Chapter 13

4K 110 11
                                    

"Get in."
Mahinang boses na ani ng lalaking kanina niya pa gustong patayin.

"Ayoko nga."
Akala niya naman. Kahit takot siya sa daan kayo niya naman ng umuwi mag-isa ah.

"Look, don't force me to do things against your will."

Asik niya at halatang naiirita na rin.

"FYI Mr Sarin hindi kita pinipilit na ihatid ako. Kaya kong umuwi mag-isa. Pumunta ako dito ng mag-isa uuwi ako ng mag-isa gets mo?"

Pagtataray niya't iniwan na siyang inis na inis. Napabuntong-hininga naman siya ng maramdamang wala ng sumusunod sa kaniya.

"Aw! Aw!"

Nanlaki ang mga  mata niya sa kaharap. Ang laki ng aso K9 ata. Shit! Ito na  yatang katapusan niya. Kung sana lang ay di na siya nagreklamo kanina aarte pa kasi eh.

"Here doggie doggie calm down ok--ay!"

"Aw! Aw! Aw!"

Sa pagkataranta niya'y napatakbo na siya.. Ni hindi niya namalayang umiiyak na pala siya sa takot. Patuloy pa rin ito sa paghabol sa kaniya at pagtahol.

" Shit! May dumagdag pang isa. Ayoko na talaga."

Umiiyak na aniya habang habol ang hininga sa pagtakbo.  Para siyang papanawan ng ulirat sa pagod bakit ba kasi ang layo pa ng gate ng subdivision na to.

"Get in! Hurry!"

Nagmamadaling pumasok siya sa kotse na itim ni hindi niya namalayamg huminto na ito sa harap niya. Agad na isinara ang pinto ng kotse. Napahagulhol na pala siya ng malakas.

"Walangyang buhay to bwesit! Akala ko..akala ko mamamatay na ako. Lintek na mga asong yun!"

Iyak niya. Tumikhim lamang ang katabi niya at doon pa niya napagtantong sa amoy palang kilalang-kilala na niya ito.

"Are you okay?"
Tanong nito sa kaniya. Tiningnan niya lamang ito at  tinuro ang sarili niya.

"Obvious ba?"
Irap niya dito.

"It's not my fault that you played hard to get earlier."

Asik niya. Hinampas niya naman ito sa kamay at suminghot.

"Nanenermon ka pa. Hindi ako pa hard to get noh. Nakakainis ka kasi eh. Yang bibig mo walang magandang lumalabas puro kabulastugan mga  pang-iinsulto at panlalait. Sino bang may gustong makasama ka kung ganiyan ang ugali mo."

Mahabang litanya niya. Nakatingin lamang ang binata sa kaniya at sumandal sa headrest.

"Kaya siguro kahit may edad ka na wala ka pa ring girlfriend walang babaeng nagkakagusto sayo kasi ang sama ng ugali mo."

Himutok ng dalaga. Ini-start naman niya agad ang kotse at tahimik nilang tinahak ang daan pauwi.

"You're wrong. I have lots of girls being linked into, but I just don't see myself spending my whole life with them. They need my money and not me."

Mahinang bulong niya.

Sa gwapong to walang nagkamaling mainlove sa kaniya?

Anang isip niya.
Well, si Marco kasi napaka gwapo halatang-halata ang maturity sa mukha niya. Napaka ganda ng asul niyang mga mata at ang tangos-tangos pa ng ilong. Ang ganda ng panga tsaka ang kinis ng mukha napaka puti. Para siyang hari ng mga bampira sa kagwapohan. Parang nang-aakit din ang mga mata niya.

"Staring is rude woman." Aniya. Agad na  napalingon sa gilid ang dalaga at kinurot ang sarili.

"Nakakahiya ka Marija nakatunganga ka pa talaga  sa hinayupak na yan."

"We're here."
Tipid niyang ani. Hindi alam ng dalaga kong anong gagawin. Magt-thank you ba siya bago lumabas o lumabas muna bago mag thank you. Alin man sa dalawa ay wala siyang nagawa nakatunganga lang talaga siya. Walanghiya!

"I know that i'm handsome, you don't need to feel anxious and worried. See? I brought you home safely."

Aniya na nakangiti.wait nakangiti. Sheettt! Ngumiti nga ito.  Di makapaniwalang kinagat niya ang labi niya't at unti-unting pinihit ang pinto. Pagka labas na pagka labas ay agad siyang nagpasalamat. Hiyang-hiya  eh. Pahamak na mga  aso kasi.

"S-salamat nga  pala sa paghatid. Tatanawin ko itong malaking utang na loob."

Buong puso niyang sambit. Siyempre marunong naman siyang magpasalamat kahit papano. Akmang tatalikod na siya ng tawagin siya ng binata. Agad na sumikdo ang puso niya.

"Marija!"

Ang ganda talaga ng boses.

"B-bakit?"

Ngumiti muna siya bago nagsalita. Shit! Ang gwapo talaga. Sobrang gwapo makalaglag panty.

"May muta ka pa sa mata at ang uhog mo nakakalat pa sa ilong mo. You're sweaty too kinda gross."

Nakangising aniya at kinuha ang hand sanitizer niya't nag sanitize ng kamay at ini sprayhan pa talaga  ang inupoan ng dalaga kanina bago pinaharurot ang kotse niya.

"ANIMAL KA TALAGANG BWESIT KA!"

Buong lakas niyang sigaw. Bwesit! ang buong akala niya'y bumait na ang  hinayupak  na yun litse. Inuto niya pa sarili niya.

Tbc
Zerenette
(Brandy ang Balosh everyone😁)

TbcZerenette(Brandy ang Balosh everyone😁)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
UngentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon