16

78.3K 3.2K 296
                                    

Nathan's Villa above guys. All credits goes to the rightful owner of the image. For imaginary use only.

Austine Villaluz POV

"Hey, wake up..we're almost there." Naalimpungatan ako ng may marinig akong magsalita. Sino ba 'to? Ang ganda-ganda na ng panaginip ko 'tas biglang eepal.

"Ano ba? Ikakasal na ako oh?!" Wala sa sarili kong sabi. Nanatili ang katahumikan kaya hinihila ulit ako ng tulog kaso....

S-sino 'yong nagsalita kanina? Sure akong hindi 'yon guest sa kasal namin ni papa Jin. Tuluyan ko na ngang binuksan ang mata ko at tumingin sa gawi ni sir. Seryoso pa rin ito sa nagmamaneho.

"U-uh...sir." Tawag ko dito. Teka, bakit ko ba siya tinawag? Ano 'to? Voluntary suicide ganun?

"What? Tapos na ba ang kasal mo?" May halong asar na tanong nito. Nakakahiya mga besh!

"S-sorry po sa pagsigaw." Paumanhin ko dito. Hindi na ito sumagot at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Hindi ko na rin ito kinausap pa at kinuha na lang ang cellphone ko. Nakita kong pasado alas dose na pala ng tanghali. Halos apat na oras na din kaming nag da-drive na traffic kasi kami kanina.

Ibinalik ko ang pansin sa daan at nagmasid na lang sa labas. Mga puno na ang nakikita ko hindi katulad kanina na mga matataas na building at mga sasakyan. Napaka relaxing dito. Nadaan pa kami kong saan kitang-kita namin ang taal.

"Hala! Ang Taal. Ang ganda, sir!" Excited na sigaw ko. Hindi alintana na nagising ko pala si Noah sa sigaw ko.

"Mommy?" Mahinang tanong nito habang kinusot-kusot ang mata. Ay hala, ang cute talaga ng junakis kong itey. Manang-mana sa akin. Oh walang aangal mga bakla. Kanya-kanyang ambisyon lang. Charot!

Kiniss ko muna ito sa pisnge bago sinagot,"Yes, beh?"

"Why are you shouting po?" Nagtatakang tanong nito sa akin at nagpalinga-linga pa ito sa paligid.

"Daddy, haven't we arrived yet? I'm hungry na po." Nakangusong sabi nito sa ama nang mapabaling siya ng tingin rito.

"We're almost there, bud."

Kumuha ako ng ginawa kong sandwich kanina sa mansion mula sa bag ko at ibinigay iyon kay Noah. Alam niyo na, dating girls—boys scout itong lola niyo, laging handa.

"By, eat ka muna nito oh." Tinanggalan ko muna ng balot ang sandwich at sinubuan si Noah. Pakunti-kunti lang kasi baka mabulunan ang bata diyos ko baka itapon ako ni sir sa taal.

"It's so yummy, mommy! Daddy you try it." Nakangiting suhestyon nito sa ama. Nasamid tuloy ako sa laway ko. Alam kong yummy ang pagkain ko dahil yummy rin naman ang gumawa pero anong try it-try it, hindi pa kami bati ni sir noh. Isa pa, mga crush ko lang pwede kumain sa akin. CHOS!

"I'm driving, anak." 

"It's okay. Mommy can feed you naman, dad. Mommy, feed my daddy please." Pakiusap ni Noah at nag puppy eyes pa talaga.

"A-ano by, baka makaabala tayo sa daddy mo. Nagda-drive kasi siya." Paliwanag ko dito. Nakakaloka mga beh! Ano ba itong mga happenings sa world? Bakit parang nagbabahay-bahayan na kami dito? Ano 'to family trip?

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon