Gabi ng Lagim

1.8K 90 47
                                    

D's

Napayakap ako kay Jema ng marinig ko ang isang malakas na alulong ng aso

"Totoo palang sa sementeryo ka nakatira?"

"Hahaha ayaw mo kasing maniwala eh! So hindi mo na ako ihahatid sa susunod?"

"Wala naman kaso sakin kung dito ka nakatira kaya lang nakakatakot"

"Takot na takot ka ba talaga? O sarap na sarap?" Kunot noo nyang saad

Ngumisi ako "takot kaya ako!" At lalo ko pa syang niyakap sa dibdib nito

Hahaha shiit ang lambot

"Ang manyak mo talaga Deanna" tapos kinalas nya ang pagkakayakap ko at pinagsaklob ang mga palad namin

Hawak kamay kaming naglakad sa madilim na sementeryong ito patungong bahay nila

Nagpalinga-linga ako sa buong paligid at kinikilabutan talaga ako sa bawat madaanan namin

Pero si Jema hinahaplos pa yong mga lapida ng bawat nitso

"Bb! Hindi ka ba kinikilabutan sa ginagawa mo?"

"Lumaki na ko dito sa sementeryo Deanna! Matatakot pa ba ako? Sanay na sanay na kaya ako!"

Tumingin ito sakin at ngumisi "may mga kakaibang tunog pa nga akong naririnig eh"

Agad nagtayuan ang mga balahibo ko "bi naman! Wag ka naman dyan manakot! Ako nalang maglalakad dito mag-isa mamaya, pagbalik ko eh"

Niyakap ko ang kanang braso nya "hahaha ikaw kasi eh! Sabi ko naman sayo kaya ko ng umuwi mag-isa"

"Eh gusto ko lang naman malaman kung saan nakatira ang girlfriend ko"

"Hahaha tapos takot na takot ka naman"

Ngumuso ako, hindi ko naman akalain na totoo palang taga sementeryo sya akala ko nagjojoke lang

Sa limang buwang relasyon namin ngayon ko lang talaga sya nahatid sa bahay nila

Bukod sa ayaw nya dahil nahihiya daw sya! Hindi rin alam ng parents nito na babae ang karelasyon nya

"Bi, ano yong mga weird na sounds yong sinasabi mo?"

Huminto ito sa paghakbang at hinarap ako

Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang paligid namin

Kinakabahan ako, parang walang masyadong taong napapagawi sa lugar na ito

"Bi, relax!" Tapos sinakop nito ang magkabilang pisngi ko

"Bakit kasi tayo huminto? Nakakatakot dito!"

"Tinatanong mo kung ano yong mga naririnig ko diba?"

Kahit madilim kitang kita ko parin ang pagkagat ng labi nito

Maliwanag kasi ang buwan at tinatanglawan nito ang lugar kung nasaan kami naroroon

Ngumiti ako, napaka-ganda ni Jema! Hindi ko akalain sa akin na ang babaeng ito

Sa dami ng nagpaparamdam sakanya ako ang napili nitong mahalin

Napaka-swerte ko lang talaga

Ang kaninang kabang nararamdaman ko, napalitan na ng excitement

Bumilis ang tibok ng puso ko hindi dahil natatakot ako

Kinakabahan ako sa mga susunod na maaaring mangyari

Kakaiba ang nais ipahiwatig ng mga tingin sakin ngayon ni Jema

"Handa ka na ba bi?" Ilang beses pa ko napalunok

RealismoWhere stories live. Discover now