Textmate

3.1K 98 54
                                    

Beep beep beep

Dali-dali kong hinablot ang phone ko sa gilid ng higaan ko

Ngumiti ako nang mabasa ang pangalang rumehistro sa makinang hawak ko

From: Bb Jema

Good morning!

Umupo ako sa kama ko para mag-compose ng mensahe pabalik sakanya

To: Bb Jema

Good morning din po! Kumain ka na po ba? Papasok ka na? Ingat po sa buong araw mo sa school! Wag magpapa-kapagod!

Natawa ako pagkatapos kong isent ang mensahe ko para sakanya

Sa totoo lang hindi ko kilala si jema, hindi ko pa nga sya nakikita sa personal

Nabored lang ako one time tapos nagtype ng number sa phone at nagcompose ng mensahe at pinadala sa number na iyon

Hindi ko rin akalain na magrereply sya, nung una nagalit sya sakin kasi baka daw kilala ko sya at pinag-ttripan ko lang sya

Hanggang magpalitan kami ng facebook at dun talaga nya nasigurado na hindi nya ko kilala

Pero hindi kami friends sa fb dahil nakaprivate ako at sya naman hindi na maadd kasi sobrang famous nya hahaha

Yong tipong magiging follower ka nalang nya sa sobrang dami nyang friends

Kaya ayon nagtyaga nalang ako sa text sya kulitin

At dun nagsimula ang pagkakaibigan namin sa pamamagitan ng palitan lang ng mensahe sa isa't isa.

Binaba ko ang phone ko sa lamesa sa tabi ng kama ko at tumungo na sa banyo para maligo dahil may klase rin ako

Pagkalabas ko ng banyo agad kong tinignan ang cellphone ko kung nagreply na ba si jema

Ngumiti naman ako ng may mensahe nga sya sakin

From: Bb Jema

Thanks po! Kumain na ako, ikaw rin po ah? Wag ka rin magpapa-kapagod! Sige text nalang kita later, papasok na kasi ako! Enjoy your day po!

Agad naman akong nagcompose ng mensahe para sakanya

To: Bb Jema

Enjoy your day din po baby hahaha mamimiss kita agad (sad face)

Nangiti ako pagkatapos ko ipadala sakanya ang mensahing iyon

From: Bb Jema

Baby ka jan! Sige na po! I text you later nalang!

Umiling ako pagkabasa ng mensahe nya sakin

Hahaha hindi ko alam kung napipikon ba sya kapag tinatawag ko syang baby? O kinikilig ba sya?

Gustong gusto ko talaga makita reaksyon nya pero malabo iyon dahil malayo ang pagitan ng lugar namin sa isa't isa

Nasa bulacan ako at nasa baguio sya, wala rin chance para magkita kami ngayon dahil parehas pa kaming studyante

Pero ako nag-iipon na baka sakaling pumayag syang magkita kami ako nalang ang pupunta sakanya

Hindi ko alam pero masyado na atang lumalalim ang pagtingin ko sakanya kahit sa likod lang ng makina ko sya nakakausap

Sa facebook ko lang nakikita ang maganda nyang mukha

Tila nahuhumaling ako sa mga ngiti nya at nangangarap na sana balang araw sa akin na sya ngingiti ng ganun kaganda

Pinupuno ko rin ng mga larawan nya ang cellphone ko, bago ako matulog pinagmamasdan ko iyon at humihiling na sana makita ko na talaga sya

Sa tagal na naming magkatext ni jema ilang beses narin akong umaamin sakanya pero ilang beses nya rin akong tinatanggihan.

RealismoWhere stories live. Discover now