Chapter 36

4.2K 117 8
                                    

"Hello?"
Mahinang ani ng dalaga sa cellphone niya.

"Hija! I just want to invite you this comming Saturday. Pupunta kami sa isang resort. Bagong bili ni Marco kakatapos lang din iyon na renovate. Dalhin mo ang nanay Apple mo ha. Ipapasundo nalang kita diyan sa personal driver ko okay? Please don't say no."

Alam niyang naka pout na naman ito ngayon. Ano pa nga bang magagawa niya pagdating sa ina ni Marco laging tagilid siya oo agad. Hindi maka hindi eh.

"Sino yun nak? Si pogi ba?"
Nakangiting tanong ng ina niya.
She heaved a sigh.

"Si Tita Victoria ma, mommy ni Pogi."
Mahinang aniya..

"Bakit parang di ka masaya diyan? Naku! Inaapi ka ba? Pag yan nakita ko lalapain ko talaga yan. Naku! Ikaw Marija uulit-ulitin ko sayo ha. Kahit wala akong masyadong pera noon kumakayod ako ng kumakayod para may pambili ng Off lotion mo wag ka lang makagat ng lamok at ibang insekto."

Exaggerated na ani ng ina niya. Hinawakan niya ito sa balikat.

"Nay, easy ka lang diyan. Napakabait po ni tita kung alam niyo lang."

Nakangiting aniya.

"Talaga lang ha."

"Opo nay, siguradong magkakasundo kayo."

♧♧♧♧♧♧

Malakas na may bumusina sa labas ng bahay nila. Excited na lumabas ang ina niyang naka yellow sundress at may shades pa at rattan na kalo.

"Hindi ka naman masyadong excited diyan nay noh?"

Tukso niya sa ina. Agad na tinampal ng mahina ang kamay niya at nag eye roll at naglakad na taas-noo habang naki-usisa ang mga chismosa nilang kapit bahay.
Napaka big deal sa kanila pag may four wheels tapos hirap kayo sa buhay. Iisa lang diyan may pinikot ka, MMMM, afam o may kabit ka. Diyan umiikot ang isyu dito sa baranggay nila. Nag biyahe sila at ilang saglit lang ay nakarating naman agad sila. Hindi pumasok ang kotse dahil nakahanda na sa labas ang Ginang at pumasok na sa loob katabi ng driver.

"Hi Marija namiss kita hija. Oh my God! Akannnggggg!"

Malakas na sigaw ni Victoria ng makita ang inang niya. Maging ang inang niya ay nauntog pa ng biglang napatayo at niyakap si Victoria.

"AMERIIITTTHHH!"
at nagyakapan nga sila. Nabingi yata ako. Hindi nakapag ready ang eardrums ko dun.

"Hoy Amerith! bakit ngayon ka lang nagpakita kung hindi pa nagka jowa tong anak ko di pa kita nakita. Ang daya mo nakapag asawa ka lang ng afam kinalimutan mo na ako."

Nakasimangot na ani ng inang niya. Agad naman soyang nahiya sa inakto nito kay Victoria. Agad na kinuha ni Victoria ang kamay ng inang niya at hinaplos.

"Sorry Akang, eh kayo ni Fernando kumusta naman? Anak mo pala itong si Marija kaya pala, manang-mana sayo ang ugali. Gustong-gusto ko."

Nakangising ani ni Victoria. At may makahulugang tingin ang dalawa at nagsingisihan.

"Akalain mo nga naman Amerith nagkatotoo ang pinag-iisip nating kabaliwan noon."
Tagumpay na ngisi ang pumailanlang sa dalawa.

"Ano kumusta naman kayo ni Fernando?"
Tanong ni Victoria.

"Ayun bumalik ng Roma at ganap ng Pari."

"Ha?"
Nanlaki ang mata ng Ginang na nakatingin sa ina at kita ang simpatya sa mga mata nito.

"Okay lang Amerith, may baon naman kaming ala-ala na hindi ko makakalimutan.  Ang mainit naming pagtatagpo ay nakaukit pa sa aking puso."

Agad na umasim ang mukha ni Marija sa sagot ng inay niya. Nagpatuloy pang mag tsikahan sa naunsyaming lovelife ng inang niya. Napatingin ang dalaga sa labas. Napaka ganda  ng tanawin malayo na sila sa siyudad.

"Nga pala hija, nasa Resort na si Marco ngayon kasi ang blessing at openning nun. Kailangan siya dun kasama ang board."

"Alam niya po bang pupunta tayo dun?"
Tanong niya. Agad na natahimik ito at napangisi.

"Hindi diba exciting yun?"
Nakangising ani nito. Ngayon niya lang napansin na kapareha ito ng outfit ng inang niya. Ilang sandali lang ay huminto sila sa isang napakalaking bahay. Mansion ata to eh.

"Wow!"
Aniya. Napaka ganda ng bahay. Glass walls ito sa harapan. At kulay white at black at brown. Napaka ganda sa di kalayuan ay may beach at maraming tao. May mga afam pa.

"Ang daming afam!" Ani ng ina niya. Paniguradong maaga itong gagayak at mamimingwit ng may pang ulam. Hindi niya alam kung anong meron sa afam at inlove na inlove ang inang niya sa mga ganito. Paniguradong kung nandito si Balosh sobrang saya nun. Busy na kasi masyado sa business niya eh.

"Kain muna tayo nakahanda na sa loob si Martha at ng makapag swimming na tayo sa beach."

Excited na ani ni Victoria. Yun nga ang ginawa nila. Nakatunghay ang dalaga habang nakatingin sa isusuot niya. Naka black at red swimsuit ang dalawa habang siya ito tumitingin sa ibinigay na pangligo ni Victoria. Ang balak niya sana ay mag shorts lang siya at sando.

"Ano ka ba naman Marija. Ipangalandakan mo nga yang beautiful body mo. May nakita ka bang nakapang shorts ditong babae? Kahit nga mga bata naka swimsuit eh."

Reklamo ng nanay Apple niya.

"Sige na ho mauna na ho kayo. Susunod na ako. Promise magbibihis lang ako."
Aniya.

"Susunod ka ha."
Paninigurado ni Victoria..

"Opo tita."
Aniya at lumabas na ang mga ito. Nakahinga naman siya ng maluwag at lukot ang mukhang napatingin sa mga two piece. May kulay golden yellow na two piece yun ang naisip niyang suotin. Agad niya itong sinuot at tinabunan ng see through na damit. Lumabas na siya ng bahay at sinundan ang dalawang Ginang na may dalang Juice napangiti na lamang siya.

Tbc
Zerenette

UngentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon