22

75.8K 3.2K 1.2K
                                    

Austine Villaluz POV

Kinabukasan, tahimik lang kami habang kumakain. Masyadong mabigat ang atmosphere mga, bes! Feeling ko uulan dito sa bahay anytime. Buti sana kung pera ang iuulan kaso mukhang sama yata ng loob.

Kanina pa rin hindi kinikibo ni Noah silang tatlo. Kahit ako ay paminsan-minsan lang niyang kausapin kaya medyo nag-aalala na ako.

"Mommy ko, I'm done eating na po." Aniya habang nakatingala sa akin. Nginitian ko lang siya pabalik.

"Apo, why didn't you eat your dessert? You don't like it ba?" Tanong dito kay tita pero umiling lang si Noah bilang sagot at nagmamaka-awang tumingin sa akin.

Tiningnan ko si sir para sana magpaalam pero hindi niya man lang tinapunan ng tingin ang anak. Bwiset 'tong si sir! Masyadong ma-attitude ang huta. Sumasabay din sa anak. Ang isip-bata lang.

"Sige, mag wash na tayo ng hands mo." Sabi ko kay Noah at tinulungan itong bumaba sa kanyang upuan. Bago pa man kami maka-alis ng tuluyan ay narinig naming nagsalita si sir.

"Austine, prepare Noah at may mga bisita mamaya." Aniya at tumayo mula sa kanyang upuan. Lumabas siya ng dining hall at ewan ko kung saan ito papunta.

Feeling ko parang bumalik ang dating sir Nathan na kilala ko. Iyong hindi konektado sa anak niya. Simula kahapon ay seryoso lang ito.

Napabuntong hininga nalang ako at inakay si Noah papunta sa may kitchen. Pagkatapos ko itong hinugasan ng kamay ay umakyat na kami papunta sa kwarto niya. Doon, nilinisan ko siya at pinagpalit ng damit.

Siguro ang lolo at lola niya sa mother side ang bibisita sa kanya. Pati iyong auntie niyang two-faced. Ang ganda sana kaso masyadong snobber sis. Pekpek lang naman ang lamang niya sa akin kaya huwag niya akong inaartehan dahil may butas din ako. Charot!

"Mommy ko? Am I gwapo na po ba?" nakangiting tanong niya at nagpose pa talaga sa harapan ko. Natawa tuloy ako.

"Syempre no! Maganda kaya ang mommy mo dapat gwapo ka rin." pambobola ko dito. Oh walang magrereklamo. Ang magrereklamo bibigyan ko ng free trip papunta Wuhan. Chars! Sorry God.

"More handsome than daddy po?" Tanong nito ulit na ikinahalakhak ko. My god baby!

"Hmmm? Pag-iisipan ko muna ha?" biro ko dito at umaktong nag-iisip na ikinasimangot niya at nagpout pa talaga ito. Pinisil ko ang maumbok nitong pisnge.

"Joke lang! Syempre noh! Mas gwapo ka kaysa kay Daddy mo. Mana ka kaya sa akin. Eh ako beh? Pretty ba ako?" tanong ko dito. Syempre noh, alam ko naman maganda ako pero sometimes we need confirmations mga sis para hindi tayo pagdudahan. Alam na, may mga inggitera.

"Yes po! You're very pretty and beautiful. Pinaka pretty sa lahat." See? Hindi nagsisinungaling ang mga bata guys.

"And what lies are you teaching my kid?"

Sabay kaming napalingon ni Noah sa may bandang pintuan nito. Doon namin nakita ang daddy niya na naka sandal sa may frame ng pintuan. Gwapong-gwapo ito sa kanyang long-sleeved sky blue polo na itinupi ang manggas hanggang sa may siko nito. Napalunok nalang ako dahil ang sarap naman talaga ni sir. Ang unfair ng world!

"H-hindi naman 'yon lies, sir." Kontra ko dito sa mahinang boses. Ano 'to girl? May gana ka pang magbuhat ng bangko?

"Really? Do you have any evidence?" Taas kilay nitong tanong at naglakad papunta sa amin.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon