Chapter 39

5.1K 134 19
                                    

"Bilisan mo naman diyan Mari, napaka kupad mo naman."

Nagpapadyak na ani ng kaibigang si Rodelita.

"Oo na teka lang."
Inis na aniya at lumabas na ng banyo.

"Anong nangyari sa mata mong bruha ka. Bakit ang laki ng eyebags mo?"

Nagmamadaling kinuha ni Balosh ang hair dryer at sinimulang e hair dry ang buhok niya.

"Si Tita Victoria kasi tsaka si Inay kagabi di ko alam na may party. Sayang bakla hindi ka dumalo busy-busyhan kasi ang peg mo yan tuloy. Ang galing sumayaw nung strip dancer kagabi. Ang lalaki ng muscle ang laki pa ng alaga."

Nagniningning na ani ng dalaga. Inis na tinampal nito ang kamay niya.

"Bakit maliit ba ang alaga ng mapapangasawa mo?"
Pinandilatan ni Rodelita ang repleksiyon ng dalaga sa salamin at tinaasan ng kilay.

"Ay namula pa ang gaga! Akala mo naman."
Iwinaksi nito ang buhok nito at tiningnan ang sarili sa salamin at nag pout lips.

"Nakakasira ng araw Diyos ko naman Rodelita isara mo yang bibig mo mukha kang paralyze na may almuranas. Di makatae."

Asar sa kaniya ni Balosh.

"Atleast, pantay ang ngipin ko at maputi. Di tulad sa iba diyan."
Inis na sagot niya at nag roll eyes.

"Maryusep Marija paano mo naaatim na makasama ang chaka doll na to. Buti hindi ka nahawaan ng kapangitan ng ugali. Ganito lang ang mukha ko day! But don't me. May lalaki ako ikaw? Tatanda ka nalang na dilat pa rin yang mata mong pinaglihi sa tarsier."

Inis na anito at binelatan si Rodelita. Simula ng ipakilala niya ang dalawa sa isa't-isa puro bangayan nalang. Napailing na lamang ang dalaga at napangiti. Ilang oras pa ang nagdaan bago matapos ang pag-aayos sa kaniya. Sa isang kilalang international fashion designer nabili ang wedding dress niya. Isa lang ang deaign nito kaya't hindi biro ang presyo. Tinulungan siya ni Rodelita na magbihis. Nang matapos ay napatingin siya sa repleksiyon sa salamin.

"Wow!"
Bulalas ni Balosh at Rodelita.

"Oh! Nganga kayo sa kagandahan ko."
Nakangising aniya sa dalawa  na nagsi talikuran at iniwan na siya. Mauuna na siguro ito.

"Anak tayo n-- wow napaka ganda mo."
Maluha-luhang ani ng ina niya. Mabilis na nilapitan niya ito at niyakap. Naiiyak na rin siya.

"Akalain mo anak na gayuma mo si pogi."
Natatawang aniya.

"Nay naman eh, ang taas kaya ng bilib niyo sakin. Tsaka maswerte sakin ang kulugong iyon. Mabait ako, maganda, seksi masarap magluto at siyempre ako na mismo masarap."

Nakangiting aniya. Trying to ease the sadness she felt.

"Huwag ka ng malungkot anak. Araw mo to. Tsaka ex ko pa ang magkakasal sa inyo ni pogi kailangan ready ako."

Ani ng ina niya't inayos ang sarili. Agad siyang napangiti. Matapos mag ayos ay lumabas na sila ng bahay nila at sumakay sa nakaparadang Limousine sa labas ng bahay nila. Nandun ang mga kapit bahay nila nagkukumpolan. Parang binabayo ang puso ng dalaga sa sobrang kaba.

"Kalma ka lang nak ang lamig lamig na ng kamay mo."
Pag-aalo ng inay niya.

"Okay nay."
Aniya at inalalayan siya ng ina na lumabas ng limousine. She sighed heavily and redied herself. Nasa kamay ng inay niya ang boquet at agad na kinuha ang wireless mic na binigay sa kaniya ng wedding organizer.  Bumukas na ang pinto lahat nakatingin sa kanila. Kakaunti lang ang bisita nila. Mga importanteng tao lang sa pamilya. From flower girls to bridesmaids ay sa mga relatives at kaibigan niya siyempre si Rodelita ang Maid of honor. Ang grooms men naman ay sa relatives nina Marco at si Xenon naman ang best man niya. Nakita niya ang mga taong matataas ang ranggo sa alta sociedad. Mga kilalang Bilyonaryo.
Si Vycyx kasama ang fiancee nitong si Rose. Ang Haciendirong kambal na Kleinder at Kendrick. At ang maalamat na Reuchi Abbas kasama ang asawa nitong mukhang birhen. Nginitian siya ng mga ito na ikinangiti rin niya. She looked at the side of the altar. Nandun si Dadaria Singson. The beautiful and famous Disc Jockey.  Na meet na niya ito minsan sa mga gig niya. Hindi niya akalaing ito pala ang tinutukoy ni Victoria kay Xenon..Agad na tinanguan niya ito at nagsimula nang tumugtog. She readied herself and started singing.

UngentlemanWhere stories live. Discover now