Letter of Appreciation

65.1K 2K 67
                                    

Hello guys! Alam niyo naman siguro kong bakit ko sinulat itong kwento ni Austine. Kong hindi niyo alam eh hindi ko na problema 'yon. Char lungs! Oh wag mag tampo. Haha! So ayon nga, gusto ko lang naman magbasa ng kwento kung saan nag yaya ang mga baklitang bebe gurls. So far, dalawang kwento pa talaga ang nabasa ko. Iyong isa doon ay burado na dito sa wattpad kaya mas lalo akong nadepress. Char depress talaga. So ayon nga guys, gusto ko lang talaga magbasa ng ganitong theme kaya ko naubo si Austine sa aking sinapupunan. Chos! Virgin pa ako noh.

Hindi ko aakalaing marami ang makakaappreciate sa kwentong ito. Maraming salamat talaga. Apat na taon akong tumigil sa pagsusulat at palaging nai-insecure at nagpapalunod sa self-pity. BLs, Yaoi, Danmei ang mga naging happy pill ko. Parang iyong mundo kong naging pangit at malungkot naging masigla at masaya ulit. Kaya ngayon, nagpapasalamat ako ng lubos sa inyo. Tinulungan niyo akong makita na may tamang panahon para sa iyo.

Hindi man ako makakatanggap ng anong parangal. Hindi man perpekto itong aking pagkakasulat sa kwento pero sapat na ang mga komento at mga mensahe niyo sa akin. Maraming salamat po talaga. Walang mapaglalagyan ang pasasalamat ko sa inyong lahat.

Pasensya na rin kung hindi ko muna madalas maia-update ang mga kwento dahil gustuhin ko man sobrang dami lang talagang gawain sa school na umabot na sa puntong nagka mental breakdown na ako. Isa rin sa dahilan kung bakit lubos akong nagpapasalamat sa inyong lahat ay dahil napapawi niyo ang stress na nararamdaman ko. Marami po talagang salamat.

Midterms na namin next week kaya medyo mahirap makahanap ng oras. Pero sana po ay patuloy niyo pa ring suportahan ang kwentong ito. Pero sure akong may kahit isa man lang na update every weekend.

Thank you guys! Love you all! MwuH!

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon