Special Chapter

72.7K 2.8K 731
                                    

A day in the life

Austine Villaluz-Juariz

Akala ko dati kapag kinasal na ako happy ending na kaagad. Iyong walang selosan kagaya nila mama at papa. Kung meron man hindi ganoon kalala kasi may tiwala naman kayo sa isa't-isa. Actually, wala naman talagang kaselos-selos kay papa eh. Bukod kasi sa hindi siya ganoon kagwapo at medyo mataba pa, pinaparamdam talaga niya kay mama na siya lang ang tahong na kanyang kakainin. Rawr!

Akala ko rin automatic na magiging super mom ako katulad ni mama kahit wala akong tahong. Iyong kahit nahihirapan at nai-stress na siya ay go pa rin ng go. Walang lowbatt-lowbatt para sa mga chikitings.

Pero akala ko lang pala 'yon.

Mahirap pala talagang maging asawa at maging ina ng mga Juariz. Mahirap kapag sobrang sarap ng asawa mo. Mahirap kapag medyo bad boy ang mga anak mo.

SOBRANG HIRAP, BESH!

Kung pwede lang mag-file ng leave matagal ko ng ginawa. Jusko naman wala ng ka epek-epek itong mga skin care products na ipinapahid ko sa mukha. Ang sarap itapon lahat kay Nathan. Ang agang nangangatok, alam naman niyang pokp—este—marupok akong bakla. Walang inuurungan basta sa kama ang labanan. Charot!

Sa susunod na buhay, hindi na talaga ako magiging gahaman sa hotdog. Itaga niyo sa bato! Kahit daks at gwapo pa si Nathan wit na ako bubuka kapag kakatok. Pero kapag may condom, pwede na pala siyang pumasok. Chos! Maganda lang ako pero 'di ako easy girl.

"Adelinda," pagtawag ko doon sa kasambahay dito na naglilinis ng kwarto namin ni Nathan.

"Po, sir?" Ang nagtataka niyang tanong sa akin.

"Sinong mas masarap? Iyang si Kim Domingo o ako?" Ang tanong ko dito habang itinuturo ang artista sa TV. Ini-interview ito ngayon sa Magandang Umaga.

"Sir, kayo pa rin po ang mahal ni sir Nathan." Ang sa halip na sagot niya dahilan para mapasumangot ako. Ayoko ng pumatol. Dati ko pa napapansin na walang ka-taste-taste itong mga kasambahay sa mansyon. Mula kay Gina traydor hanggang dito kay Adelinda.

"Kim, next question. Who is Nathaniel Juariz in your life?" Ang tanong n'ong matabang host na Karly ang pangalan.

Shuta! Ano daw bes? In your life? Mahinhin pang tumawa ang bobitang si Kim. Sarap tirisin ng pakdat na 'to. Boobs lang naman ang lamang niya sa'kin.

"Nathan is a good friend of mine po, tita."  Ang sagot nito saka muling tumawa ng mahinhin. Nagkantyawan pa ang mga guests at mga host ng ipakita ang picture nilang dalawa na kumakain sa isang resto.

"Aba, Aba. Magaling. Paresto-resto pa sila nitong kabit niya habang kami ng mga anak niya daing at asin lang ang inalmusal. Kita mo yan, Chammy? Ganyan kasama ang asawa ko. Ayoko na. I want a divorce." Ang nagpupuyos sa galit kong sumbong dito nang ma-upo ito sa tabi ko.

"Gaga! Anong divorce-divorce ka diyan? Sumbong kits kay mama eh. Saka anong daing at asin? Seryoso ka ba? Halos ayaw ka ngang pakainin ng tira-tira n'ong asawa mo." Binatukan pa niya talaga ako bago kinuha si Nigel mula sa akin.

Pinapa-dighay ko kasi ito kanina. Kakakain lang nito kaninang ala-sais tas humingi na naman ng dede kaninang alas-otso.  Buti sana kung nagpapakarga ito ng matagal sa iba, eh ako ang tinutorture ng bubwit na 'to. Umiiyak pagkinakarga ng matagal ng iba tas humahagikhik pag nasa bisig ko na. Feeling ko nga pinagtri-tripan lang niya ako. Sarap ibalik sa bayag ni Nathan. Chos!

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon