Chapter 3

6.2K 141 7
                                    

"Gaga nasan ka na ba? Kanina pa kami naghihintay dito sa opisina. Bubuga na ang dragon dito sa galit. Ilang sandali nalang ay andito na si Mr. Sarin."

Galit na bungad sa kaniya ni Balosh. Kasalukuyan siyang tumatawag sa dalaga. Nalingat lang ito sandali ang mga  bruha nauna na pala sa kaniya. Nginitian ng dalaga ang babae sa reception area na hindi man lang nag-abalang tingnan siya. Wala naman siyang paki. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang akmang sasarado na ang lift. Mabilis na tumakbo siya papunta at napasigaw. Huli na ng mapagtatnto niyang nakaka eskandalo na pala siya.

"Tabiiiiii!"

Agad namang nagsi tabihan ang mga empleyado at nanlalaki ang mga matang nakatingin sakaniya. She closed her eyes and smiled so wide.

"Whooo! Success!"  Masigla niyang ani at akmang papasok sa gitna. She looked at the three persons inside. Mukhang hindi makapaniwala ang dalawang naka black suit habang nakatingin sa kaniya. Tinaasan niya ito ng kilay. Ngayon lang ata nakakita ng Diyosa. Ang nasa gitna naman ay salubong ang kilay na nakatingin sa kaniya habang nakapamulsa. Umirap siya't akmang tatalikod ng maramdamang naipit ang damit niya at napunit. Huli na nang mapagtanto niyang wala na siyang suot na damit. Nilamon na ng pesteng elevator. Nanlaki ang mga mata niyang napatingin sa tatlong lalaki na kasabay nito.

"HUWAG KAYONG TUMINGIN! MGA BASTOS TUMALIKOD KAYO!"

Nagpa panic na sambit niya't agad namang napatalikod ang dalawang naka suit ngunit ang nasa gitna ay nanatiling nakatingin sa kaniya. Halata ang pagka disgusto sa nakikita.

"Hoy! Ikaw ba't di ka tumalikod? Tumalikod ka walang hiya ano pang hinihintay mo pasko? Malayo pang pasko uy! February pa ngayon. Kita na ngang hubo't hubad na ako ni wala man lang respito naku---

Akmang magsasalita yung lalaki sa gilid na may kulot na buhok ng pinanlisikan niya ito ng mata.

"Hep! Wag ka nang sumabat kulot ka! Sabi nang tumalikod eh nakakainis. Isang titig pa at maba black eye ka sakin."

Agad niyang pinakita ang kamao't tiningnan ng masama ang nasa  gitna. Para itong walang nakita. Ang bastos talaga napaka bastos. Mabilis niyang kinuha ang isang dress sa bag niya't nagbihis.

"Oh ba't titig na titig ka sakin? Kayo talagang mga lalaki nakakita lang ng babaeng hubad tumitigas na yang mga putotoy niyo. Ni hindi na kayo nahiya sa lipunan. Kawawa ang mga bata sa lansangan dahil sa inyo eh. Magaling lang kayong magpatigas ng putotoy niyo pero di kayo marunong manindigan. Nakakahiya kayo! Oh anong tinitingin-tingin mo diyan? Siguro hinahalay mo na ako sa isipan mo noh? Ang kapal talaga."

Naiinis niyang ani at sinundot sundot ang dibdib nito na ang tigas pala. Anyway nakakawala talaga ng gana  ang mga lalaking magaling lang sa kama. Mga animal!

"Out." Malaki at malamig na boses ang pumailanlang sa loob ng lift.

"A-ano?"
Napapantiskuhang sambit ng dalaga. Ang galing! Parang walang nakita ah.

"Don't make me repeat, stupid."

Galit na aniya. Napakislot naman siya kaya agad na lumabas nasa 15th floor na pala sila. Sakto nandito sina Balosh at Brandy. Naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya kaya agad siyang napatanga. Ngayon niya lang napansin. Napaka gwapo pala ng lalaki. Ni hindi niya napansin ito kanina ah. Hmm, medyo pamilyar ang postura. Ni hindi niya namalayang napapatitig na pala siya dito. Men! Ang gwapo ang tangos ng ilong mahahaba at malalantik ang pilik mata ang mga labi nitong parang kay sarap lamukusin ng halik ang buhok nitong medyo kulot pero bagay na bagay sa napaka masculine niyang jawline at ang mga matang tila nangungusap. Ang katawan pa nitong siguradong pag-aagawan ng mga kababaihan.

"Tsk, close your mouth stupid witch."

Tiningnan niya ang dalaga mula ulo hanggang paa at inismiran. Tila nandiri pa ito ng pahiran niys ang gilid ng bibig niya. Tumulo pala laway niya.

sheet! Nakakahiya ka Marija.

"You're not worth looking at. You're not even beautiful so don't act like you've been harassed."

At tumalikod na para namang mga baka ang dalawang lalaking nakasunod sa kaniya.

"Give me my alcohol. Tell my private cleaner to clean my private lift thoroughly. Make sure that it's germs and bacteria free. Use the gadget every minute to detect if my lift has dirts understand?"

Ma otoridad na ani nung gwapo agad namang nagsi oo han ang dalawa si kalbo at kulot. Ang tagal bago na digest ng utak niya ang sinabi ng binata. Nang mapagtanto niyang ininsulto siya ng kumag talagang naramdaman niyang tumaas ang kaniyang BP. Shit! Sino ba siya sa akala niya? Di porket napaka gwapo niya ay basta-basta niya nalang itong insultohin at talikuran bakit di man lang siya nakatikim ng halik este siya ng sampal. Di pwede to niyurakan niya ang kaniyang pagka babae. Nagmamadali itong sinundan siya't malakas na binuksan ang opisina na pinasukan niya. Magsasalita na sana ang dalaga ng agarang may humila sa kaniya sa gilid.

"Ano ba---"

"Magsalita ka pa't ngunguyain kita ng buhay letse ka! Kanina pa kami naghihintay sayo nandito na si Mr. Sarin"

Galit na dada ni Balosh. Maging si Brandy ay ang sama-sama ng tingin sa kaniya. Agad siyang nag peace sign at ngumiti ng napakalaki. Inirapan lang siya ng bruha at inismiran. Ang sarap talagang supalpalin. Nanahimik na lamang siya't inayos ang damit. Agad silang napatayo ng tawagin sila papasok sa pinaka main na opisina ng may-ari. Agad na napalingon siya sa gilid ng makita ang lalaking inaway-away niya kanina. Binasa niya ang nakasulat sa glass na  nakapatong sa ibabaw ng mamahalin nitong mesa. Marcos Theus H. Sarin CEO/Chairman. Literal na napanganga siya't yumuko ng yumuko. Nakakahiya ano ba kasing klaseng araw ito?

"I need to have the result as soon as possible Mr. Brandy Futa."

Baritonong boses ang pumailanlang sa tahimik na opisina. Para siyang kiniliti sa tawag niyang Mr kay Brandy. Naka tube summer dress na nga ito Mr. Pa rin ang naisipang itawag. Napailing-iling siya't napa igik  ng kurutin siya ni Balosh.

"Bakit?"

"Huwag kang yumuko tinititigan ka ni Mr. Sarin pusa ka."

Pigil na pigil ang boses ni Balosh na sabi sa kaniya. Ayaw niya sanang tumingala pero kinukurot siya nito. Ang sakit lang eh parang alimango ang kamay. Agad na nagsalubong ang kilay ni Mr. Sarin ng makita siya.

"Oh the stupid one. What is she doing here?" 

Kunot ang noong tanong niya.

"H-hi M-mr Sarin." Nahihiyang bati niya rito. Kung pwede lang lamunin siya ng lupa matagal na siyang nagpalamon. Litse! Nakakahiya kung anu-ano pa naman ang nasabi niya dito sa kaniya  kanina.

Tbc
Zerenette

UngentlemanWhere stories live. Discover now