Last Dance

1.5K 72 40
                                    

D's

"Hindi ka na naman sasali sa JS prom? Last year hindi ka na nga sumali eh!" Nakangusong saad ni Jema bago umupo sa habag ng canteen ng school namin

"Baka mainis lang ako sa mga lalaking mag-sasayaw sayo dun!"

"Nyeee ikaw nga tong mas maraming admirer kesa sakin! Baka ako pa nga mairita sa lahat ng lalaki or babae magpapacute sayo dun!"

"Alam mo yong mga lalaki na yan hindi ko papansinin! Pero yong mga babae hindi ko maipapromise hahaha!"

Napapeace sign ako nung tinignan nya ko ng masama

"Pero syempre sa nag-iisang babae lang ang attention ko at sayo yon baby"

"Kung maka-baby ka dyan! Hindi pa naman kita sinasagot hahaha!"

Napanguso ako "kasi naman, bakit ba kasi ayaw mo kong sagutin? Parang tayo narin naman na? Sagot mo nalang kulang eh!"

"Akala ko ba nakapag-kasunduan na natin na pagkatapos na natin ng high school magiging tayo?"

"Sabi ko naman sayo hindi pa ako ready ngayon eh! Gusto ko muna magfucos sa pag-aaral lalo pa ngayon graduating na tayo!"

"Oo na handa naman akong mag-hintay kahit pagkatapos pa natin ng college, natatakot lang kasi ako na baka mag-bago ang isip mo at gusto mo pala talaga ng totoong lalaki!"

"Aysus nagdrama na naman po ang baby na yan!" Pinisil nya ang pisngi ko "Alam mo naman ikaw lang inientertain ko eh! Ano pa bang kinakatakot mo?"

"Jema bata pa tayo, madami pa tayong pagdadaanan, gusto ko lang naman kahit papano, dumating man yong panahon na di tayo magkakatuluyan!"

"At least naramdaman at naipakita ko sayo na mahal kita at ganun ka rin sakin!"

"Deans" niyakap nito ang kanang braso ko "Hindi naman importante kung may label tayo diba? Basta alam ko na mahal mo ko, at ganun din naman ako sayo diba?"

"Mahal kita ok? 2nd year palang tayo alam ko na may puang ka sa puso ko at hindi na yon magbabago kaya wag ka na ngang magsenti dyan! Pumapangit ka eh!"

"I love you na ah?" Napangiti na ko, iba parin talaga magpakilig tong babaeng mahal ko

"I love you too!" Hinalikan ko ang noo nya

---

J's

"Ate!" Salubong sakin ni Ian, pinsan ko

Sa bahay nila ako nakatira dahil yong Mama ko OFW, tapos yong Papa ko may iba ng pamilya at hindi ko na alam kung nasaang lupalop na ng mundo naroroon

Agad ko naman binitawan ang kamay ni Deanna nang makita kong bumaba si tito sa tricycle na pinapasada nito

"Kita nalang tayo bukas bi ah?" Bulong ko sakanya bago lumakad palayo dito

Hinawakan ko ang kamay ni Ian "kamusta ang school?"

"Ayos lang po ate, perfect ko lahat ng quiz ko!"

"Wow very good naman!" Matalino talaga ang batang to, mukhang sya ang top honor sa buong grade 2 ngayong taon

"Sumakay na kayo! Mag-gagabi na nagugutom narin ako!"

Mabilis naman kaming sumakay sa tricycle ni tito

Pagdating sa bahay dumeretso ako sa kwarto ko para magbihis

Habang tinanggal ko ang uniform ko ito na naman yong pakiramdam ng para bang may nanonood sakin

Para palaging may mga matang laging nakamasid sa isang sulok ng kwartong ito

Nagsuot ako ng maluwag na t-shirt at pajama bago lumabas ng kwarto para magluto

RealismoWhere stories live. Discover now