So She Did

1.3K 59 13
                                    

J's

Ang daming magagaling na batang atleta ngayong palarong pambansa

Nakamasid ang buong coaching staff ng iba't ibang sikat na universidad ng  bansa para mag-scout ng magagaling na player at marecuit para sa iskwelahan nila katulad din namin

2nd coach ako ng volleyball team from adamson university

Kahit pa meron ng senior high sa school namin or sa iba pang universities

Marami parin nagrerecuit sa mga gantong events para narin sa mga taga probinsya na talaga namang may talent pagdating sa larangan ng palakasan

Kaya kaming mga coaching staff ay hindi lang nakadepende sa mga players lang sa school namin

Kailangan din talagang mag-explore para makita pa ang mas mahuhusay na manlalaro na nakatago lang sa sulok ng iba't ibang parte ng bansa

Kumurap ako sa paglipad ng isang babaeng maikli ang buhok

Tusok na tusok ang palo nito sa court ng kalaban

Sobrang galing din kasi ng pagset ng bola sakanya ng babaeng mukhang half chinese

Maliit ang mukha nito, chinita at makapal ang mga kilay na bumabagay sakanya

Napangiti ako nung ngumiti sya at nakipag-apir sa babaeng sinetan niya ng bola kanina

Ang cute lang syett! Hoy Jemalyn bata pa yan

Btw sigurado akong ang dalawang babaeng ito ang pag-aagawan ng mga iskwelahang naririto

Bukod sa napaka-charming nilang pareho talagang masasabi mong sobrang husay talaga nila

Hindi lang matalinong setter ang babaeng half chinese kundi magaling rin dumepensa

Halos wala atang nahuhulog na bola kapag nasa back row ito, dig kung dig

Kung nasa front naman ito, halos walang rin nakakalusot na bola sa kamay nya, matanggkad syang setter kaya sobrang laking tulong ng blockings nya

At tulad nga ng inaasahan pinagkagulahan nga silang dalawa noong natapos ang laro at sila ang nagchampion

"Halika na Fhen, baka maunahan pa tayo doon sa magaling na setter!' Mabilis akong tumakbo at hindi ko na sya hinintay

"Teka lang, Je. Hintayin mo ko" habol pa nya

"Tsk, ang bagal mo! Kita mo oh! Andun na si coach Ramil at kinakausap na ang magaling na setter na iyon!" Tukoy ko sa coach ng lasalle

Ayaw talaga patalo ng lasalle lagi na ngang nasa final 4, ilang taon ng champion tapos ayaw pa magbigay sa iba

"Tingin ko rin naman lasalle o ateneo din naman ang pipiliin ng dalawang batang babae na iyon"

"Ano ka ba dream team ng lahat ng kabataang atleta ang dalawang school na yun"

"Kaya hindi tayo nakaka-ahon manlang sa final 4 dahil sa ganyang mind set mo eh!"

Nakakainis bakit ba kasi sa dami ng pwede kong makasama para mag-scout ng players, eh ito pang buset kong ex ang napasamasa sakin!!!

Nakakainis!!!!

---

D's

"Ngiting-ngiti Deans ah?" Puna ni Carlos sakin

Hindi talaga mabura ang ngiti sa labi ko dahil iyong pangarap kong school eh nirecuit ako

"Sino bang hindi magiging masaya, tots kinuha ako ng lasalle para maging back up setter ni Mitch Cobb!"

RealismoWhere stories live. Discover now