1

168K 4.4K 1.4K
                                    

Austine Villaluz


"Chammy, antayin mo naman ako." Sabi ko sa kapatid ko habang nakatukod sa mga tuhod at malakas na humihingal. Jusko! Nakakasira ng ganda.

Sinamahan ko kasi siyang mag-jogging kanina. You know naman na to achieve a sexy body you need to exercise daily. Pak! Motto namin 'yan ng mga FHM models.

"Ano ba 'yan! Para ka namang, bakla," aniya habang naglalakad  pabalik sa bench na kinauupuan ko.

Tumigil kasi kami sa isang abandonadong parke somewhere in our little red neighborhood. Char! Red ridinghood pala 'yon.

"Gaga ka, girl? Bakla naman talaga ako noh! Gosh!" Bobita talaga 'tong kapatid ko kahit kailan. Mabuti na lang at may kapatid siyang katulad ko kaya hindi lugi sila mama.

"Ewan ko sayo, bakla. Lika na nga." Sabi niya at nagsimula na ulit tumakbo ng mahina.

Tatayo na sana ako kaso nangangatog pa yung paa ko. Iba kasi ang depenasyon niya ng jogging. 'Yong jogging niya naging marathon. Ayaw ko namang maiwan kanina kasi madilim pa noh! Baka pagnasaan ang aking very sexy body ng mga engkanto. Mahirap na, gurl. Mababawasan ang mga nag-aangat ng sangkabaklaan dito sa barangay namin.

"Mauna ka na. Dito na muna ako. Maliwanag na rin naman. Mag so-soul searching muna ako dito."

"Baliw ka na, Austine. Mauna na nga ako. Sumunod ka kaagad ha!" Ang paalala niya sa akin bago muling nagsimilang tumakbo palayo sa akin.

Nang ako na lang naiwan mag-isa nagsimula na akong mag sight-seeing sa paligid. Wala naman akong ibang nakikita kundi ang kawalan. Kawalan ko ng trabaho. Charot! Mga fifty percent.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa at binuksan ang camera nito. Nag-selfie pa ako saglit bago pinindut ang video mode nito. Mahilig kasi akong mag-vlog vlog chuchu. Alam niyo na baka pwedeng hindi na maghanap ng trabaho. Harhar! Nga pala, mga beh, don't forget to like, subscribe and leave a comment down below. Alam niyo na, naghihirap ang lola niyo. Walang nag-aalok ng trabaho. Charness!

Muli kong itinutuk sa aking imperfectly symmetrical facial expression at nagsimula na akong magtatalak sa harap ng camera. Char! Hanudaw? Choserang symmetrical yan.

"Hey! Wassup mga, bakla! Ito na naman ang magandang dilag sa inyong harapan na naniniwala sa kasabihang, kung may mabubuntis si Zayn Malik, bakit ako 'yon? And I thank you! Charot lang. Gigi, sayo na ang semelya, girl. So ayon nga, guys, right now, in my vlog— char! In my vlog. Nandito po ako ngayon sa isang abandonadong parke somewhere here in the Philippines. Medyo creepy siya, guys, pero keri lang tayo, 'no? Ang chismis ng mga kapitbahay namin, dito daw pinapalibing ang mga batang pinapatay ng datin nagpagawa nitong parjusmeyo marimar!" Hiyaw ko dahil may naramdaman akong humila sa laylayan ng damit ko.

Ayaw kong lumingon sa ibaba dahil sa sobrang takot. Shet! Literal na soul searching yata ito. Huhu! Hinila na naman niya! Ayoko talagang yumuko at baka makakita ako ng chanak or chakaface na duwende. Napapikit nalang ako sa labis na takot.

Huhuhu! Lord, please maawa kayo sa'kin masyado pa po akong bata at fresh para mawala sa world. Lord, promise na hindi po ako magwi-wiwi sa may punso. Huhuhu! Angel of God my guardian dear....

So ayon nga, mga sis, napa-pray na talaga ako kay papa God. Yes, hindi lang ako maganda, makadiyos rin ako. Saka makatao, makakalikasan at makabansa.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon