Right Love

1.9K 88 33
                                    

D's

"Mama! Bilisan mo malelate na po ako!" Letse tong batang to kung makahila, mababali na ang braso ko

"Madadapa na tayo Deallan, ano ba?" Saway ko dito

"Ang bagal mo naman po kasi tumakbo eh!" Nakanguso nyang reklamo

"Hindi ka naman malelate, masyado pang maaga anak. Wag masyadong excited"

"Ok po, Mama sorry po" tapos naglakad na ito ng malumanay

Napangiti naman ako, first day nya bilang grade 1 student kaya sobrang excited nya talaga

Iisang anak lang namin si Deallan, masyado kasing busy ang Papa nya kaya hindi na masundan charr hahaha

Pero kasunduan talaga namin ni Ricci na kapag 8 or 9 years na namin ito susundan para mas maenjoy nya ang pagiging solong anak

Para kapag nagkaroon na sya ng kapatid hindi na sya magseselos pa

Mabait naman to at understand, matalino pa, magalang at higit sa lahat masunurin

Kaya wala na kaming mahihiling ni Ricci eh! Kasi binigyan kami ng isang napakabuting anak na hindi nagpapasakit ng ulo namin

"Mama dito na po" sabi nya at binitawan ang kamay ko

"Magpakabait ka ah? Makinig lagi kay Teacher, susunduin nalang kita mamaya ah? Galingan mo anak" at kiniss ang noo nya

"Opo, Mama ingat ka po?" Sabi nito bago pumasok sa classroom nito

Kamuway pa ako sakanya bago lumakad palayo sa silid aralan nito

----

J's

"Babye baby galingan mo sa first day ah?" Sabi ni John Vic sa anak naming si Maggie

"Opo Daddy" tapos humalik sya sa pisngi nito

"Mag-taxi nalang ako pauwi" sabi ko naman at kumiss din sa pisngi nya

"Ok, kita nalang tayo sa bahay mamaya" tumango ako at bumaba na sa front seat para pagbuksan naman si Maggie na nasa passenger seat

Kumaway muna kami kay John Vic bago pumasok sa school ng anak ko

"Are you excited baby?" Hawak kamay kaming naglalakad

"Yes Mom, excited na po akong magdrawing at mag-write ng shape"

Hinaplos ko ang pisngi nya "very good naman"

"Gagalingan ko po Mommy para maging proud kayo sakin ni Daddy"

"Lagi kaming proud sayo anak" tapos lumuhod ako para pumantay dito

"Ok lang ba kung iiwan ka muna ni Mommy? Hindi ka ba iiyak?"

"Yes Mom, big girl na po ako" ngumiti ako

"Sige na pumasok kana, galingan mo ah?" Tumango sya at kiniss ako sa pisngi

Tinanaw ko muna sya kung naka-upo na ito bago ako umalis sa tapat ng classroom nito

First day nya bilang grade 1 student pero mukhang ako pa ang kinakabahan para sakanya

Samantalang si Maggie eh cool na cool pa at relax na relax lang

Naglakad ako papuntang canteen, medyo kabisado ko pa ang pasikot-sikot dito

Dito rin kasi ako nag-aral ng elementary hanggang high school

Sobrang memorable ng school na to para sakin

Lalo pa't dito ko nakilala ang totoo taong minahal ko at sobrang minahal din ako

Pero tulad ng ibang love story may hangganan din ang lahat pero hindi nga lang happy ending yong samin

RealismoWhere stories live. Discover now