Viral Post

1.9K 75 87
                                    



"Tuloy ka" ngumiti naman ako bago tuluyang pumasok sa bahay nila

"Nasaan yong iba?" Takang tanong ko

"Hindi daw sila makaka-attend hindi daw sila pinayagan"

"Pero group project to Deanna"

"Dalawa parin naman tayo eh! Kaya ibig sabihin group parin hahaha"

Hay naku! Hirap talaga kapag napunta ka sa mga iresponsableng mga kagrupo

Kundi lang ako naghahabol para sa top student hindi ko pagtatyagaan ang mga ito

Lalo na itong si Deanna? Wala naman ata tong ginagawa kundi puro kalokohan

Kababaeng tao pero daig pa ang lalaki sa pagka-pasaway

Sobrang angas sa school kasi pulis ang tatay nya kaya wala talagang pumapatol kapag nag-aangas na sya

At isa pa! Kababaeng nyang tao pero napaka-babaero din

Yong tipong parang nagpapalit lang sya ng t-shirt kung magpalit ng babae

Kada linggo iba't ibang babae ang kasama nya

Pero ibahin nya ko sa mga babaeng nagpapaloko dito

Kung sakali man magkagusto ako sa babae hinding hindi ako papatol sa tulad nya

Isa pa straight ako kaya wala din syang mapapala sakin, kahit ilang beses na itong nagtangkang magpacute, sinusupla ko na agad sya!

"Yan lang talaga gagawin mo?" Sita ko sakanya dahil nag-MML lang naman ito

Bahagya syang tumingin sakin "wala naman akong maitutulong dyan"

Napa-pikit ako "eh ano pang dahilan kung bakit pinapunta mo pa ako dito?" Inis na usal ko

"Hehehe syempre ituturo mo sakin yan" bwisit!

"Saka para tipid narin diba? Hindi ka na pupunta ng com. shop dahil may internet kami at laptop ko ang gamit mo, may printer din kami dyan"

Napahinga nalang ako ng malalim, parang gusto ko na nga lang sa computer shop gumawa ng project kesa makasama kang mokong ka

"Anong gusto mong meryenda?" Tapos tumayo sya

"Bahala ka na" walang ganang saad ko

"Ok!" Sabi nya at tumungo na ng kusina nila

Pinag-masdan ko lang sya habang naglalakad

Nilibot ko rin ang paningin ko sa kabuoan ng bahay nila

Maliit lang ito pero 2 storage, nasa taas siguro yong kwarto nila

Dito kasi sa baba sala lang at kusina at isang banyo

Napatingin ulit ako kay Deanna habang nag-hahanda ng meryenda namin

Pero may kausap sya sa phone tapos lilingon sakin at ngingisi

Sinamaan ko sya ng tingin bago binaling ang pansin ko sa ginagawa ko

Malapit ko narin ito matapos, kunting oras nalang titiisin ko kasama ang mokong na to

Napatingin ulit ako sakanya nung nilapag nya yong isang baso ng manggo juice at isang chicken sandwich

"Kain ka muna! Wag masyadong masipag! Grabe naman ang ganda na nga, ang talino pa tapos..." pinasadahan nya ko ng tingin mula ulo hanggang mapako ang paningin nya sa baba........

"Sexy!" Ngumisi sya habang binabasa ang labi nito

Grabe ang manyak nya! Kababae nyang tao!

"Uuwi na ko!" Inis na saad ko

RealismoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon