Saranggola

2.4K 114 84
                                    

Napangiti ako nang matanaw ko na sa di kalayuan ang malawak na taniman namin ng palay

May mga tao rin akong nakita nakabilad sa bukid at nagtatanim

Meron din kaming nadaanan sa may kalsada na nagpapatuyo ng palay

Pinapala nila ito para kumalat para matuyo maigi

Nakakatuwa pag-masdan ang mga masisipag na taong ito

Masigla nila kaming binabati lulan ng aming sasakyan

Nginingitian ko naman sila pabalik

Hindi ko narin alam kung ilang taon na akong hindi nakakabalik dito sa probinsya namin

Bata pa ata ako nung huli akong dumalaw dito

Dahil sa maynila kami nakatira at nag-aaral

Si Papa lang ang naiiwan dito para mapamahalaan ang mga bukarin nya at ang ang pwesto ng bigasan namin sa bayan

Hindi naman kami sobrang yaman sakto lang kung susumahin

Isa kami sa may katayuan sa buhay kumpara sa mga taong nakatira dito

Dahil nakikisaka lang sila sa bukurin namin at swelduhan lang sila ni Papa

Pero sa bayan ay mas maraming mayayaman mas maykaya pa samin

Tulad ng mga namumuno ng probinsyang ito at iba pang mga negosyante

Kumpara sakanila masasabi naming mahirap din kami tulad ng mga tauhan ni Papa

"Oh, Jessica ibaba mo na ang mga gamit mo dyan" sabi nito pagdating namin sa bahay

"Ang sarap ng hangin" sabay taas ng mga kamay ko para lalong lasapin ang sariwang hanging dumadampi sa balat ko

"Hindi katulad sa maynila puro pulosyon" sabi naman ni Mafe

"Feeling ko nga puro usok ng sasakyan ang ilong ko tuwing nasa edsa ako" saad ko naman

"Kaya sulitin nyo ang pag-babakasyon nyo para naman may mauwi kayong sariwang hangin sa maynila" sabi naman ni Papa

"Pa, pwede bang dito nalang muna ako? Tapos naman na ako ng pag-aaral at nakapasa na ako ng board kaya wala na akong gagawin pa sa maynila" napatingin silang lahat sakin

"Ano naman ang gagawin mo dito iha?" Takang tanong ni Papa

"Magtuturo ng mga bata, yong mga batang hindi makapag-aral dahil malayo ang bayan"

Agad umiling si Papa "hindi pwede! Baka magustuhan ka ng mga lalaking may kaya dito at manganib pa ang buhay mo"

Napakunot naman ang noo ko, nanonood siguro si Papa ng teleserye kaya ganyan ang sinasabi

"Eh ano naman kung makursunadahan nila ako? Kung magustuhan ko naman eh di ok lang diba?"

Napailing ulit si Papa "hindi mo alam sinasabi mo Anak"

"Paano Papa kung anak ng magsasaka ang magkagusto kay ate?" Nakangising tanong ni Mafe

"Lalong ayoko!!!" Wow napaka judgemental ni Papa

"Alam nyo gusto kong magturo dito hindi ko hangad magka-lovelife kaya sige na please Papa?" Sabay pacute sakanya

"Tigilan mo na yan Jessica" sabi ni Mama

Napanguso nalang ako

"Oh sya pumasok na muna tayo sa loob para makapag-pahinga naron" sabi ulit nito

Hindi naman ganun kalaki ang bahay namin sapat lang

May apat na kwarto sa taas at may dalawa naman sa baba kasama na ang sala at kusina

RealismoWhere stories live. Discover now