Drunk In Love

2.2K 98 52
                                    






"Deanna!" Gulat na gulat na saad nya "Anong ginagawa mo dito?"

Nginitian ko sya ng magkasaklob ang aking mga labi

"I came here for this" tinitigan lang nya ang papel na inaabot ko sakanya

"Naiwan mo sa shop" lalo kong pinatamis ang aking ngiti na tila ba may nais ipakahulugan

Napalunok ito at mabilis na hinablot ang papel na aking hawak

"Dahil lang sa kapirangot na papel na ito? Inabala mo pa ang sarili mo?"

Tinaasan ko ito ng balikat "I just wanted to see you at yang papel na iyan ang paraan para makita kita"

Kitang kita ko kung paano namula ang pisngi nito

Napangiti ako ng may tunog sabay dampi ng bilog na hikaw sa may dila, sa aking ngipin

"Bakit?" Medyo nagpipigil ito ng paglakas ng kanyang boses

"Ahmmm kasi..... I think. I like you" umawang ang mga labi nito

Lalo naman akong natuwa sa reaksyon nya

Parang naman, ngayon lang may umamin sakanya o baka nabigla lang sya sa aking mabilis na galawan hahaha

Huminga sya ng malalim, tila nakabawi na ito sa pagkabigla

"Wala akong panahon sa pangtitrip mo Miss. Tattoo artist. Kung ang nangyari sating dalawa........" mabilis syang lumunok "ang dahilan ng pagtetake advantage mo sakin ngayon!! Kalimutan mo na!"

"Isa pa, paano mo ba nalamang dito ako nagtatrabaho?" Inis na usal na ito

Ngumisi ako "Kay Ced, dun sa information nya. Nakalimutan mo atang may fini-fill up'an sa shop"

Napakagat labi sya. Tinago kasi nito ang identity nya. Ibang address ang nilagay nito sa customer information ng shop ko

Kaya nga natagalan rin akong mahanap sya dahil yung address na nilagay nya sa form ang unang pinuntahan ko upang ibalik ang kanyang wish list

Oo wish list ang laman ng maliit na papel na inabot ko sakanya kani-kanina lang

Lalo akong naging interesado sakanya dahil pala isipan sa akin kung anong dahilan kung bakit gumawa sya ng wish list

Nagawa nya na ang unang at pangalawang nakasulat roon

Ang magpatattoo at makipag-sex sa hindi nito kakilala at ako iyon

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ng babaeng ito at nagawa nya iyon

Sa tingin ko naman hindi sya ganun klasing babae na pumapatol kung kani-kanino

Lalo pa't......

"Wala akong panahon sa mga kalokohan mo Miss. Tattoo artist" naputol ang mahabang pag-iisip ko

Pabalya nya akong nilagpasan, agad ko naman hinablot ang braso nito

"Sandali lang Margarett!"

"Ano?" Sigaw nya dahilan upang makaagaw kami ng atensyon sa mga taong nasa paligid

"Yung wish list mo, gusto kong maging bahagi nun"

Napatawa sya "Nahihibang ka na ba? Miss. Tattoo artist?"

"Yes, hibang na ata ako sayo! Kasi hindi ka na nawawala sa isip ko eh!! Ginugulo mo ang buong systema ko! Hindi na ako makapag-trabaho eh"

Ngumisi sya at malakas na tumawa "So kasalanan ko pa pala yun? Hindi ko na yun problema Deanna" seryosong saad na nito

RealismoHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin