Paano kung?

1.8K 83 103
                                    

Napatakip ako sa tenga ko pagpasok namin sa loob ng bar

Sobrang ingay hindi ako sanay sa ganitong ambience

Mas gusto kong magkulong sa kwarto at makinig ng mga emo songs kesa sa gantong kaingay na music sumasakit talaga tenga ko

Don't get me wrong ah? Hindi ako broken! Sa katunayan nyan may girlfriend ako

Hindi lang talaga ako mahilig makipag-social life sa gantong kagulong lugar

Yong halos hindi mo naiitindihan mga sinasabi ng taong kausap mo

Mas gugustuhin ko pang tumambay sa bukid atleast huni lang ng ibon ang maririnig mo

At hindi ang tila kulisag na masakit sa pandinig

"Come on Deans, minsan lang to, sobrang KJ mo talaga" sabi ni Ate Bei at hinihila ako patayo para dalhin sa dance floor

Nag-paiwan kasi ako sa table namin at lahat sila pumunta sa gitna ng sayawan

"Dito nalang ako ate Bei, alam mo naman hindi ako sumasayaw" pigil ko sakanya

"Kami ba marunong? Gigiling ka lang naman, tulad ng go to dance mo" sabi nya at ginaya pa ako kung paano sumayaw

Napa-iling parin ako, kaya wala na syang nagawa kundi bumalik sa tropa namin

"Ang KJ mo Deanna!" Sigaw pa nya

Tinuon ko nalang ang sarili ko sa phone ko, habang hinihitay ang text ng girlfriend ko

Nagpaalam naman ako sakanya na sasama ako sa pinsan kong si ate bei para mag-good time

Pinayagan naman nya ko tuwang-tuwa pa nga sya eh

Dahil sa wakas daw makakakita na daw ako ng tao bukod sakanya

Sira talaga yon, akala mo naman hindi tao yong mga kaklase namin at mga studyante at mga guro sa campus namin

Pero naiintindihan ko naman sya kung bakit nya nasabi yon

Dahil kami lang talaga lagi ang magkasama

Binibiro nga nya ko na sawa na sya sa mukha ko eh

Pero ako lagi ko syang miss kahit araw-araw ko syang kasama

Napa-clingy no? Hehehe

"Hi!" Napatingin ako sa babaeng nagsalita

"Mag isa ka lang?" Nakangiting nyang tanong medyo malandi rin syang magsalita

"Can I join you?" Sabi nya ulit na nakakagat labi pa

"Pipi ka ba? Or sobrang ka lang talagang nagagandahan sakin?" Sabi nya ulit nakatitig lang kasi ako sakanya

Totoo maganda sya, maputi, sexy lalo pa't hapit sakanya ang dress nito

Sobrang hot ng babaeng ito

Napitlag ako nang hawakan nya ang balikat ko

"Sobrang cute mo naman" napapikit ako sa init ng hininga nya sa tenga ko

Medyo naamoy ko narin ang mahalimuyak nyang pabango ganun din ang alak sa bibig nya

Hindi naman iyon mabaho parang nakaka-adik pa nga eh

Teka teka ano ba tong iniisip ko? Nag-init tuloy ang pisngi ko

"Namumula ka? Lalo ka tuloy naging cute sa paningin ko" sabay kagat sa tenga ko

Nagtayuan ata lahat ng balahibo ko sa katawan ko

Sobra naman makapag-flirt ang babaeng ito

Tatayo na sana ako kaso umupo sya sa lap ko kaya hindi ako nakagalaw

RealismoWhere stories live. Discover now