The Producer

1.2K 79 27
                                    

D's

"FD Deanna! Paki-assist ang love team ng taon"

Napangiti ako sa boses na nanggagaling sa suot kong headphone

"Hoy!!! Deanna kilos! Hinihintay na sila ni derik Bea!"

"Opo Ma'am Maddie" taranta kong saad

Mabilis akong tumakbo para pumunta sa dressing room kung nasaan ang pinaka-sikat na love team ng bansa ngayon

"Magandang araw po!" Magalang na bati ko sakanila pagkadungaw ko palang sa pinto ng dressing room

Napatingin naman silang lahat sakin "Ahmmm Miss. Jema, Mr. Ricci kayo na po ang next!"

Agad silang tumayo sa kina-uupuan nila na nasa harap ng salamin

"Dito po tayo!" Tinuro ko ang daan patungong back stage

"FD Deanna! Siguraduhin mong nakakabit ang mga lapel nila bago mo paakyatin sa stage"

"Yes po Producer Madz"

"Good! Mag-start na tayo! Kaya iready mo na sila"

Tumango ako kahit hindi naman nya nakikita

Tinawag ko yong co-FD ko para ikabit kay Ricci yong Lapel nito habang ako naman ang nagkakabit kay Jema

"Miss. Jema, ok ka lang po ba? Bakit ka po nanginginig?"

Mukhang kinakabahan sya dahil ang tindi ng ngatog ng katawan nya

Parang nagpipigil din sya ng hininga habang sinasabit ko yong mic. nito sa tenga nya

Nakita ko pang kinukuyom nya ang mga palad nito habang magkalapit ang mukha namin, namumula pa nga sya eh

Huminga sya ng malalim pagkatapos ko mailagay ang lapel nito

"O.... ok lang ako" nanginginig na saad nya

"Wag ka pong kabahan kaya mo po yan" nakangiting saad ko

Awkward syang ngumiti sakin tapos tinago pa nya yong mukha nya sa mga palad nito

Napangiti ako mukhang kinakabahan talaga sya

"FD Deanna! Padala na sila sa stage"

"Yes po Ma'am"

"Dito po tayo" inalalayan ko si Jema sa likod ng stage sumunod naman si Ricci

"Ready na po sila" sabi ko sa mic. sa headphone ko

On cue, tinawag na sila ng MC, agad naman akong tumakbo papuntang harap ng stage para igiya ang mga audience na pumalakpak

Nag-sign din ako ng Ok kay Madz na nasa dericting control room katabi si derick Bea

Sabay din silang nag-thumbs ups sakin tapos nagtinginan sila at nag-ngitian

Agad akong umiwas ng tingin at tinuon nalang sa stage ang pansin ko

Medyo kumirot ang puso ko dun ah? Halata naman na gusto nila ang isa't isa pero nagtataguan pa sila ng feelings

Tapos ako naman lihim din nasasaktan

Nakakainis lang ano? Hahaha bakit ba kasi tayo nagkakagusto sa mga taong hindi naman kayang ibalik yong feelings natin

Pinilig ko ang ulo ko! Tama na senti Deanna! Nagtatrabaho ka oh

Tumingin ulit ako sa stage mukhang kumportabel na si Jema

Nakakatawa na kasi ito habang kinakausap ng MC

Sa tagal na nitong nag-guguest sa show namin ngayon ko lang ito napansin na nanginig

Sabagay first day ko pala bilang Floor Deriktor, Production Assitant lang kasi ako dati at ngayon napromote na

RealismoWhere stories live. Discover now