Chapter 21

3.7K 113 5
                                    

"Oo nga bahala siya akala niya naman."
Pag sang ayon niya. Agad silang sumakay ng eacalator papunta sa ikalawang palapag para tumingin tingin ng mga damit.

"Uy, Marija eto oh bagay sayo."
Ani ng bakla at kinuha ang kulay maroon na halter dress na hanggang tuhod niya ang haba at sa tantiya niya'y hapit ito sa katawan niya.

"Oo nga magkano yan Balosh baka mahal ha alam mo naman hanggang 300 lang ang budget ko sa mga damit. Kung di naka sale wag na."

Mahinang ani ng dalaga.

"1,320 ghorl kunin mo na naka sale na rin yan. Bagay na bagay to sayo eh. Sige na, ngayon lang naman. Tsaka malaki-laki rin naman ang TF mo. Huwag mo munang tipirin masyado ang sarili mo."

Ani Balosh at kinuha ang hanger nito't inihagis sa kaniya. Tiningnan niya ito ng maigi. Maganda nga.
"Ang mahal naman. May mga damit pa palang ganito kamahal? Pang isang linggong gastusin na namin ito ni nanay ah. Makakabili na rin ako ng bigas sa damit na to."

Napailing-iling na lamang ang bakla habang nakatingin sa kaniya.

"Sige na nga, ngayon lang to ah ganda eh."
Nakangiting aniya.

"That would look great on you."
Agad na napalingon ang dalawa ng may magsalita sa likuran nila. Agad na napangiti ang dalaga ng makilala ang binata.

"Yco!"
Masayang aniya't di na napigilan ang sariling yakapin ito.

"Sorry namiss lang kita."
Hinging paumanhin niya sa naging akto niya rito. Agad namang napatawa ang binata.

"It's fine. In fact, I like it."
Mapaglarong ani ng binata at kinindatan siya na ikinangisi naman niya.

"AnywayHow are you Mari it's been what? 4? 5? Months how's life?"

Tanong ng binata.

"Oo nga eh. Okay naman tsaka nag-aaral ako ngayon. Himala ata at napadpad ka rito sa mall kasama mo girlfriend mo mag shopping noh?"

Tudyo niya rito. Umiling lamang ang binata at ngumiti.

"No, actually i'm here with my cousins. Nagkarooon lang ng company inspection. You know business matters."

Ani ng binata na ikinatango niya. Tumunog ang phone niya kaya tiningnan niya ito. Nag text pala ang bakla sinabing tawagan lang siya pag tapos na siyang kumiringking kay fafa Yco niya. Natawa na lamang ang dalaga.

"Oh here they are. Halika Marija i'll introduce you to them."

"H-ha?"
Kinakabahang napahawak ng mahigpit si Marija sa kamay ni Yco ng papalapit na papalapit na sila sa tatlong naka suit na lalaki na kasalukuyang nakatayo at nag-uusap sa furnitures section ng Mall. Sa tindig pa lang nung isa kilalang-kilala na niya ito.

"Don't worry Marco won't hurt you anymore i'm here."

Nakangiting pag-aassure sa kaniya ni Yco. Hindi naman iyon ang ikinababahala niya eh.

"Hey guys!"
Tawag ng binata sa mga kasama niya.

"Meet my friend here Marija. She's Marco's model before remember? The endorser of his new wine."

Pagpapakilala sa kaniya ng binata. Halos hindi na malunok ng dalaga ang laway niya. Nakatitig lamang ng mariin sa kaniya si Marco at nakadiin ang dalawang kilay. Habang yung isa ay lumapit sa kaniya't nakipagkamay.

"I'm Sebastian, you look pretty."
Agad niyang tinanggap ang kamay ng binata at pinamulahan ng mukha. Nagpakilala na  rin siya.

"M-marija s-salamat."

"Stop flirting Abbas you're married."
Matigas na ani ni Marco at tiningnan ng masama ang dalaga. Agad namang napa atras ng isang hakbang ang dalaga dahilan para matapilok ang paa niya't muntik ng matumba mabuti nalang at kaagad na nahawakan ang bewang niya.

"Careful."

Ani ng isang baritonong boses. Para siyang nililipad sa alapaap sa ganda ng boses. Pag tingin niya'y mas lalo siyang natulala. Napaka gwapo nito.

"Looks like cupid's arrow hits the the two here."

Mapaglarong ani ni Yco. Kaya agad na napatayo ng tuwid ang dalaga. At humibgi ng paumanhin.

"Pasensiya na."

"It's fine."
Walang emosyong ani ng binata.

"I'm Laddiccus Pèrez."

Pagpapakilala nito.

"I'm---"

"I need to go."
Walang pasabing umalis na ang binatang si Marco na ikinabigla nilang lahat. Magsasalita pa sana si Sebastian ng malayo na ito. Sa haba ba naman ng biyas.

"Para namang hindi kayo nasanay."
Naiiling na ani ni Sebastian.

"Ahm, s-sige mauuna na muna ako hinhintay pa kasi ako ng kaibigan ko eh. Bye, salamat Yco."

Nakangiting paalam niya.

"Hatid na kita."
Ani ni Yco ngunit tumanggi na siya. Pilit na ngumiti kahit na o-awkwardan na siya sa klase ng tingin ni Laddiccus.

"Take care Mari, text me if you get home 'kay?"

"Okay."
Aniya't tumalikod na.

"Kuz someone wants to make sure that you get home safely."

Mahinang ani ni Yco sapat lang para marinig niya. Nilingon niya ito at sumikdo ang puso niya ng makitang nakatitig sa kaniya si Laddiccus na tinutudyo na ni Yco. Wala sa sariling napangiti siya at napakagat sa hinliliit niya.

"Happy?"

Agad na napahawak si Marija sa puso niya sa gulat. Nakapamulsa ang binata habang nakasandal sa wall ng mall.

"Akala ko ba umalis ka na?"
Aniya na ikinanuot ng noo ng binata.

"So, you're seeing Pèrez now?"
Tanong binata sa kaniya. Nakaramdam naman siya ng inis sa binata.

"Pakialam mo."
Mariing aniya at naglakad na sana paalis ng hilahin siya ng binata pababa ng second floor. Pinagtitinginan na rin sila ng mga tao.

"A-aray! Ano bang problema mo, ha?"
Reklamo ng dalaga. Patuloy pa rin siyang hinihila ng binata ng harangan sana  sila ng guard.

"Touch me and i'll fire you."
Matigas at puno ng otoridad na ani ng binata. Agad na umalis ang guard at humingi  ng paumanhin sa binata.

"S-sayo din tong mall?"
Di makapaniwalang tanong ng dalaga. Hindi pa rin umiimik ang binata hanggang sa padaskol na pinasok siya sa loob ng bagong kotse nito. Pumasok na rin ang binata sa loob. Nasa passengers seat silang dalawa at may pinagpipindot ang binata sa harap. Ganun na lamang ang pagka gulat ng dalaga ng umandar ang kotse at kusa itong nag-da drive. Wow na wow talaga. Napapailing na.lamang ang dalaga sa mga nakikita. May sariling wine cellar pa sa loob. May ilang pinindot ang binata at naging komportable na ang loob ng kotse. Hindi na masikip. Ang mas lalong ikinamangha niya ay ang kotse nitong hindi na kailangan ng driver. Binasa niya ang maliit na tatak na nakita niya.

"L-lexus?"
Agad na nanlaki ang mga mata niya. Ito yung nakita niyang ad sa tv. Siguro napaka mahal ng kotseng ito.

"I have all the money to give you everything Marija, why do you keep on running around with my business partners. Is my money not enough for you?"

Parang di makapaniwalang tanong ng binata sa kaniya. Agad na natigilan ang dalaga at tiningnan siya ng maigi.

Tbc
Zerenette

UngentlemanWhere stories live. Discover now