Mini Carousel

1.6K 113 87
                                    

Carly's

Nakatulala lang si Deanna habang nakaupo sa sofa namin

Maya-maya parang kinausap nito si whipy, hindi ko marinig kung anong sinasabi nito dahil nandito ako sa kusina at natatanaw ko lang ito

Napatingin ako sa tukador sa ilalim ng kitchen counter

Binuksan ko ito at kinuha ang isang maliit na box

Nakita ko to sa pantalon nya nung nilabhan ko ang mga damit nito na naiiwan nya dito

Akala ko para to sakin, pero kakaiba kasi yong design nya kaya natiyak kong hindi nya to sakin ibibigay

Hindi ko alam pero biglang nag-unahan ang mga luha ko

Alam ko naman dadating ang araw na to oras na bumalik kami dito sa maynila

Matagal ko na tong pinag-handaan pero bakit ganito? Nahihirapan parin ako

Pero mas nasasaktan ako kapag nakikita ko itong nahihirapan

Mas nahihirapan ako kapag nakikita ko itong nasasaktan

Hiniram ko lang sya alam ko, hiniram ko lang sya para kahit papano maging masaya ako sa piling nito kahit saglit na panahon lang

Ramdam ko naman minahal ako nito pero alam kong mas mahal nito ang may ari ng box na to

Ayokong dumating yong time na pag-sisisihan nya na hindi nya na ibigay ito sa taong nararapat sakanya

Maiksi lang yong buhay, ayoko marealized nya na dapat pala hindi ako ang pinili nya

Tapos huli na ang lahat para maayos at bumawi pa sya sa taong totoong nagpapasaya sakanya

Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagyakap nito mula sa likuran ko

Lalo lang tumulo ang mga luha ko sa mga pisngi ko

"I'm sorry" saad nya

"Mag-hiwalay na tayo" humigpit ang yakap nito sakin

"No!!! Ayoko!!" Tinago nito ang mukha nya sa tuktok ng ulo ko

"Pinapalaya na kita" pilit kong kinakalas ang pagkakayap nito sakin

"Babe" tumatangis na usal nito

"Deans, ayoko dumating yong time na mag-sisi ka dahil ako yong pinili mo kahit sya ang mahal mo"

"Mahal kita" wag mo naman ako pahirapan ng ganito

"Pero mas mahal mo sya" kinalas ko ang pagkakayakap nito nung lumambot ang kapit nito sakin

"Pero ito yong tama" hinarap ko sya at hinawakan ang mga pisngi nito

"Wag mo kong piliin kasi ito yong alam mong tama, piliin mo ako kasi ako yong mas mahal mo"

Hindi ito sumagot hinawakan nya lang ang mga kamay kong nasa pisngi nito

"Alam mo kung may natutunan man ako sa relasyon natin? Kailangan mahalin ko muna yong sarili ko bago ako mag-mahal ng iba kasi walang natitira sakin eh" lumakas ang pagtangis ko

"Gusto ko muna mahalin ang sarili ko Deans kaya please iwan mo muna ako ah?"

"Yan ba talaga ang gusto mo?" Tumango ako

"Gusto ko rin na puntahan mo sya ngayon at ibigay mo to" sabay abot ng box dito

Hindi na ito nagulat dahil alam ko kanina pa nya ito napapansin na hawak ko

"Maraming salamat babe, sa 10 months na pinahiram ka sakin. Salamat kasi kahit papano naramdaman ko naman na minahal mo ako, pero ngayon ipaparamdam ko naman sayo ang totoong pagmamahal....."

RealismoWhere stories live. Discover now