24.1

79.4K 3K 416
                                    

Austine Villaluz

"Beh, bagay ba sa akin? Sobrang ganda ko na ba?" Tanong ko kay Noah at nagpaikot-ikot sa kanyang harapan. Feeling naka dress ang lola niyo beh!

Confident akong nagcat walk sa harapan ni Noah habang suot-suot ang isang washed-out, watercolor floral print dress shirt na pinarisan ko ng itim na trouser. Napapalakpak naman si Noah. Walang kakabog sa number one fan ko. Super supportive! Very good!

"Mommy ko, you're so ganda po. You are prettier than tita Dyna and all of daddy's girlfriends." Oh ha! Narinig niyo 'yon mga beh? Mas maganda ako sa mga ex bebegirls ni sir. May lawit pa ako niyan mga sis. Charot!

"Ehe,beh. Weg ke nge." Pabebe kong tugon at umupo sa tabi niya. Dapat pa-humble lang.

Kanina ko pa kasi hinihintay si Mang Hector. Sabi kasi ni sir ipapasundo lang daw niya ako dito kapag naka-out na siya sa opisina. Ito namang si Mang Hector, hindi pa yata nakaka move on sa ending ng kadinang ginto. Sobrang tagal beh!

Humiga ako sa kama ni Noah at tumabi naman sa akin ang huli. Niyapos ako nito ng yakap habang naka unan sa bisig ko. Aba may naglalambing.

"Yiee, naglalambing ang baby ko." Tukso ko dito at sinundot-sundot ang kanyang tagiliran.

"Hahaha! Mommy ko, stop na po." Natatawa niyang sabi habang pinipigilan ang kamay kong kinikiliti siya. Napatawa nalang din ako.

Kahit kaunti ay naibsan ang nararamdaman kong kaba. Kahit na sobrang excited ko sa kalandiang nagaganap sa akong beautiful like like me ay syempre hindi pa rin nawawala ang nerbyos. Aba! Paano nalang kong bigla pa lang gusto kong matae mamaya? Paano kong atakihin ako sa puso....

Dahil sa kagwapuhan niya? AyE!!

"Okay. Stop na talaga pero may tanong lang ako, beh." Ani ko dito.

"Yes, you can question me po. I'm smart so I think I can answer your question." Echosero ka beh! Manang-mana ka na sa mommy mo, lakas magdala ng bagyo.

"Oo na po, ikaw na smart. Mana ka kaya sa akin. So ito na nga beh. Here's your question." Seryoso kong sabi na tila ba nagtatanong sa isang kandidata ng Bb. Pilipinas.

"If you were crowned as the miss universe-- chos! Joke lang. Mapapatay tayo ng papa mo. Ito seryoso beh, feeling mo ba may chance kami ng daddy mo?"

Naguguluhan naman itong napatingin sa akin. "What do you mean po mommy ko? I don't understand."

"Wala beh. Charchar lang 'yon." Bigla kong narealize na hindi ko pala dapat dinadamay ang bata sa kalandian ko. Mapepektusan tayo ni mudrabels pag nagkataon.

Speaking of mudrabels, sinubukan ko silang tawagab kahapon pero walang sumagot ni isa kaya nagsimula na akong kabahan. Hindi sila sumagot pero nagtext sila na okay lang naman daw sila. Tinanong ko rin sa gc naming mga bakla sa kanto kung may nangyayari bang churva sa bahay namin sabi naman nila wala daw.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Alam niyo 'yong feeling na may masama kang kutob. Parang ganun girl. Gusto ko na ngang umuwi ng Cebu pero sabi sa text ni mama na huwag na lang daw at baka dalawin nila ako dito sa Manila one of this days. Char! May pa one of this days si vakla. Umaasenso.

"Mommy ko? Mommy!!" Nabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Noah habang sinasampal ang flawless kong mukha.

Myghad beh! Ang foundation ko. Charot. Baby powder lang yan noh. Natural beauty kaya itong lola niyo.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon