naku pag ikaw nagka STD Xenon ewan ko lang. Mag seryoso ka na nga sa buhay mo. Baka pag gising mo isang araw matanda ka na at walang kasama. Kaya please hija hmm? Just one."

Nakangising aniya at nginitian ng sobrang tamis ang dalaga.

"Seryoso po ba kayo?"
Tanong niya. Agad na kuminang ang mata ni Victoria.

"Super. 100% ano okay na ba? Should I start expecting?"

Agad na napalingon si Marija kay Marco na nakangiti lang habang busy sa paghihiwa ng steak niya. Siniko niya ito at nagpapatulong.

"She likes you."
Simpleng ani ng binata.

"Mom, don't scare her. We still have a lot of time to talk about that. In fact, it's Marija's decision we should not pressure her."
Malumanay na ani ng binata. Agad na napa eye roll ang Ginang.

"Hindi ko tinatanong ang opinyon mo Marco Theus. Hija wag mo sanang mamasamain ang sinabi ko. Pasensiya ka na. Nae-excite lang talaga ako eh."

Hinging paumanhin na ani Victoria. Agad na hinawakan ng dalaga ang kamay ni Victoria.

"Okay lang po, darating din po tayo diyan. Aariba lang tayo diyan tita. Tamang hintay lang."

Nakangising aniya. Agad na napatili ang Ginang at niyakap siya.

"Thank you hija."
Anito na ikinailing ng binata. Maging si Xenon ay hindi maiwasang mapanganga sa inaakto ng ina nila. Bumalik na naman ito sa pagiging weird.

"Salamat po sa pagkain tita. Uwi na po ako."

Pamamaalam ng dalaga.

"Balik ka dito ah."
Ani ng Ginang at niyakap siya bago siya pumasok sa kotse ng binata.

"Ang cool ng mom mo."
Aniya.

"Yea, she's the best. I'm happy that she's back on being that happy again. When dad died, she was devastated. I don't even know how to comfort her. Now that you came in our life, she's back being on her old self again."

Nakangiting ani ng binata at kinuha ang kamay ng dalaga at hinagkan ito. Agad na napakagat labi ang dalaga sa ginawa ni Marco. Hindi niya akalaing may tinatago pala itong ka sweetan sa katawan.

"Salamat Sarin."
Marco grunted on her.

"Back on being called Sarin again?"
Salubong ang kilay na aniya. Napangiti siya at ng may naalala.

"Marco anong oras na?"
Tanong niya.

"8:15"

"Naku! Pakibilisan sa may Blue Club tayo."
Agad na naningkit ang mata ng binata sa sinabi niya at hininto ang kotse.

"Anong--ba't mo hininto ang kotse?"

"What are you going to do on that fucking bar?"

Kunot ang noo nitong tanong. Oo nga pala hindi niya pa ito nasabihan.

"Diba? Sabi ko sayo marami akong raket? Ang totoo niyan yung sinasabi mong nagta trabaho ako sa Club totoo yun."

"What?"
Agad siyang napapiksi sa lakas ng singhal ng binata. Hindi na rin maaliwalas ang mukha nito.

"Teka nga lang muna, yan kasi react agad eh. Kumakanta ako dun. Twice a week."

Aniya agad na napapikit ang binata at kumalma. Akala niya ano na.

"Talaga bang naniniwala ka sa Private investigator mo na call girl ako?"

Parang may kumudlit na kirot sa puso niya ng masilayan ang mukha ng binata na seryoso at walang sinasabi. She heaved a sigh and Marco started the engine. Ilang sandali lang ay dumating na sila. Walang salita na lumabas ang dalaga at dumeritso papasok. Ang sakit pala sa damdamin na pinaghihinalaan ka. Ang buong akala niya'y tanggap siya ng binata.

"Marija kanina ka pa hinihintay ni Ice."
Ani ng manager nila.

"Sige po."

Aniya at mabilis na lumapit sa kasama niyang si Ice.

Tbc
Zerenette

UngentlemanWhere stories live. Discover now