Chapter 18

4K 110 2
                                    

"Kala mo kung sinong gwapo nakakainis. Sino ba yung kolokoy na yun ha?"

Inis pa ring ani ng dalaga at lukot ang mukhang napa upo sa couch.

"Alejandro Ventiz a Hotelier."
Kiming ani ng binata at nakatingin ng mariin sa dalagang di ma drawing ang mukha sa inis.

"Alam mo kasalan mo rin eh kung di ka sana pumagitna kanina na suntok ko na yung pelingero na yun. Akala mo naman napaka gwapo niya. Apaka yabang ng bwesit mayaman ba yun kesa sayo?"

Di matapos- tapos na ani ng dalaga. Napailing na lamang ang binata.

"He owns the famous Vitash Hotel. You must thank me, i've saved you. He might file a case against you, direct assault, what do you think?"

Agad na napamulagat ang dalaga at parang hindi makapaniwalang napatingin sa binata.

"Talaga? Yung na feature sa Worlds Grandest Hotel?"

Nagniningning ang mga mata ng dalaga at umasim ang mukha ng maalalang nabato niya ng tsinelas ang matanda kani kanina lang. Agad naman na namutla ang mukha niya.

"Naku naman eh! Ba't di mo agad sinabi? Patay baka ipakulong ako nun. Ikaw naman kasi eh, edi sana nakapag sorry man lang ako."

Anas niya na ikinanuot noo ng binata. Nagtaka naman siya dahil nagbago ang timpla ng mood nito.

"Bakit? Nagsisisi ka rin noh? Naman kasi ba---"

"Don't say sorry if you're not at fault. You don't deserve every insult that comes from him. You don't know him."

Seryosong ani ng binata. Natahimik siya't nakagat ang hinliliit.

"Pano mo nasabi?"
Wala sa sariling aniya na ikinatingin ng binata sa kaniya.

"Trust me I know."
Tipid na ani nito.

"Anyway, it's past 5 already. Have dinner with me. Farik tell the valet I need my car, in 3 minutes."

Ma otoridad na ani ng binata. Hindi paman naka oo ang dalaga ay nauna na itong lumabas ng opisina. Ngali-ngaling sumunod siya rito at hinayaan na ang mga mapang-usisang tingin sa kanila.

"Do your jobs, I didn't hire you to gossip my personal life."

Dumagundong ang boses ng binata kaya nagsiyukoan ang mga empleyado at bumalik na sa kani-kanilang cubicle. Nakapamulsang nakatayo ang binata sa loob ng elevator. Maingat na pumasok ang dalaga at tiningnan ang repleksiyon. Gayon na lamang ang pagka gulat niya ng matamang nakatingin ang binata sa kaniya. Maging siya ay parang na hipnotismo sa uri ng titig nito. Parang hinihigop ang buong pagkatao niya. Hindi pa sana mapuputol ang moment nila ng tumunog na ang elevator hudyat na nasa ground floor na sila. Marco faked a cough and walked out. Mabilis na pumasok ang binata sa kotse nitong nakaparada na at ni hindi man lang siya pinagbuksan. Inis na pumasok siya't padaskol na umupo.

"Ano pa bang aasahan mo sa lalaking pinanganak na perpekto pero walang manners?"

Mahinang ani ng dalaga.

"What are you murmuring at?"
Kunot noong tanong ng binata.

"Wala ho Sir ang sinasabi ko lang ho napaka ungentle este gentleman niyo ho. Gets niyo ho?"

Sarkastikang aniya at inirapan ang binata. Ilang sandali lang na pagda drive ni Marco ay nagpark sila sa isang napaka gara at napaka gandang 1 storey building. Gawa ang building sa mahogany materials. At ang pintora pa nitong bagay na bagay sa ambience na parang mini forest. Napaka classic at elegante.

"Museum ba to?"
Tangang ani ng dalaga. Napangiti na lamang ang binata at hinila na siya papasok.

"Welcome Mr. Sarin and madamé your reserved room had been cleaned and sanitized. Chef Ivan Ivanov was already inside. Enjoy your dinner."

Nakangiting ani ng receptionist. Napaka ganda nito at napaka maaliwalas ng ngiti. Maging ang pagbigkas ng english ay napaka galing. Hindi maiwasang mamangha ng dalaga na nakatingin sa interior design ng Restaurant. Sa tingin niya'y parang pati tubig dito may presyo eh. May nakangiting naka black pencil cut skirt na babae at iginiya sila papasok sa isang closed room. Napanganga naman agad ang dalaga at napaupo sa napaka gandang upoan. Mayroong sariling kitchen sa loob at may nakangiting gwapong lalaki na nakatayo sa gitna at yumuko.

"Kilala mo yan Marco?"
Tanong ng dalaga.
Kumunot ang noo ng binata at umupo ng maayos.

"He's my personal chef."
Ani nito na parang wala lang. Nalaglag na naman ang panga ng dalaga sa saad ng binata. Gaano ba kasi kayaman ang hinayupak na to.

"Wow!"
Manghang aniya.

"Napaka gara mo talaga Marco eh, may personal chef ka pa talaga. Siguro ang mahal mahal ng pagkain dito. Teka kaya mo bang bayaran? Baka mamaya niyang makakahugas ako ng plato ah."

Naniniguradong tanong ng dalaga. Napangiti naman agad ng malapad ang binata. Parang hindi makapaniwala sa sinasabi ng dalaga.

"If i'll tell you the prices you might faint. I'm hungry maybe later i'll show you."
Ani ng binata at sumimsim sa goblet nitong may red wine. Napaka swabe ng galaw nito.

"Talaga? Wag na nga lang baka uurong ang tiyan ko pag nalaman ko pa."
Aniya. Ilang sandali lang ay nagluto na sa harap nila ang chef ng binata. Parang sinisilihan si Marija habang nakatingin sa performance ng chef na napakagaling magluto. Napaka bango ng mga pagkaing niluluto nito sigurado siyang napakasarap nun. Ngayon niya lang napansin sobrang kompleto ng PPE nito. Muntik na niyang makalimutang cleanfreak nga pala talaga itong hinayupak na to.

"Anong pangalan ng Restaurant na to Hitler? Grabe ang sarap ng mga inihanda oh."
Tanong ng dalaga sa kalagitnaan ng pagkain nila.

"Veronica."
Tipid na aniya at naghiwa ng beef steak niya.

"Hmm, ang ganda naman ng pangalan. Babae siguro ang may-ari?"

"This is actually mine."
Nakangiting ani ng binata na ikinatanga niya.

Tbc
Zerenette

UngentlemanWhere stories live. Discover now